w(°o°)w
1ST ONE - 23.
Sa mall. . .
Dahil linggo, kahit gabi na ay marami pa rin ang tao. Sa kanilang paglalakad ay may nakitang fruit shake stall si Jia malapit sa hagdanan paakyat sa second floor.
Syempre, bumili siya ng isa.
Muli silang naglakad. Sa dulo ay naroon ang hagdanan paakyat sa mismong Cinema Hall. Pagkaakyat ay kaagad silang pumila para makabili ng ticket. Habang nakapila ay panay ang tingin ni Jia sa poster na nasa gilid nila.
Dumaan ang sandali ay sila na ang nasa unahan ng pila. Si Ace ang bumili ng tickets dahil libre na niya nga iyon, habang sina Jia at Jayson ay nagtungo sa bilihan ng popcorn at drinks.
"Tatlong malaki na ba bibilhin?" tanong ni Jayson.
"Tatlo na," sabi ni Jia. "Libre mo."
"Libre ko? Sige, pati drinks."
"'Yan, the best ka talaga!"
"Hmm sige na. Ubusin mo na kaya fruit shake mo. Mauubos mo na nga e tapos 'di mo pa ako binigyan."
"E hindi ka naman nanghingi. Saka may pera ka 'no."
"Oo sabi ko nga."
"Nagbabangayan na naman kayo?" natatawang tanong ni Ace. "After thirty minutes ay pwede na tayong pumasok sa Cinema 2. Babayaran mo na ba ang popcorns na 'yan?"
"Hindi pa naman.." Lumingon sa kaniya si Jayson.
"Bilhin mo na 'yung isa. Nagugutom ako," sabi pa ni Ace. "Tara maupo tayo do'n."
"Sige, saka isang drink. Juice na lang?"
"Oo sige, salamat."
"No problem. Tara na, sis."
Sa isang gilid ng Cinema ay mayroong pwesto kung saan pwedeng maghintay hanggang sa maaari nang makapasok sa alinman sa Cinema rooms. Naupo silang tatlo sa mahabang upuan na nandoon na hindi pa nauupuan ng iba.
"Ang sarap ng popcorn, ano?" Lumingon si Ace sa magkapatid. "Iba ang sarap kapag sa sinehan talaga galing, haha! Na-miss ko talaga ang sinehan."
"Sa Pinas ba, hindi ka pa nakakapag-sine?" tanong ni Jia.
"Ilang beses na rin. Pero iba ang feeling 'pag dito," aniya. "One hour and thirty minutes ang duration ng movie kaya mababalikan natin on time ang engraved bracelets. Sana matapos na agad."
"Sigurado 'yon. Tayo ang last customer bago tuluyang magsara ang store. Saka dinoblehan ko ang bayad. May makukuha tayong mga singsing at keychains, katumbas ng dalawa sa mga bracelets. So, may sampu pa tayong makukuha kasabay ng engraved bracelets."
"Naks, ang dami mong pera ah?" sabi ni Jayson.
"Syempre, nagbubunga lahat ng pagod ko sa trabaho e," aniya. "Saka sa school e may tutorial session, kaya nagkaka-income din ako."
"Maparaan at madiskarte. Kaya pala, no wonder."
"No wonder na?"
"Na nagustuhan ka ni leadernim."
Hindi nakapagsalita si Jia. Napabaling sa gilid si Ace habang natigilan sa pagnguya ng popcorn.
"At literal na ako ang third wheeler." Natawa na lamang si Jayson sabay lingon sa ibang naroroon.
BINABASA MO ANG
One Series: The Dream (1st One + Gift)
Fanfiction[completed] 1st One + Gift One Series: The Dream | Book 01 Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di ba? Sabi nga ng iba sa atin, love can wait but the dream, the opportunity ay parang...