PURE'S POV
"I'm sorry—I'm sorry...I'm sorry" sunod-sunod kong sabi habang umiiyak sa mga nakatalikod na bulto ni Hex, Raphael, at Hell na ginagamot ni Makoy ng Killers at si Marc ng Victims
"I'm sorry-"
"Could you fucking shut up!" napatigil naman ako ng singhalan ako ni Hell "God! You're annoying..."
"Lumabas ka na muna, Pure. You are talking to Moon right now and not Hell..." Sabi sa'kin ni Gavin
"...and believe me when I say, Moon Avery is much dangerous than Hell Avery" dagdag niya at inalalayan naman ako ni Cj palabas ng kuwarto ni Hell
Maya-maya pa ay natapos na din sila sa paggamot kena Hex. Pinagpahinga na muna sila ni Makoy at Marc, kaya habang nagpapahinga sila ay naisip kong ipagluto sila ng hapunan at dahil nga nasa dorm kami ng mga Killers ay medyo nangangata ako
"Ayon! Nandito ka lang pala-ay kabayo!" bulyaw ko ng makita si Hell na nasa harapan ng ref at kumukuha ng tubig
"What are you doing?" malamig na tanong niya sa'kin bago ininom ang tubig ng kinuha "Well, may balak ka naman sigurong sagutin ako..."
"O-oh! I-I was planning to cook for you guys, pero hindi ko kasi alam kung saan nakalagay yung mga cooking equipment tsaka yung mga pampalasa" sagot ko
"Ano bang kasing lulutuin mo?" tanong niya
"Sinigang sana para may sabaw" sagot ko
"Tulungan na kita" Sabi niya at pinigilan ko naman siya
"Huwag!"
Matalim naman niya akong tinignan bago ako tinaasan ng kilay kaya napaatras ako "Ano...kasi—Ano... May sugat ka at sabi ni Makoy dapat magpahinga kayo. Kaya dapat hindi ka na muna kumilos masyado" Sabi ko habang marahang lumunok
"Bakit? Natatakot ka kay Makoy?" tanong niya at tumango naman ako not being able to look at her eyes "Tsk! You're afraid of him? Eh isa din namang duwag yung hayop na yun" Sabi niya at napaatras naman ako ng lapitan niya ako pero nagawa pa rin niyang hawakan ang baba ko at iniharap ako sa kaniya
"Ms. Trinidad, This is my territory and when you are in my territory...you'll follow my rules...whether you like it or not" panimula niya
"So, since this is my territory. Makoy can't kill and harm you in anyways if he tries to kill you. I'll cut him in half before he can even get close to you" dagdag niya
"Are we clear now? Panatag ka na ba?" tanong niya at tumango na lang ako
"Let's start cooking then..." Sabi niya at nagtaka naman ako kung hindi ba sumasakit ang likod niya
Naka-oversize siyang croptop at cotton na shorts kaya kita ang benda na nasa likod nito—kanina nung ginagamot siya ni Makoy ay nakita ko na ang sugat nito ay nagsisimula sa may balikat niya sa likod at nagtatapos sa may beywang niya
Hahawakan ko na sana ang parte ng benda na kita pero natigilan ng bigla na lang siyang magsalita "What?" tanong niya habang naghihiwa ng gulay na kakailanganin namin
"Hindi ba masakit?" tanong ko at nakita ko naman ang pag-iling ng ulo niya
"Why? Bakit hindi masakit?" tanong ko at nilingon naman niya ako at bumuntong hininga
"I'm used to it. Bata pa lang ako ng parusahan ako ng madrasta ko, 20 lashes ang unang palo na natanggap ko, bawat parusa ko nadadagdagan—hanggang sa makaabot kami ng 300 lashes. Kaya tuluyan na akong nasanay sa sakit" lintaya niya bago muling tumalikod sa'kin at nalungkot naman ako sa sinabi niya
"Luto na tayo" Sabi niya at tumango naman ako at tinulungan na siyang magluto
Nang makapagsimula naman kami ay nagkuwento ako tungkol kay Raphael at nagkuwento naman siya tungkol kay Hex. Sinabi niya rin sa'kin na kambal pala ang dalawa na ikinagulat ko, kasi nung una akala ko ay sadyang magkamukha lang sila
Napatigil naman kami sa pagkukuwentuhan ng makarinig ng ingay mula sa taas at nagpatuloy naman ito hanggang sa baba
"Blood!"
"Pure!" sabay na sigaw nung kambal at natawa naman ako pero agad na napatigil ng makita ang reaksyon ni Hell
"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Raphael habang nakangiti sa'min
"Nagluto kami. Tapos ngayon naman napag-isipan naming mag bake ng cupcake para sa dessert" masayang sabi ko
"Hintayin mo na lang matapos. 20 minutes na lang naman yan" walang emosyong sabi ni Hell bago lumabas ng kusina
"Hell! Saan ka pupunta?" tanong ko bago tumayo sa kinauupuan ko
Nilingon naman niya ako "sa teresa lang ako. Magpapahangin" Sabi niya bago tumalikod muli at tuluyan ng umalis
"Did something happened between the two of you?" tanong ko habang nakatingin kay Hex
"Yeah...Kain na tayo" Sabi ni Hex at akmang tatayo na sana ako ng ilagay ni Raphael ang kaniyang kamay sa balikat ko
"Ako na. Umupo ka na lang diyan" Sabi niya at ngumiti naman ako bago umupo at hinayaan na lang siya na gumalaw dahil wala din naman akong magagawa kahit na magpumilit ako
"Hello, Blood—Fuck!" singhal ni Hex bago binagsak ang cellphone sa lamesa
"Bakit? Anong meron?" tanong ko kay Hex habang nilalagyan ni Raphael ng kanin yung plato ko
"Ayaw niyang sagutin yung phone niya" Sagot niya at nilagyan naman ni Raphael ng kanin ang plato niya
Na miss kong gawin yan sa kapatid ko...kaso Nagkahiwalay kami eh
"Thanks..." Sabi ni Hex at ngumiti bago nagsimula ng kumain
"Hindi ba natin tatawagin si Hell?" tanong ko at umiling naman si Hex
"Ayaw niyang iniistorbo siya sa pagpapahangin niya. At higit sa lahat it's full moon" sagot niya
"What's with the full moon and her?" tanong ni Raphael
Imposible naman na ang rason niya ang naiisip ko...diba?
"Sabi niya. Her step-sister was taken away from her when it was full moon" panimula nito "and the reason why Blood doesn't want to be disturbed every full moon is because her sister said..." uminom na muna ito ng tubig bago ipagpatuloy ang sasabihin
"That, that moon will be their guardian for each other..." sabay naming sabi ni Hex at napatigil naman siya at napatitig sa'kin
"The moon will serve as an eye for them. Na kahit gaano pa sila kalayo sa isa't-isa merong iisang buwan na magkokonekta sa kanila" pagtapos ko at tsaka namang tumulo ang mga luha
"Pure..." pagtawag sa'kin ni Raphael
Napatingin naman ako sa kanila at nagpatuloy naman ang pagtulo ng luha ko "Kapatid ko siya..."
"Raphael, I found my sister" Sabi ko at hindi makapaniwala sa nalaman ko at hindi na napigilang umiyak lalo
I finally found my baby sister...and she is Hell Avery.
BINABASA MO ANG
SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGS
Mystery / Thriller[complete but under editing] A school where killing is a way to survive and to know information, where mercy is a mere false hope. if you're brave enough and know how to keep a secret, then you're welcome to Shinhwa Elite School, where The best way...