1ST ONE - 43.

35 3 1
                                    





w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

1ST ONE - 43.

"Talagang bumili ka ng ice cream," natatawang sabi ni Yhena nang dumating si Sam.

"Babayaran ko naman, e. Ayaw ko lang maglabas ng pera ngayon," aniya sabay lapag ng mga binili sa lamesa. "Ayan na."

"Salamat."

Habang naghihintay sa bread toast na may star margarine ay nagkukwentuhan sila patungkol sa iba't ibang bagay.

"Naging busy ako ng mga nagdaang araw," sabi ni Jia habang inilalagay ni Yhena sa malaking plato ang mga luto nang tinapay na mayroong star margarine. "Alam ko na busy rin kayo, mabuti at may time na ngayon para masabi ko sa inyo."

"Ang ano?" tanong ni Marina.

Lumapit sa kanila si Yhena. "Oh, kumain na kayo. Titimplahin ko lang 'yung iced tea."

"Maupo ka na diyan. Ako na magtitimpla," sabi ni Sam.

"H'wag matabang, at h'wag sobrang matamis. Saktuhan mo lang," aniya. "So, Jia. Ano nga 'yung sasabihin mo?"

"May plane tickets na ako and for the launching event," nakangiting sabi ni Jia. "Lahat kayo maisasama ko."

"'Uy, talaga ate?" masayang tanong ni Aya. "Ack, excited na ako!"

"Hala, same here!" sabi ni Briana.

"Mabuti at meron na," sabi ni Marina.

"May passport ba sina Aya at Briana? Nag-aasikaso ako ng tourist visa, two days lang tayo sa Korea gawa ng saglit lang naman ang event."

"Meron naman ako," sabi ni Briana. "Buti nagagamit ko 'yung passport ko. Last month kasi, nagpunta kami ng family ko sa Hong Kong."

"Ako rin. Buti hindi pa na-e-expired," sagot ni Aya. "Excited na ako!"

"May ticket ba ako para sa launching event?" tanong ni Sam na may hawak na malaking pitsel ng iced tea. Isinunod niya ang mga baso. "Balak ko ring sumama sa inyo."

"Gaya nga ng sabi ko, lahat kayo maisasama ko," sabi ni Jia. "Sa October 28 mismo ang flight, 09:00 am. Ewan ko ba kung bakit sa mismong araw ng debut e saka may flight. Hindi pa ginawang 27 e."

"E anong oras ba ang launching?" tanong ni Yhena.

"05:00 pm Korean Standard Time," sagot ng dalaga. "Matatapos 'yon siguro ng 07:00 to 07:30 pm, dipende."

"May two weeks pa tayo," sabi ni Marina.

"Paabot ng pitsel," sabi ni Briana.

"Here." Inabot ni Sam kay Briana ang pitsel. "Ang sarap pala nito. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito."

"Aba, marami ka nang nakakain," natatawang sabi ni Aya. "Magtira ka para sa akin, 'oy!"

"Pwede pa naman ako magluto," sabi ni Yhena. "Baka pati sa tinapay, magtalo pa kayo."

"Inaagawan niya ako e."

"Aba pasensya na, magluluto naman ulit si Yhena," sabi ni Sam.

"Talagang uubusin mo, ah?" natatawang tanong ni Yhena.

"Kung hindi ako aawayin ni Aya."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon