w(°o°)w
1ST ONE - 45.
"Hmm?" sabi J at lumingon. "Oh, Jia! Nakabalik ka na pala!"
"'Uy, welcome back," sabi ni Joker. "Si Jodie na ba 'yang kasama mo?"
"Si Jodie?" Napalingon sila kay Gift na kababangon lang mula sa paghiga sa sahig at kaagad na niyakap ang kapatid. "Jodie!"
"Pinauna na kami dito ni Ate Nica," sabi ni Jia at naupo katabi ng isang speaker kung saan ay nandoon din si Jayson. "Hey."
"Oh, sis," aniya. "Buti nakarating kayo ng ligtas."
"Syempre. Oh, kumusta kayong lahat?" Nilingon niya ang anim. "Dapat ay natutulog na kayo ngayon."
"Matutulog na rin kami," sabi ni Max. "Napansin mo ang mga pagbabago, ano?"
"Oo. Ano nang ayos ng second floor?"
"Ayon, lahat ng kwarto doon ay ginawa ng pahingahan. Dito na ang practice room namin, kasi mas malaki at maluwag 'to. Sa kabila ang recording room. Tapos 'yung hagdanan at elevator, mas magagamit na nang madalas. Lahat ng nagtatrabaho sa building na 'to ay dito na manunuluyan."
"Mabuti 'yon. Siya, ano pang hinihintay niyo? Aba e magpahinga na kayo. I'm sure maaga pa kayo bukas. Kailangan niyong makapagpahinga nang maayos."
"Hmm. Good night sa inyo," sabi ni Alpha.
"Bukas na lang tayo mag-usap-usap. Sige na."
"Good night," sabi ni J. Sumunod na siya kina Alpha at Joker na lumabas sa practice room na iyon.
"Kayo rin, Max, Jayson. Good night sa inyo."
"Good night, Jia."
"Good night, sis."
"Nailagay ko na sa space mo ang maleta at bag mo," sabi ni Ace sabay hila sa kaniya patayo. "'Yung kay Jodie, idiniretso ko sa kwarto ni Gift."
"Ah okay. Nandoon pa ba iba kong gamit?"
"Oo. Wala namang nabago do'n, 'yung ibang kwarto lang. Magkakatapat pa rin mga kwarto natin."
"Ah." Lumapit ang dalaga kina Gift at Jodie na nakaupo habang nakasandal sa isa't isa.
"Nakatulog na siya. Ako na magdadala sa kaniya sa kwarto mo. Sumunod ka na lang, hmm?"
"Sige, salamat." Lumingon sa kaniya si Gift.
Dahan-dahang binuhat ni Ace si Jodie at kaagad na naglakad palabas. Tinanggal ni Jia sa saksakan ang lahat ng speaker at saka iyon iginilid. Tumabi siya kay Gift, at saka nginitian ito.
"Masaya ka ba?" tanong niya. "I know, hindi madaling tanggapin ang mga nangyari. Ang mahalaga naman e kasama mo na kapatid mo, 'di ba?"
"Tama ka," mahinang sagot ni Gift. "Salamat nga pala."
"H'wag lang sa'kin, dapat kay Ate Nica rin."
"Nagawa ko na 'yon. Hanga ako sa ginawa niya. Nahihiya lang talaga ako. Wala akong ginawa para hindi magkagano'n si Jodie. Wala akong ginawa para kunin siya mula kay papa. Wala akong ginawa para iligtas siya. Wala akong kwenta." Napatungo siya at narinig ng dalaga ang paghikbi nito.
BINABASA MO ANG
One Series: The Dream (1st One + Gift)
Fanfiction[completed] 1st One + Gift One Series: The Dream | Book 01 Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di ba? Sabi nga ng iba sa atin, love can wait but the dream, the opportunity ay parang...