CHAPTER 47: NEW YEAR

7 3 0
                                    

Hex's POV

Makalipas ang ilang araw simula ng pasko ay tulog pa rin si blood

sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ba akong umasang gigising pa siya. hindi ko naman sinasabi na sumusuko na ako...pero tama ba? worth it ba?

"of course it is" napalingon naman ako dahil dun at nakita si tito Ace

"Huh?" tanong ko

"alam ko na nagsisimula mo nang itanong kung tama ba na hinihintay mong magising si blood"

"kaya ang sagot ko ay..Oo tama at worth it" sagot nito

"I also experienced the same thing with December" dagdag nito

"Naghiwalay kami..." panimula nito

"Naghintay ako ng ilang taon. halos hindi na mabilang yung alak na iniinom ko every night"

"kasi tuwing umiinom ako, nakikita ko siya at nararamdaman ko siya"

"makalipas ang ilang taon napaisip na rin ako kung tama ba na hintayin siya? or worth ba?. kasi baka pagbalik niya may iba ng nagpapasaya sa kaniya" 

"at nung bumalik siya meron nga" dagdag nito

"nagkabalikan  pa rin naman kami after kong maaksidente" sabi nito at bahagyang natawa

"nung nagkabalikan kami siya naman ang naaksidente, I almost lost her...almost"

"after that we got married then had children" pagtapos nito

"kaya wag mong isipin kung tama ba? or worth it bang maghintay?" sabi nito sakin

"kasi tama at worth it siya" dagdag nito

"paano kung hindi siya magising? is it still worth it?" tanong ko

"of course. kung hindi man siya nagising atleast nakasama mo siya hanggang sa pinakahuling paghinga at pagtibok ng puso niya, so it's still worth it"

"and besides legal naman sa france ang magpakasal sa isang patay na tao. dun na lang kayo magpakasal" sabi nito bago ako nginitian

"labas" ani ko 

"after kitang kuwentuhan-"

"labas" 

"I adviced you to stay positive about this tapos-"

"labas!" maawtoridad ko na sabi kay tito Ace na agad naman niyang sinunod

"pumayat ka lang naging ganiyan ka na" bulong niya habang naglalakad palabas sa kuwarto ni blood

Kinabukasan ay December 31 na at abala na naman kaming lahat sa pag-aayos at pagluluto. Napag-isipan namin na i-celebrate ang new year sa gymnasium na school at dahil si tito forneus ang may-ari ng school ay ngayong lang namin na laman na may remote pala na puwede mong gamitin para tanggaling ang bubong ng school

"tulog pa din?" tanong ni blade sa'kin at tumango naman ako

"sana nga gumising na siya eh" sabi ko habang tinutulungan silang mag set up ng lamesa

Maya-maya ay binalot na ng dilim ang kalangitan at lahat kami ay nagtipon na sa gym at nandito si blood

"Hahahaha" tawa bigla ni  Gavin

"Tignan niyo to" sabi niya at nilapitan naman namin siya

"panget nang ka partner ko signed by hell Avery" basa niya bago tumawa

"Ginamit din ito nung prom eh" sabi ni luna habang tawa parin ng tawa si Gavin

"Ikaw ka-partner niya nito eh" dagdag ni luna

"kinginang yan" singhal ko bago nagmamartsang pinuntahan si blood na binabantayan ni kuya death

"excuse me" sabi ko kay kuya death at tumabi naman siya

"Anong pangit pinagsasabi mo?" tanong ko sa kaniya

"ang guwapo ko kaya nung prom" dagdag ko at nagsimula naman na silang magbilang

"10"

"9"

"8"

"7"

"I love you" sabi ko kay blood at pinagsaklop ang mga kamay namin

"4"

"3"

"2" pagsabay ko sa pagbilang

"1!" sigaw namin

"Happy new year!" sigaw ng lahat at napatingin naman ako kay blood ng maramdaman ko marahang magpisil niya sa kamay ko


SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon