JAYSON - 01.

54 3 5
                                    




w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

JAYSON - 01.

"Dingalan, Dingalan Aurora!" sigaw ng konduktor na nananawag ng mga pasahero.

Parehong nagharap sina Max at Jayson sabay tingin sa mga bus na naroon. Masyadong marami ang mga taong naroroon at masyadong mainit.

"Mauna ka na Max," sabi ni Jayson. "May nakita akong bus papuntang Rizal."

"Sure ka?"

"Oo, sige na. Sasakay na rin naman na ako."

"Sige, see you after one week maknae!"

"Sige."

Kaagad na pumasok sa loob ng bus si Max at lumapit si Jayson sa konduktor na nakita niyang nananawag ng mga pasahero. Pumasok na siya sa loob, at naupo sa gawing unahan sa kanan malapit sa bintana.

Mayamaya ay may tumabi sa kaniya, isang lalaking may dalang backpack na kulay green at abala sa cellphone. Nang tuluyang makaupo ay bigla siyang napalingon sa katabi, kay Jayson.

Bago pa man tuluyang makapagsalita ay inunahan na siya ni Jayson. "Shh.."

"Lods," mahinang aniya. Maswerte sila dahil wala pa masyadong mga pasahero, pakiwari'y nagsiupo sila sa gawing likuran para makaidlip. "Jayson Lee, ikaw nga!"

"Oo ako nga," nakangiting aniya. "Kilala mo ako?"

"Oo naman. Ang 1st.One." May kinuha ang lalaki sa loob ng kaniyang backpack, isa iyong picture, a group photo of 1st.One. "Lods, pa-autograph naman. Do'n malapit sa picture mo."

"Sige." Kinuha niya ang picture at naglabas ng signature pen. Yes, a pen that is only used for signature purposes. Pagkatapos pumirma ay ibinalik niya ang picture sa lalaki. "Here."

"Salamat, lods," masayang aniya. "Sana may signature din from other members. Teka nga pala, bakit mag-isa ka lang?"

"Ah, uuwi ako sa amin." Inayos ni Jayson ang pagkakaupo. "Ikaw ba? Uuwi ka rin ba?"

"Oo, masyado kasi naging busy sa pag-aaral e. Dalawang araw kaming walang pasok at saktong weekend ang kasunod no'n kaya uuwi na muna ako."

"Ah, gano'n?"

"Oo lods. Grabe, hindi ako makapaniwala at nakita kita, tapos magkatabi pa tayo."

"Hindi ba't busy ka sa cellphone mo?" Ngumuso si Jayson, sa cellphone ng lalaki siya nakatingin.

"Actually, nagbakasakali akong makikita kita. Kasi ang sabi daw ay may one-week vacation daw kayo. So expected na uuwi kayo sa mga pamilya niyo. At sakto naman na pauwi rin ako. Saka kanina, nakita na kita e. May kasama ka na pumasok sa bus sa may di-kalayuan. So 'yun, hindi ko naman alam na dito pa sa bus na 'to ka sasakay. Hindi ko na kasi napansin dahil abala nga ako sa cellphone."

"Si Max 'yon. Si Max 'yung kasama ko," aniya. "Sayang hindi mo naabutan." Natawa siya matapos magsalita.

"Awts, sayang 'yon.."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon