1ST ONE - 41.

35 2 1
                                    





w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

1ST ONE - 41.

Nasa tapat na sila ng gate ng dorm. Huminto ang van. Nakatulog si Jia kaya nagulat siya nang gisingin ni Raymond. Tinulungan na niya ang dalaga na ibaba ang mga maleta.

"Ang dilim naman po," aniya sabay pasok sa gate.

"Kumusta, iha?"

Awtomatikong napangiti ang dalaga nang makita ang ina ni Jayson. Kaagad niya itong niyakap. Niyakap rin siya nito.

"Tita," aniya. "Finally, nagkita na tayo."

"Oo nga e. Kumusta ang biyahe?" Kumalas sila mula sa yakap.

"Okay naman po, tita," nakangiting aniya. "Ang ganda niyo po!"

"Nako, hahaha," nakangiting sabi niya. "Pwede namang mama na ang itawag mo sa akin e. Tutal, kapatid mo naman si Jayson, at sigurado akong naghahanap ka rin ng kalinga ng isang ina."

Napangiti ang dalaga nang maalala ang kaniyang ina. Nakangiti siyang tumango. "Opo, mama."

"Mabuti. Halika na, nagluto ako ng hapunan para sa lahat."

Sumunod sa kanila si Raymond sa loob, at iginilid ang mga maleta sa hagdanan.

"Saan nga po pala ako tutuloy?"

"Sa kwarto ni Ace ka dumiretso," sagot ni Raymond habang nasa itaas na ng hagdanan. "Nasa dulo sa gawing kanan."

"Po? Wala na bang iba?"

"E si Ate Ging nga ay sa kwarto ng anak niya. Saka, si Ace na rin mismo nagsabi. Sayang din naman kasi kung hindi magagamit ang kwarto, hindi ba?"

"Ah, sige po."

"Dumiretso na kayo sa dining, susunod na lang ako."

"Sige po."

"Halika na, Jia."

"Sige po, m-mama."

Nginitian lang siya ni Ging at tuluyan nilang tinungo ang dining area. May kahabaang lamesa iyon na may mga upuan. May tatlo silang kasama doon. Nginitian at kinumusta sila ng dalaga, at gano'n din ang ginawa nila sa kaniya.

Nagsimula na silang kumain, at sumabay na rin sa kanila si Raymond. Habang nag-uusap-usap ang mga kasama ay tahimik lang ang dalaga habang nakain. Hindi naman siya busog, ni hindi naman sa hindi niya gusto ang nakahain. Pakiramdam niya ay lumilipad ang kaniyang isip at hindi man lang siya mukhang nagugutom.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam siya na aakyat na sa taas patungo sa kwarto ni Ace. Inakyat ni Raymond ang mga maleta, at hinayaan na ang dalagang dumiretso sa dulo ng daanang iyon. Nilingon niya ang kanang pinto, at kaagad iyong binuksan sabay pasok sa loob.

"Ang bango," aniya nang malanghap ang mahalimuyak na amoy ng kwartong iyon.

Wala iyong ipinagkaiba sa kwarto ni Ace sa Korea, may kaliitan nga lang ang kwarto kung nasaan si Jia ngayon. Maayos na nakatupi ang mga kumot. Ang mga unan ay maayos na nakasalansan sa gilid. At ang picture frame na nasa lamesa sa kaliwang bahagi ng kama ay ni hindi man lang naalikabukan.

Naupo siya sa kama, at tuluyang nahiga. Ramdam niya ang pagod at nais niya na makatulog kaagad. Ipipikit niya na sana ang mga mata nang...

*KRING!!! KRING!!!*

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon