HELL'S POV
"Morning" bati sa'kin nina Blade at Gavin na nasa sala ng dorm namin
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Gavin "pinapunta kami dito ni Hex, dinaplisan mo daw" Sagot ni Gavin at napatango-tango naman ako bago dumiretso sa lamesa at nagsimula ng kumain ng agahan
Nang matapos ay tumabi ako kay Gavin sa sofa at nakinuod sa pinanonood nila "Tapos na" rinig kong boses sa may hagdan at nakita ko naman ang pagbaba nina Hex at Makoy
"You" Sabi ni Makoy at dinuro ako "Good thing wala kang ugat na natamaan sa leeg nito" mataray na sabi sa'kin ni Makoy at napakunot naman ako ng noo
"Bakla ka ba?" tanong ko at kinagatan ang strawberry na hawak ko "Gago ka!" singhal niya na hindi ko ikinatuwa
Tumayo naman ako tsaka dahan-dahan siyang nilapitan pero agad ding tumigil ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at binuksan tsaka binasa ang mensahe na ipinadala sa'kin ng principal
"Fuck!" singhal ko sa unang pangungusap sa mensahe
Dear, Ms. Avery
Secret of Joses: She had something to do with what happened to you when Yesuh was still alive
"That bitch!" bulyaw ko ng matapos kong basahin ang mensahe
"Bakit?" tanong ni Hex at agad ko namang hinarap sa kanya ang cellphone ko at nakibasa naman sina Gavin
Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Hex at ang galit sa mga mata nito dahil sa nabasa
"Tsk! Tama lang sa kanya ang pagkakamatay niya!" galit na sigaw ni Hex at nang iharap ko na ulit ang cellphone ko sa'kin ay may bago na namang mensaheng pinadala sa'kin ang principal
Dear, Ms. Avery
Secret of Margaux: She tried to kill you multiple times but can't find a perfect timing to do it. You are the reason why his youngest brother, a member of Victims, died.
"Fuck you!" bulyaw ko ng mabasa ko ang sekreto ni Margaux
Patapon kong binagsak ang cellphone ko sa sahig at nag-mamartsang lumabas ng dorm at dumiretso sa sementeryo ng school at agad na hinanap ang puntod ni Margaux at Joses na magkatabi lang
"Ahhhh!" sigaw ko sa mga puntod nila "Pinagkatiwalaan ko kayo!" galit na sigaw ko at hindi na napigilan ang mapaluhod at umiyak
"Kinaibigan niyo ako...para lang makapaghigante! Para lang traydurin!" at dahil na rin sa galit ay hinukay ko ang mga puntod nila gamit ang sarili kong mga kamay
Nasa kalagitnaan ako ng paghuhukay ng marinig ko ang boses nina Gavin "Hell...Hell, stop" rinig kong utos ni Gavin
"Blood, stop this! Please" pagmamakaawa ni Hex habang pinipigilan akong maghukay sa pamamagitan ng pagyakap sa'kin mula sa likod
HEX'S POV
"Shit!" singhal ko at tumakbo palabas ng dorm para sundan at hanapin si Blood
Habang nasa kalagitnaan kami ng paghahanap ay napatigil ako sa may gymnasium at sinapo ang tahi sa leeg ko
"Putangina!" tanging salita na lumabas sa bibig ko
"Dude!" rinig kong boses ng mga kaibigan ko kaya naman nilingon ko sila "wag ka ng tumakbo! Katatahi pa lang sa sugat mo. Pagpinilit mo yan bubuka yan" Sabi ni Makoy
"Dude!" napatingin naman kami ni Makoy sa tumawag na iyon
"Nahanap na ni Blade si Hell!" sigaw ni Sun at tumango naman ako bago tumakbo pasunod kay Sun
"Blade..." ani ko at huminto na muna para habulin ang hininga ko
"Nandun siya, dude" Sabi niya at dinuro ang bulto ni Blood
Napatitig naman ako sa kaniya pero agad ding nag-panic dahil sa ginagawa niyang paghukay sa puntod ni Joses at Margaux gamit ang mismong mga kamay niya
"Hell...Hell, stop" pagpigil ni Gavin kay Blood pero hindi niya magawang lumapit dahil sa pagwawala nito
Kaya kahit na may iniinda akong hapdi sa leeg ko ay nilapitan ko na siya at binuhat mula sa pagkakaluhod at niyakap siya "Blood, stop this! Please" pagmamakaawa ko bago sinandal ang ulo ko sa batok niya at pumikit dahil alam ko kung gaano nasasaktan si Blood ngayon
"Pinagkatiwalaan ko kayo! Akala ko may mga nadagdag na sa mga kaibigan ko!" sigaw niya "I fucking mourn for you!" Sabi niya at mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kaniya at naramdaman ko naman ang pagtigil niya
Inangatan ko naman siya ng tingin at mula sa gilid ay nakita ko siyang nakapikit at tumutulo ang mga luha niya mula sa mata habang malalim na humihinga
"Blood?" ani ko bago ko naramdaman ang luha niya na dumampi sa balat ko
"Blood-"
"Let's go home. Bago pa tuluyang bumuhos ang ulan" walang buhay niyang sabi at napatingin naman ako sa langit na nagsisimula na ngang magdilim
"Hindi na kayo makakaganti sa'kin. It's your fucking damn fault na mahihina kayo, kaya kayo ang nauna diyan sa hukay" lintaya niya bago tuluyang bumagsak ang katawan niya at inayos ko naman ang pagkakabuhat ko sa kaniya
"Dude! Yung sugat mo!" rinig kong sigaw ni Blade pero isinawalang bahala ko na lang yun at naglakad na pabalik sa dorm
Wala akong pakialam kung gaano kasakit tong iniinda ko dahil mas inaalala ko yung sakit na nararamdaman ni Blood
BINABASA MO ANG
SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGS
Mystery / Thriller[complete but under editing] A school where killing is a way to survive and to know information, where mercy is a mere false hope. if you're brave enough and know how to keep a secret, then you're welcome to Shinhwa Elite School, where The best way...