1ST ONE - 32.

13 2 1
                                    





w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

1ST ONE - 32.

Tuesday, 06:05 am. . .

Naglakad si Jia palabas ng kaniyang special space. Nakasuot siya ng pajama at white shirt na napapatungan ng black jacket.

"Good morning," sabi ni Gift sa kaniya.

"'Uy, good morning," aniya. "Bababa ka ba? Sabay na tayo."

"Tara."

Pagkababa. . .

"Good morning, PDnim," sabay nilang sabi.

"Good morning. Kayong dalawa lang ba ang gising?"

"Mukhang tulog pa sila," sabi ni Gift.

"Sige na, kumain na kayo."

"Sige po. Hindi kayo sasabay?"

"Kanina pa ako kumain. Sige na."

"Sige po."

Sabay na dumiretso sa restaurant sina Jia at Gift.

"Grabe ang antok ko kagabi," natatawang sabi ni Gift habang nakatungo sa lamesa.

Natawa rin si Jia. "Kaya nga e. Nagtataka lang ako kung paano tayo nakarating sa kaniya-kaniya nating kwarto, haha!"

"Nag-sleep walk ba tayo?"

"Aba, ewan ko. Inaantok pa ako, haha! Kaso kailangan kong pumasok sa school hehe," aniya. "Pancakes and bacons for breakfast. Kain na tayo."

Kumain sila habang nag-uusap. Nagtataka talaga si Jia kung paano sila nagising sa kaniya-kaniyang kwarto.

Binalewala na lamang niya iyon at mabilis na natapos sa pagkain.

Sa umaga ring iyon, si Ace ang naghatid kay Jia sa school. Ang mga kaibigan nila'y may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan.

Habang nasa klase ay hindi na naman makapag-focus si Jia. Tulala siya, mabuti at hindi nasisita ng kasalukuyan nilang professor.

Dumaan ang lunch time, si Ace pa rin ang kasama niya. May dala siyang lunch box para sa kaniya. Pinayagan siyang makapasok sa loob ng school kaya masaya siyang iginiya ng dalaga patungo sa cafeteria.

May mangilan-ngilang estudyante na nandoon.

"Dahan-dahan sa pagkain, Jia," nakangiting sabi ni Ace sa kaniya.

"Pasensya na. Binili mo ba 'to?" Lumingon ang dalaga sa kaniya pagkainom ng tubig.

"Niluto ko 'yan. Nagpatulong ako syempre. Masarap naman, 'di ba?"

"Oo, kaya nga napaparami kain ko e," nakangiting aniya. "Tuesday na Tuesday ay sunod-sunod ang quiz, jusme. Hindi ako prepared."

"Pero pasado ka naman?"

"Syempre. Matalino ako 'no. Hehe!"

"Halata nga naman. Hindi ba si Raewon 'yon?"

Napalingon si Jia. Nakita niya si Raewon. As usual, gwapong-gwapo at pinagtitinginan ng mga estudyante. May sukbit siyang bag at may mga libro na dala.

Tumayo ang dalaga at kumaway. "Raewon-sunbae! Have you eaten your lunch?"

"Yeah, just finished. Oh, hey there Ace."

"Hey Raewon."

"If you could excuse me, I need to continue my studies," aniya at kaagad na naglakad palabas ng cafeteria.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon