1ST ONE - 24.

28 2 1
                                    





w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

1ST ONE - 24.

Sobrang natutuwa si Jia habang naglalakad pauwi. Masyado mang mabagal ang kaniyang paglalakad ay wala siyang pakialam kahit na nababagalan ang mga taong nakasunod sa kaniya.

"Jia!" Boses iyon ni Minje.

Napalingon siya sa kabilang gilid ng kalsada. "Minje-oppa!"

Tumawid si Minje at kaagad siyang nilapitan. "Why are you walking alone? And what's in that paper bag------And for whom is that bear?" sunod-sunod na tanong niya.

"Secret. This bear is for Ace," aniya. "Did you go somewhere?"

"I just visited a colligue. Let's go home together."

"Sure."

Habang naglalakad ay tahimik lang si Jia habang panay ang kwento ni Minje. Kung sila Jia ay nanggala at nag-enjoy, ganoon din si Minje. Marami siyang pinuntahan matapos ang kaniyang trabaho. Ngayon pa lang siya uuwi, at saktong nakita niya ang dalaga.

Lumpias ang mga minuto. . .

"We're here. I'll go inside."

"See you tomorrow, Ji." Kumaway si Minje at naglakad patungo sa kaniyang tinutuluyan, doon sa may Christmas tree.

Kinawayan din siya ni Jia at tuluyang naglakad papasok sa Entertainment.

"Sis."

Napalingon siya sa gawing kaliwa. Nandoon si Jayson, nakaupong pandekwatro't may hawak na basong may lamang hot choco drink.

"Oh Jayson, tara na sa taas. Nasa'n si Ace?"

"Nasa kwarto na niya, mukhang nakatulog na," sagot niya. "Ako na magdadala niyang mga bitbit mo."

"Hindi, ako na magdadala. Ibibigay ko 'yung sa'yo kinaumagahan bago ako pumunta sa school. Sige na."

"Sige, good night. Baka gusto mo ng hot choco?"

"Hindi na, okay na. Salamat. Sige na, good night."

Kaagad na naglakad si Jia sa hagdanan papuntang second floor. Pagkarating sa mga kwarto ay dumiretso siya sa special space niya at ni-lock ang pinto. Sa gawing kaliwa mula sa kaniyang kama ay naroon ang kaniyang study area.

Naupo siya sa upuan at kaagad na binuksan ang pinakamalaking drawer sa ibaba ng lamesa, at doon isinilid ang malaking kahon.

"Bukas ko na lang iyon aayusin. Mag-re-review lang ako saglit tapos baka matutulog na ako.."

Sa gawing itaas na drawer ay kinuha niya mula roon ang kaniyang dalawang libro. Statistics books. Hindi na siya hirap makaintindi ng mga nakasulat doon, sadyang mahirap lang ang lessons, ika nga niya.

Dumaan ang mga minutong pagbabasa ay tinamad siya, hindi siya makapag-focus. Bumuntong-hininga siya at iginilid ang mga libro.

"Nagtatampo ba siya, o sadiyang gano'n talaga siya? Parang iba nararamdaman ko," sabi niya sa sarili.

Nilingon niya ang bear na nakalagay pa rin sa plastik. Nakalagay iyon sa kama niya. Tiningnan niya iyong maigi at napangiti na naman.

"Acey Bear. Acey Bear ipapangalan ko sa'yo."

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

Nag-shower saglit si Jia at ang suot na pajama kanina ay iyon din ang kaniyang suot ngayon. Nakasuot siya ng cotton over-sized shirt, na may disenyong mga puso sa likuran. Kasalukuyan niyang tinutuyo ang buhok at umupo siya sa kama katabi si Acey Bear.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon