w(°o°)w
1ST ONE - 07.
"What?" Nabigla si Ace.
"Val." Iyon ang tawag sa kaniya ni PDnim, ni Oppa Ojay kapag seryosong bagay ang pag-uusapan nila. At dahil sa tinawag siya sa kaniyang tunay na pangalan ngayon ay kaagad na siyang kinakabahan.
"PDnim.." aniya. "B-Bakit ka nandito? I mean, hindi ba't nasa Laguna ka?"
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa inyo?" Ibinalik ni Oppa Ojay sa kaniya ang tanong. "Hinanap ko si Gift sa bahay nila sa Laguna, at sinabi ng kapatid niya na nasa Korea na siya. Kaya nagtaka ako, kasi sa pagkakaalala ko, may sinabi ako sa inyo bago kayo tuluyang nagpahinga. Siguro naman ... tanda pa ba?"
"Oo, tanda ko." Napatungo si Ace. "Pero.."
"Anong pero?"
"Si Jayson.."
"Sinabi ko sa mama niya ang nangyari. Kung hindi pa ako nakatanggap ng tawag ay wala akong kaalam-alam, Val. Anong nangyayari sa inyo? Nakatanggap lang ng isang linggong bakasyon na sana ay ilalaan niyo sa inyong pamilya e nandirito lang pala kayo? So, look on what happened to Jayson. And even to yourself. Sino ang mananagot?"
"I'm sorry pero may problema talaga ang pamilya nila."
"Kilala ko ang Mister Lee na 'yon. May dahilan pero hindi ko na babanggitin pa. At anong bali-balitang magkapatid sina Jia at Jayson?"
"Totoo po 'yon PDnim," sabi ni Jia "Magkapatid kami. Kahapon ko lang nalaman at nakita ang ama namin. Kaso hindi ko lubos-akalaing ganito ang gagawin niya sa sariling anak. Natatakot akong ma-trauma si Jayson."
"Ganito, just face the consequence. Alam niyong tinototoo ko ang lahat ng aking mga sinabi. At ngayon, lubusin niyo na ang isang linggong bakasyon. Wander around Seoul, do anything and everything you want. For the whole week. Friday pa lang naman, at pwedeng-pwede pa kayong mag-enjoy. But when Monday next week comes, ipapauwi ko sina Yhena at Marina pabalik sa Pinas, at ikaw Jia sumama ka na rin sa kanila. Just tell your professors na pinapauwi na kita. Kung tutuusin ay naisakatuparan na ang pangarap mo, hindi ba?"
"Opo.."
"At kayo naman.." Muling ibinaling ni Oppa Ojay ang paningin kay Ace at bumuntong-hininga. "Isang buwan kayong mananatili dito. Maghahanda na kayo para sa debut niyo dito. At ang regional tours ay matutuloy siguro a month later. Sana isang aral ito sa inyo. Alam niyo naman kung gaano na kayo pinagbibigyan. Kaya sana alam niyo na ang dapat niyong gawin sa susunod."
"Oo, PDnim. I'm sorry," sabi ni Ace.
"Puntahan natin si Jayson. Let's see kung pwede na siyang ma-discharge."
Dumiretso sila sa kwarto kung nasaan si Jayson, at nakasandal siya sa headboard ng hospital bed. Nagkatinginan sila.
"PDnim?" aniya.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?"
"Okay na po ako. Gusto ko nang makalabas dito," aniya. "Pero teka, anong ginagawa niyo dito?"
"Mahabang kwento. Sa tingin ko ay pwede ka nang umuwi. May pag-uusapan tayo pagdating sa Entertainment. Halika na."
Isang oras ang nagdaan, at nasa kalagitnaan na sila ng biyahe pabalik sa FirstOne Entertainment. Pare-pareho silang tahimik.
Sa kabilang banda. . .
Pagkakain ay nasa isang malawak na backyard sila Alpha kasama sina Marina at Yhena. Magkakatabi silang naupo sa mahabang oak bench na naroroon, sa may gilid ng isang mayabong na puno.
(From right to left: Gift, Joker, J, Max, Marina, Yhena and Alpha)
Maraming maliliit na ilaw ang nakapaligid sa kanila, at sa harapan ay ang daanan patungo sa kabilang direksyon ng lugar na iyon.
"Nakapag-usap na kaya sina Ace at PDnim?" tanong ni J. "Nag-aalala ako."
"Tiwala akong magiging maayos ang lahat," sabi ni Max.
"Sigurado ako. Magtiwala lang kayo guys," sabi ni Marina.
"E si Jayson?" tanong ni Yhena. "Alam na kaya niya ang totoo?"
"Hindi natin alam pare-pareho kung sinabi na ba ni Jia ang totoo o kung hindi pa," sabi ni Alpha. "Sana lang ay madali kay Jayson na unawain at tanggapin ang katotohanan."
"Sana nga," sabi ni Joker. "Pero magiging handa ba tayo kung sakaling ituloy nga ang debut natin dito?"
"Iyon naman talaga ang orihinal na plano," sabi ni Gift. "Wala na tayong maidadahilan pa para tanggihan iyon. Ito na talaga, umpisa na ng lahat ng resulta ng mga pinagpaguran natin."
"Ito na talaga ang kahahantungan ng lahat ng inyong pagsisikap," sabi ni Yhena. "Laban lang. Saka nandito naman kami para suportahan kayo, 'di ba Marina?"
"Aba oo naman, support namin kayo," nakangiting sabi ni Marina
"'Yun oh! Ganado na sila!" sabi ni Joker sabay sulyap kina Max at Alpha. "Gandang inspirasyon naman ng mga ito."
"E kung sasagutin na ni Marina si Max, aba mas magiging inspirado 'yan!" sabi ni Gift.
"Sinabi mo pa, hahaha!" Natawa si J.
"Darating din tayo sa bagay na 'yan," sabi ni Marina. "Hintayin na lang natin sila Ace."
"Kaya nga," sabi ni Gift.
w(°o°)w
"Nandito na sila."
Napatayo sila. Nasa lobby ang lahat, at bagaman tahimik ay halata na hindi magkamayaw ang kanilang kaba at pag-aalala.
"Kayo, gawin niyo muna ang nais at kailangan niyong gawin. Kakain muna kami, at mamaya ay mag-uusap-usap tayong lahat," dire-diretsong sabi ni Oppa Ojay gamit ang sariling lenggwahe. Bagaman nakuha ng iba ay hindi sila kaagad nakasunod.
Nilagpasan lang sila ni Oppa Ojay at walang-imik na nagharap-harap ang magkakaibigan.
"'Uy, okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Alpha kay Jayson.
"Oo, ayos na ako," aniya. "Kinakabahan ako sa maaaring mangyari pagkatapos nito."
"H'wag iyon ang unahin mo," sabi ni J. "Sarili mo ang unahin mo. Hala sige, kumain muna kayo. Maghihintay kami."
"Sige, tara Jayson," sabi ni Jia sabay lakad kasunod ni Jayson patungong restaurant.
Tiningnan ng mga kaibigan si Ace, na ngayo'y hindi malaman-laman kung anong sasabihin at gagawin. Bigla siyang nablangko nang dahil sa nangyari kanina.
w(°o°)w
Hiyouuuuu, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends! (◔‿◔)
Maraming salamat ~
-sophiaawp.
Kindly follow my socials:
FB/IG/S/SC: @/misswissdom
X/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: iamsophiaalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.comKindly follow 1st One socials
FB/X/IG/TT/YT: @/1stOneOfficial
Website: www.1stoneofficial.com
BINABASA MO ANG
One Series: The Dream (1st One + Gift)
Fiksi Penggemar[completed] 1st One + Gift One Series: The Dream | Book 01 Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di ba? Sabi nga ng iba sa atin, love can wait but the dream, the opportunity ay parang...