w(°o°)w
1ST ONE - 40.
"Parating na sila," sabi ni Yhena habang nasa classroom sila. Kasalukuyang nag-aayos ng mga sarili sina Yhena at Aya.
"Si Jia?" tanong ni Sam.
"Dadalhin pa ba natin mga bag natin?" tanong ni Aya habang naglalagay ng powder sa mukha. "Ah, I can't wait to meet them hihi."
"And to receive something," nakangiting sabi ni Yhena.
"Mas lalo tuloy akong na-e-excite!"
"Tara na. Dalhin na ang bag."
Kasama si Sam ay naglakad na palabas sina Aya at Yhena patungo sa gate ng kanilang school. Nagpaalam sila sa guard para makalabas, at pinayagan naman sila.
May mga mangilan-ngilang sasakyan ang nadaan sa kalsada. Bahagyang makulimlim, ngunit hindi naman uulan. Masarap sa pakiramdam ang lamig ng hangin na nahampas sa mga puno na nakapaligid sa kanila.
Mayamaya pa'y may humintong jeep. Napangiti kaagad si Yhena nang makita ang dalawa. Nang makababa ay lumapit siya upang yakapin sila.
"Hey," nakangiting aniya. "Welcome to our school."
"Hi sa inyo mga ate," sabi ni Aya. "Ang gaganda niyo!"
"Sus, nambola pa," sabi ni Marina. "Aya, right?"
"Yes, yes," aniya.
"Hi," nakangiting sabi ni Jia. "Finally, nandito na ako sa school niyo."
"Koreanang-koreana ka ate, ah."
"E Koreana naman talaga siya," sabi ni Yhena. "Half Korean nga lang."
"Hindi ako sanay na tinatawag na ate," sabi ni Jia. "Pwedeng Jia na lang?"
"E 'di Ate Jia!" Ngumiti sa kaniya si Aya.
"Masanay ka na sa kaniya, Jia. Ako nga na mas matanda sa kaniya e Yhena lang ang tawag," natatawang sabi ni Yhena.
"Sige na nga. Pero walang magbabago sa pagtawag ko sa'yo ng Ate Yhena."
"Sanay na ako, Jia. Haha!"
"Si Bea nga pala?" tanong ni Marina.
"Absent siya. Nilagnat daw. Hindi namin sure kung kailan makapapasok ulit," sagot ni Aya.
"Siguro ibibigay ko na lang ang regalo niya by next week," sabi ni Yhena. "Tara na?"
"Teka." Kinatitigan ni Jia ang kasama nila Yhena.
"Sure akong kilala mo siya."
"Samuel Kim? Oh my, Sam! Ikaw ba 'yan?"
"Nakauwi ka na nga," sabi ni Sam. "Tama nga si Aya, ang ganda niyo. Lalo ka na."
"Nambola ka pa, haha!" nakangiting aniya. "Grabe! Na-miss kita! Kumusta na? Bakit ka nandito? Saka bakit naka-uniform ka gaya ng uniform nila?"
"I'm a transferee here. May reason kaya lumipat ako."
"Ah, gano'n.."
"Pumasok na muna tayo at dumiretso sa cafeteria," sabi ni Yhena. "Tara."
BINABASA MO ANG
One Series: The Dream (1st One + Gift)
Fanfiction[completed] 1st One + Gift One Series: The Dream | Book 01 Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di ba? Sabi nga ng iba sa atin, love can wait but the dream, the opportunity ay parang...