ALPHA - 04.

60 4 4
                                    




w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

ALPHA - 04.

Dumaan ang kinahapunan, oras na ng uwian. Mga ilang oras bago niyon ay nakapag-tryout si Yhena sa chess, at natutuwa siya ngayon dahil isa siya sa lalaban para sa school competition nila this September.

Ngunit ang kaniyang natutuwang hitsura ay biglang nagtataka na ngayon, nang siya'y may makitang lalaki sa harap ng isang kotse.

Hindi niya ito namumukaan.

And worst, matapos tingnan nang saglitan ay nilampasan na niya ito.

Hinigit ni Alpha ang kaniyang kamay. Sa sobrang gulat ay napayakap siya rito.

At ang sumunod na pangyayari? Naluha siya.

Mahigpit siyang niyakap ni Alpha, at mas naluha si Yhena. Sa hindi malamang dahilan ay masaya siyang makitang muli ang lalaking minsan nang naging parte ng kaniyang buhay.

Na kaniyang minahal.

Na siya ring sinaktan.

"Yhena.." Naluha na rin si Alpha. "K-Kamusta ka na? Nakangiti ka kanina, hindi ba? Pero bakit ngayon..."

Lumayo sa kaniya si Yhena sabay hampas nang bahagya sa kaniyang dibdib. "Loko ka, Jonas! B-Bakit.." Muling tumulo ang kaniyang luha. "B-Bakit ... Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon, kami na mapuntahan ang aming pamilya," aniya. "Pero ikaw ang gusto kong puntahan. Kaya nga nandito ako sa harap mo."

"Ah.." Marahang pinunasan ni Yhena ang kaniyang luha sa kaniyang mga mata. "Grabe, nakaka-wow ang hitsura mo ngayon. Mas lalo kang gumwapo."

Nginitian lang siya ni Alpha. "Ako na nga pala si---"

"Oh my gosh! Alphaaaaa!"

Pareho silang napalingon kay Aya na patakbong lumapit sa kanila.

Walang ibang naroroon maliban sa security guard ng school kung hindi silang tatlo lang.

"Alpha! Alpha! Alphaaaaa!" kinikilig na sigaw pa ni Aya. "Gosh! Mas gwapo ka nga talaga sa malapitan!"

"Ay haha, thanks," nakangiting tugon sa kaniya ni Alpha. "Gusto mo ng autograph? Ngayon na lang tayo ulit nagkita, Aya."

"Hmm, mamaya na." Sumeryoso si Aya sabay tingin kina Alpha at Yhena "Bakit parang nag-iyakan kayo?" Napaisip siya, at mayamaya'y nanlaki ang mga mata. "Wait! Don't tell me----Ikaw ba 'yan, Jonas----"

"Yes, siya nga. Mukhang hindi mo siya namukaan gaya ko. Ibang pangalan ang binanggit mo since nag-iba na hitsura niya," sagot ni Yhena. "Mukhang naging maganda naman ang resulta ng paghihiwalay namin. Fan ka niya, hindi ba?"

"O-Oo.." nagugulat na sagot ni Aya. "Gosh! I can't believe this!"

"Ang alin? Na bumalik ako at hindi ninyo ako nakilala? Dahil sa ibang tao na ako ngayon?" tanong ni Alpha. "What are you thinking right now?"

"Hmm, hindi lang talaga ako makapaniwala e. And, alam kong naghiwalay kayo ni Yhena, but I never thought na ikaw pala yan. Nag-iba ka na nga talaga." Naging awkward ang paligid, at biglang natawa si Aya. "Pero alam mo ba Jonas Cyrone, or what we should call now as Alpha, deadma ang ex mo sa t'wing binabanggit kita at ang 1st.One sa kaniya, hahaha!"

"E hindi ko naman alam na siya pala 'yun," sabi ni Yhena sabay tapik kay Aya. "H'wag mo na akong pahiyain, okay?"

"Ah, gano'n ba.." Bahagyang natawa si Alpha. "Kumusta naman kayo? Parang ako itong naninibago, hehe."

"Sus, ayos na ayos naman!" nakangiting sagot ni Aya. "Teka, ano nga palang ginagawa mo dito? Did you surprise Yhena? Yieee, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig! Hahaha!"

"Yup," diretsong sagot ni Alpha, at mas kinilig si Aya. "After our successful fan meeting ay nabigyan kami ng pagkakataong puntahan ang pamilya namin."

"E bakit si Yhena ang una momg pinuntahan?"

"Gusto ko lang siyang makita. Teka, bawal na ba?"

Gusto ni Aya'ng isigaw ang kaniyang tawa ngunit ito'y kaniyang pinigilan. Natatawa siya dahil disappointed ang kaniyang nakikita sa mukha ni Alpha.

'Anong akala niya?! Hahaha! Teka, lokohin ko kaya siya? Hmm! Magandang ideya, hahaha!'

"A-Ah.." sabi ni Yhena. "Ano.."

"Oo, Alpha. Bawal. Kasi, may bago na siya!" kaagad na sagot ni Aya.

Gaya ni Alpha ay ito si Yhena at nagugulat.

'Anong pinagsasasabi nito?' - Yhena

'Totoo??' - Alpha.

"Ah, gano'n?" nagugulat na tanong ni Alpha. "Kailan pa naging sila?"

"T-Teka.." Hindi na nakasagot si Yhena nang maayos.

"One year na!" sagot ni Aya. "So hindi na kayo pwede ni Yhena!"

"T-Tekaaaa!!---"

Mabilis na tumalikod si Alpha sabay pasok sa loob ng kotse.

"Aya!" Lumingon si Yhena kay Aya. "Anong pinagsasasabi mo?!"

"Hala, teka! Ginu-good time ko lang naman siya!" dipensa ni Aya. "Nag-car out tuloy."

"Hay nako. Tama na nga. Kailangan ko siyang sundan." Pagkalingon ay wala na ang kotse'ng sinakyan ni Alpha. Nilingon niya si Aya sabay buntong-hininga. "Mauuna na ako."

May dumaang taxi at agad iyong pinahinto ni Yhena.

"Hala teka, sama na ako---"

"Manong pakisundan ang kotse'ng 'yon. Pakibilis."

"Yes ma'am."

"Yhena---"

Mabilis na humarurot ang taxi at naiwan si Aya na puno ng pagtataka.

'Grabe, naniwala naman agad!?'

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w





Hiyouuuuu, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends! (⁠◔⁠‿⁠◔⁠)

Maraming salamat ~

-sophiaawp.

Kindly follow my socials:
FB/IG/S/SC: @/misswissdom
X/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: iamsophiaalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.com

Kindly follow 1st One socials
FB/X/IG/TT/YT: @/1stOneOfficial
Website: www.1stoneofficial.com

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon