CHAPTER 28: FAMILY

19 7 0
                                    

HEX'S POV

"How's Hell?" tanong ni Raphael sa kabilang linya

Napatingin naman ako kay Blood na nakaupo at nakatingin sa kawalan sa may teresa ng kuwarto niya

"It's been three days at hindi pa rin siya nagsasalita about sa nangyari, eh ni pansinin nga kami hindi niya magawa" sagot ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya

"Pati nga rin si Pure, ayaw akong kausapin simula nung makita niya yung pekeng yannie" pag-imporma nito na ikinakunot ng noo ko

"What's with you and Yannie by the way?" tanong ko at nanahimik naman ang kabilang linya "Diyan ka pa ba? Hindi mo naman ako binabaan hindi ba-"

"She's my ex-girlfriend" sagot niya na ikinalaki ng mata ko

"Isn't that...against the rule?"

"It is. Kaya sobrang nasaktan si Pure noon ng malaman niya yun..." sagot nito

"Then, what happened? How did she end up dead?" tanong ko

"Yannie used me to kill Pure, pero naunahan ko na siya—bago pa niya mapatay si Pure sinaksak ko na siya gamit yung dagger mo"

"Yun yung araw na nagpanggap akong ikaw, kaya naging madali sa'kin na patayin si Yannie. I killed her and throw her body in the school lake" dagdag niya "Kaya nung makita ko yung nagpapanggap na Yannie akala ko buhay pa siya"

"Hmmm" ani ko

"Ikaw naman, Mind telling me what's with you and yesuh. How did you became friends?" tanong nito

"Nung ipasok ako dito sa imperyong to. Si Yesuh ang una kong nakasama at naging kaibigan ko" panimula ko "Sobra akong nalungkot nun ng malaman kong mapupunta siya sa mga Victims"

"Then something happened..." sabi ko at hindi ko naman naiwasan ang magalit

"Kuya, nag-bonding pa kami nun—Tinulungan pa niya akong landiin at mapatawa si Blood at Luna, nangako pa kami sa isa't-isa na walang trayduran" Sabi ko at mahinang natawa ng maalala ang ginawa ni Yesuh

"Pero trinaydor namin ang isa't-isa. Pinatay ko siya gamit ang dagger na bigay niya sa'kin at ginawa niya ang bagay na hindi ko inaasahan na gagawin niya" nagulat naman ako ng makita si Blood na nakatayo sa harap ko at puno ng pag-aalala ang mukha

"Sandali lang kuya..." Sabi ko at tinabi na muna cellphone ko

"Okay ka lang ba? May gusto ka bang kainin?" tanong ko kay Blood pero imbis na sagutin ako ay niyakap niya ako

Muli ko namang tinapat ang cellphone ko sa tenga ko "Kuya, tawagan na lang kita mamaya" Sabi ko bago pinatay ang tawag at yumakap na rin pabalik kay Blood

"Naging mahina ako, sorry..." Sabi niya at mas naging mahigpit naman ang yakap ko sa kaniya

"Hindi ka naman dapat mag-sorry tungkol diyan...ako nga dapat eh. Kasi ngayon na nanghihina ka hindi ko kaya maging malakas para sayo" Sabi ko

"Lalo na nung nakaraang araw, binitawan ko yung kamay mo nun. Alam kong kailangan mo ako pero hindi ko talaga kinaya kaya napabitaw ako" dagdag ko bago paghiwalayin ang mga katawan namin at pangkuin siya papasok sa kuwarto niya at ihiga siya sa kama niya bago tumabi dito

Nang makahiga kami ay pinatong niya ang ulo niya sa braso ko at pinaglaro-laruan ko naman ang hibla ng buhok niya at habang nakahiga ay nabalot naman kami ng katahimikan na agad ko namang binasag

"So..." panimula ko at bahagyang umubo "Mind telling me kung sino yung dalawang lalaki at bakit bigla ka na lang nagwala?" tanong ko at napatingin naman siya sa may bintana

"I'm not forcing you to tell me who they are. But please tell me why the other guy keep calling you 'mi reinita' and tell me what that bullshit means?" Sabi ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya

"Mi reinita means my princess" sagot nito na ikinakunot ng noo ko "And he's my dad..."

"Yun na yung tawag niya sa'kin simula bata palang ako hanggang sa magdalaga ako, pero umalis siya kasi may importante daw siyang gagawin at sabi niya babalik siya..."

"Pero hindi na siya bumalik. Naiwan kami ni Kuya kasama yung walang kuwentang lasengera kong madrasta, it was fine at first hangga't sa umalis si kuya...nangako din siyang babalik pero katulad ni Dad hindi na rin siya bumalik"

"Kaya inisip ko na lang na patay na silang dalawa...para hindi na ako umasa na babalik pa sila" dagdag niya bago mahinang natawa

"Sinubukan kong pakisamahan ang madrasta ko—pero hindi ko kinaya ang ugali niya, kaya ayon hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at pinatay na rin siya" wika nito "Patay na ang kuya at Daddy ko kaya dapat ako din—kaya ayun sinaksak ko yung sarili ko gamit yung kutsilyo na pinangpatay ko sa madrasta ko"

"Wala na kasi akong kakampi...kaya pumasok sa isip ko yun. Si daddy at kuya lang naman ang kakampi ko simula pa nung una" dagdag niya na ikinalungkot ko

She always been the toughest person I know, hindi ko alam kaya pala siya naging ganun dahil sa mga nangyari sa kaniya

"Eventually I'm alive. At nahanap ko ang sarili ko sa loob ng impyernong to, sabi nung nakita ko nang magising ako ay may nag recommend daw sa'kin. Noong una hindi ko alam kung sino...pero ngayon alam ko na" lintaya niya

"The guy who touched my cheek is my brother, and the other guy who called me Mi reinita is my-"

"Is your dad" pagsabad ko "Yup! He's my dad" pagkompirma niya

"And he is the fucking founder of this school...anak ako ng may-ari ng impyernong school na to" dagdag niya "He made this fucking hell of a school to make me the monster I already am and this...this is just the peak of the iceberg" Sabi niya

"...the game hasn't even started yet" ani niya at napatingin naman ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko

"Sana wala siyang gawing masama sa inyo" Sabi niya "anak man niya ako, pero he'll still follow what the rule says—he made them so might as well follow" dagdag niya

Napabalikwas naman ako ng upo ng tumunog ang cellphone ko; agad koi tong binuksan at binasa ang message ni kuya

From: Raphael

Hex...This is Pure kinuha nila si Raphael, sabi nila na paparusahan daw nila siya. Please help me hindi ko alam ang gagawin...

"Let's go" Sabi ko at pinatayo si Blood bago pinagsuot ng hoodie at sapatos tsaka siya hinila pababa at papuntang garahe

"Let's save my brother" Sabi ko bago mabilis na pinaandar ang sasakyan ko

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon