1ST ONE - 31.

30 2 1
                                    





w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

1ST ONE - 31.

Kumilos na sina Jia at Minje. Matatapos na ang random play dance, at oras na para mag-perform ang mga nais ipakita ang kanilang talents.

Tuluyan itong nagsimula. Masaya nilang pinanood ang duet performance ng isang babae at lalaki. May dala pang gitara ang lalaki. Nagdesisyon ang 1st.One na tumabing muli sa kanilang mga kaibigan at nagsi-inom ng tubig habang nanonood.

Kasama si Jaehyun ay nagbigay na ng flyers sina Jia at Minje habang nagsasalita ang host. Nasaktuhan naman na nasa 1st.One ang atensyon ng mga naroroon, kaya ang host ay inimbitahan sila na lumapit sa kaniya.

"Started at the end, going up to be first! Hello, we are 1st.One!" pagpapakilala nilang pito. Umugong ang hiyawan at palakpakan.

Wiling-wili sa panonood sina Daehwa, Yhena at Marina kasama ng mga taong naroon. Sila Jia naman ay tamang pag-promote ang ginagawa para sa 1st.One. Marami kaagad silang nabigyan ng flyers at tickets. Halos magka-ubusan na ng tickets dahil sa marami ang gustong magkaroon niyon.

"So you're 1st.One, the first-ever Filipino act to perform at the opening of 2020 Seoul Music Awards," sabi ng host. "Under FirstOne Entertainment?"

"Yeah, and I guess some of you know already that we will debut here in Korea next month," sabi ni Ace. "I would like to invite you guys for our launching. I hope you could anticipate and come. Thank you!"

"Oh, sure!" magiliw na sabi ng host. "You speak Korean so well. You're Ace, right?"

"Yes, and thank you."

"Kindly introduce yourselves!"

Habang nagpapakilala sila, in Korean syempre, ay inabutan ni Jaehyun ang host ng isang flyer at ticket. Natuwa ito kaya napangiti si Jia mula sa malayo.

Dahil sa marami ang nais magkaroon ng ticket, at saktong may extra'ng dala si Jaehyun, ipinamigay na niya iyon at muling naupo katabi ni Daehwa upang manood. Sumunod na rin sina Jia at Minje habang nainom ng tubig.

Sa 'highlights' ng kanilang pag-promote ay binanggit ni Jia ang mga pangalan ng tatlong artist na under din ng FirstOne Entertainment, kaya mas naliwanagan sila't na-excite na makilala at mag-anticipate sa debut launching ng 1st.One.

At syempre, they did promoting the artists.

Pinerform ng 1st.One ang kanilang opening act na ginawa sa Seoul Music Awards. At muling umugong ang hiyawan at palakpakan habang sila'y sumasayaw.

Si Jia, tamang sigaw ang ginagawa. Si Yhena, ayon at masayang nanonood sa kanila. Si Marina naman ay abala sa pag-video habang nasayaw ang 1st.One.

*PALAKPAKAN!!!*

Natapos ang performance nila, at mas lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan. They acknowledged Jia's help with her friends. Pasimpleng kinindatan ni Alpha si Yhena, at nginitian naman niya ito bilang ganti. They promoted themselves one last time, at doon nagsitunguan bilang pagtatapos.

Nagpatuloy ang Busking Night. Nagkatabi ang magkakaibigan habang nanonood sa mga nag-pe-perform.

Panay tawa sila habang nag-uusap. Panay naman ang lingon ng mga nanonood sa kanila.

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

"Nag-enjoy na tayo, na-promote pa kayo lalo," sabi ni Yhena. "Grabe 'yon! Ang saya! Saka ang galing ng mga nag-perform. Hindi ko makakalimutan 'yung kung pa'no nila pinatugtog ang instruments na dala nila. Ang galing kasi! Nag-enjoy ako sobra."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon