w(°o°)w
1ST ONE - 138.
Villa Caceres, Laguna.
Huminto ang kotse sa harap ng bahay nila. Maliwanag ang two-storey house na iyon. Nakabukas lahat ng ilaw at may mga maiingay na alagang aso mula sa kapit-bahay. May nagbukas ng malaking gate at pumasok ang kotse sa garahe ng bahay na iyon.
Pagkalabas ni Jia mula sa kotse ay kaagad niyang nakita ang kaniyang tita, na nakangiti siyang niyakap. "Hay! Sa wakas, nakauwi ka na, pamangkin!"
"Na-miss kita tita, hehe!" magiliw na sabi ng dalaga. "Grabe. Marami na rin palang nagbago. Mula pa lamang dito sa labas ng bahay, marami nang napalitan at naayos."
"E sa apat na taon kang namalagi sa Korea," sabi ng kaniyang tita. "Halina't pumasok sa loob. Kumain ka na ba?"
"Habang hinihintay si Christian ay cheesecake lang ang kinain ko," sagot niya habang naglalakad papasok ng bahay. "Kahit panghimagas na lang po ang kainin ko, okay na. Hindi pa naman talaga ako gutom."
"Siya sige. Manang, pakidala dito 'yung binake nating cassava cake."
"Coming po!"
"Sa pagkakaalala ko, tayong tatlo lang ang nasa bahay na ito." Tinanggal ni Jia ang kaniyang suot na sapatos at naupo sa sofa. "Nag-hire kayo ng kasambahay?"
"Yes, dalawang kasambahay at isang driver. Diyan sila sa kabila nanunuluyan," sagot nito. "Saka, alam mo na. Para sa lumalagong business."
"Ay, oo nga pala. Miss ko nang tumulong sa inyo."
"Pwede mo namang gawin ulit 'yon, tutal nandito ka na," nakangiting aniya. "Dito ka na ba mananatili?"
"May dahilan po kaya umuwi ako. Isang linggo lang ako dito, tapos didiretso sa Manila para sa trabaho," aniya at nagpasalamat nang abutan siya ng platitong may cassava cake. "After a month, babalik ako sa Korea. Then, after po siguro no'n e hindi na ako aalis dito sa Pilipinas, unless kung kailangan talaga."
"Ma, nakita na niya ang dad niya saka mga pinsan ko," sabi ni Christian at umupo katabi ng mama niya. "Si Jayson, ma. Pinsan ko."
"Ah, mabuti at nakita mo na sila, Jia," aniya. "Kumusta naman? Naging maayos ba?"
"Opo naman. Kaso may hindi magandang nangyari," sagot ng dalaga. "Pero overall, masaya ako kasi natupad ko ang mission ko, na nangyari ang pangarap ko. At Christian, hindi mo talaga sila pinsan. Hindi naman magkapatid mga ama natin, maski hindi kapatid ni tita si dad, remember? Isa pa, half siblings kami ni Jayson."
"E kahit na!" Lumingon sa kaniya si Christian.
"Bahala ka sa gusto mo. Hindi mo talaga sila pinsang buo."
"E bakit ka pa babalik ng Korea kung nakauwi ka na?" tanong ng tita ni Jia sa kaniya.
"Debut kasi ng 1st.One sa Korea," sagot niya. "May dahilan nga po ang pag-uwi ko dito. Sa ngayon, abala sila sa training, naghahanda na sa debut nila next month. After ng debut launching and promotions ay babalik akong muli dito, kasama ko na sila."
"Hindi ba nag-debut na sila dito noon? Na-feature pa nga ang story ni Jayson sa KMJS, at maging ang 1st.One?" tanong ni Christian.
"Remember, they're under a Korean Entertainment," aniya sabay nguya ng cassava. Muli siyang nagsalita. "Inuna lang ang debut nila dito. Then, ang pinaghahandaan nila ngayon is 'yung sa Korea naman----kaya nga sila nandoon ulit. After no'n ay dito na sila ulit mamamalagi."
BINABASA MO ANG
One Series: The Dream (1st One + Gift)
Fanfictie[completed] 1st One + Gift One Series: The Dream | Book 01 Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di ba? Sabi nga ng iba sa atin, love can wait but the dream, the opportunity ay parang...