w(°o°)w
1ST ONE - 25.
Kinaumagahan. . .
"Kaninong teddy bear 'to?" tanong ni J sabay kuha kay Acey Bear na yakap-yakap ni Ace.
"Aww, ang cute!" sabi ni Joker.
"Kay Ace 'yan," sabi ni Max. "Tingnan mo naman. Kaniyang-kaniya ang datingan."
"Bakit ba nandito kayo? Natutulog pa sila oh," sabi ni Yhena at nilapitan sila.
"Sabi sa akin ni Minje, 08:00 am ang first class ni Jia," sabi ni Jayson. Lumapit siya kay Jia at marahang hinawakan sa braso.
Inuga-uga niya ang kapatid.
"06:30 pa lang naman," sabi ni Gift.
"May kalayuan ang Hongik University mula dito." Lumingon sa kaniya si Jayson. "Saka baka may mga gagawin pa siya."
"Sabagay."
"Ang cute ng teddy bear," sabi ni Marina. "Kanino 'yan?"
"Kay Ace 'yan."
"Pahawak naman J."
"Oh." Ihinagis ni J si Acey Bear, mabuti nasalo ito ni Marina.
"Bakit mo hinagis? Buti nasalo ko."
"Buti nga nasalo mo e."
"Pasaway ka talaga."
"Lumabas na nga kayo," sabi ni Jayson. "Masyado nang maingay."
"A-Anong meron?" Napamulat ng mga mata si Ace at naupo sa kama. "Ang ingay naman."
"May class si Jia ng 08:00 am. Kailangan na niyang gumising."
"Teka nga pala, bakit dito siya sa kwarto mo natutulog?" tanong mayamaya ni J. "May nangyari------" Siniko siya ni Max.
"Ano na naman!?" singhal nito sa kaniya. "Kanina mo pa ako inaaway, ah!"
"Oo nga, bakit magkatabi kayong natutulog?" tanong ni Yhena.
"Nag-re-review kami kagabi, tinulungan ko siya," sagot ni Ace sabay kuha kay Acey Bear na hawak ni Marina. Niyakap niyang muli ang bear. "'Yung antok ko, nalipat sa kaniya. Kaya ayon, habang nag-e-explain ako sa kaniya e napansin kong nakatulog na siya."
"Ah.." sabi nila.
"Ano na naman bang iniisip niyo?"
"Wala wala," kaagad na sabi ni Max.
"Masyado kaming pagod, kaya natulog lang kami."
"Oo nga, sabi ko nga," sabi ni J. "E di gisingin mo na si Jia."
"Kailangan ba talaga nandito kayo?"
"Bakit? Paano mo ba siya gigisingin? May kiss ba--------Aray!" Binatukan ni Ace si J.
"Ano na naman ang pinagsasasabi mo, J?" natatawang tanong ni Alpha. "Masyadong ano ah, hahaha!"
"Grabe naman kayo," sabi ni Jayson. "Ako na gigising. Baka masinghalan pa kayo."
Muli niyang inuga ang kapatid. "Sis, gising na. Ma-le-late ka na sa first class mo."
"H-Ha?" Mayamaya pa'y napamulat ng mga mata si Jia. "A-Anong oras na!? Bakit ngayon mo lang ako ginising, Ace?!" Kaagad siyang tumayo at naglakad palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
One Series: The Dream (1st One + Gift)
Fanfiction[completed] 1st One + Gift One Series: The Dream | Book 01 Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di ba? Sabi nga ng iba sa atin, love can wait but the dream, the opportunity ay parang...