CHAPTER 54: AFTER PARTY

6 2 0
                                    

HELL'S POV

"Loki" ani ko at binuhat siya

"masyado bang maingay?" tanong ko sa kaniya dahil sa nasa loob kami ngayon ng gym ngayon dito ginanap ang after party ng graduation

"meow" sagot niya

"I guess that's yes" sabi ko at lumabas naman ako at pumunta sa garden ng school at umupo sa may damuhan

"Meow" ani niya bago mas siniksik ang katawan sa may tiyan ko

"yeah, I like here too" sabi ko

"meow" napatingin naman ako kay loki dahil dun

"may sinasabi ka ba?" tanong ko at tinignan naman niya ako

"ibigay mo sa'kin yung isa mong kamay kung Oo at dalawa naman kung hindi" sabi ko at nilahad sa kaniya ang palad ko at nilapag naman niya dun ang dalawa niyang kamay bago muling umayos ng upo

"sino yun?" tanong ko

Naalarma naman ang katawan ko ng may maramdaman na presensya sa may likuran ko kaya agad kong kinuha ang dagger ko at agad na tinutok ito sa kaniya

"hex..." ani ko ng makita siya agad ko namang binaba ang dagger at muling umayos ng upo

"anong ginagawa mo dito?" tanong niya bago hinubad ang jacket ng suot niyang suit at ipinatong ito sa balikat ko

"naiingayan si loki sa loob" sagot ko

"well...malamig naman dito" sabi niya "arte naman ng pusang yan" dagdag niya

Ipinatong ko naman ang ulo ko sa balikat niya

"sinisira na nila yung isang building dun" sabi niya at napalingon naman ako at nakita ang sirang building ng school na malapit lang sa gym

"gagawin ata nilang hospital" sabi ko at kinuha naman niya ang kamay ko bago pinaglaruan ang mga daliri ko

"meow" napatingin kami kay loki dahil dun

"may sinasabi ka?" tanong ko at nilapag naman niya ang dalawang kamay niya sa braso ko

"eh sino yun?" tanong ko at umalis naman siya mula pagkakaupo sa hita ko at may pinuntahan na

"saan pupunta yun?" tanong ni hex

"aba malay ko" sagot ko at hinayaan na lang si loki

"meow"

"meow"

Napatingin naman kami dun at nakita si loki na may kasamang pusa

"hi..." ani ko

"jusko po!" rinig kong sigaw ni hex bago nahiga sa damuhan

"meow" ani niya sa'kin

itinaas ko naman ang kamay niya at sinilip kung anong gender niya

"babae siya" sabi ko at nilingon si hex

"paano mo nalaman?" tanong niya at umayos ng upo

"sinilip ko" sagot ko at natawa naman siya sa sinagot ko

"I'll name you Sigyn" sabi ko at agad naman siyang umupo sa may hita ko habang si loki ay nasa balikat ko

"you like her?" tanong ni hex dahil sa nakatingin si loki kay sigyn. sinagot naman siya ni loki gamit ang pag hissed

"wag kang pahalata dre" sabi ni hex kay loki at susugod na sana siya kay hex ay kinuha na siya ni hex mismo

"wag kang mag-alala, kahit hindi kita gusto tutulungan kita kay sigyn" sabi ni hex at muli namang ng hissed si loki ng simulang himas-himasin ni hex ang balahibo nito

"ewan ko sa inyong dalawa" sabi ko at natawa na lang sa inaasal nila

Maya-maya pa ay nahiga na kami ni hex sa damuhan habang yung dalawang pusa ay nasa likod ko

"nandun yung party pero nandito tayo" sabi ko at natawa naman siya

"okay lang, salamat na lang sa pagiging maarte ni loki ay nagkaroon tayo ng peace and quiet" sabi ko

"kayo ah! nagsasalo kayo" napaupo naman kami dahil dun at napalingon

"putangina" singhal ni hex ng makita ang mga kaibigan namin

umupo naman sila sa tabi namin

"loki" ani ni luna dahil sa nasa gitna naman si loki at sigyn

"sino yan?" tanong ni gavin habang nakaturo kay sigyn at sa sobrang lapit ng daliri niya kay sigyn ay kinalmot ito ni loki

"aray! siraulo ka" sabi ni gavin

"girlfriend niya yan tol" sabi ni hex at napatayo naman si loki at muling hinissed si hex

"ay! Hindi ka pa ba pinapansin?" mapang-asar na tanong ni hex

"Hahahaha" tawa nina blade at raphael

"nakagante ka din tol" sabi ni blade at nag high five naman sila ni hex

"mga siraulo" sabi ko at nagpatuloy naman ang kuwentuhan at asaran namin

Ito ang sarili naming after party ang mag catch up sa isa't-isa

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon