1ST ONE - 35.

25 2 1
                                    





w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

1ST ONE - 35.

"Hi manager," sabi ni Yhena nang makita sina Jia at ang 1st.One na pumasok sa restaurant.

"Hindi pa ako agad-agad na manager nila," sabi ni Jia. "Nag-grocery daw kayo?"

"Yeah. Nakain nga na naman kami e," natatawang sabi ni Marina.

"Buti hindi kayo nataba, ano?" sabi pa ni Jia at naupo silang magkakaibigan sa usual seat nila.

"Kaya nga e. Naubusan na daw kasi ng ingredients sa kusina saka iba pang pwedeng kutkutin na pagkain, kaya nag-grocery kami kasama ang isa sa naghahanda ng pagkain para sa'tin," sabi ni Yhena.

"Gusto ko nga'ng tumaba-taba kahit kaunti," sabi ni Marina. "Masyado na akong skinny. Nakain naman pero hindi nataba."

"Same nga kayo ni Max," sabi ni Ace.

"Sabagay, meant to be kayo," sabi ni J. "Paano ba magkaroon ng kaunting taba, ano?"

"Kain lang ng healthy foods," sabi ni Jia. "Akala ko nasa arcades kayo?"

"Nanggaling na kami do'n," sabi ni Gift.

"Anong oras ang birthday party ni Bea?" tanong ni Marina kay Yhena.

"Ay, oo nga pala. Birthday ng classmate mo, Ate Yhena," sabi ni Jia.

"By 07:00 pm daw. Half of the class ay invited, 'yung iba ayaw, at ang iba pa ay hindi naman pinayagan," sabi ni Yhena. "Next week ko na lang ibibigay regalo ko. Tapos, 'yung surprise natin para kina Aya at Carlo, isabay na natin."

"Ay, oo nga pala. Napagsama-sama na ba ang mga 'yon?"

"Nagawan ko na ng paraan," sagot ni Marina. "Everything's settled. Maging 'yung souvenir daw ni Aya from N Seoul, buti naisingit namin kagabi nang namimili kami. Saktong malapit kami sa N Seoul, kaya ayon. Kumpleto na lahat."

"Mabuti naman," sabi ni Jia. "Four days na lang..."

"Ang bilis ng mga araw," sabi ni Max. "Nalalapit na nga."

Natahimik silang lahat. Hindi mawawala ang kanilang mga ngiti habang nagkakatinginan. Nabasag ang sandaling iyon nang may marinig silang pagkulog at bumuhos ang malakas na ulan.

Napalingon sila sa labas, naging makulimlim ang langit. Sa sobrang lakas ng ulan ay halos hindi na makita ang mga nasa labas dahil sa hamog. Naging malamig din ang paligid, ngunit nangibabaw ang masarap na pakiramdam dahil sa muling pagbuhos ng ulan.

"Ngayon na lang ulit umulan dito," sabi ni Jia.

"Oh? Why you're so wet?" tanong ni Ace nang makita si Minje. Basang-basa siya. Pagkaparada ng bisikleta ay kaagad siyang sinalubong ni Ace pagkapasok sa restaurant.

Inabutan niya ito ng pamunas.

"I was hurrying and it suddenly rained," sabi ni Minje. "Ah, what a cold feeling today.."

Dumaan ang gabi. Saglit na huminto ang ulan. Ngunit nang maghatinggabi ay muli itong bumuhos, at naging mas malakas pa. Nasa lobby ang magkakaibigan, nakaupo sa upuang nandoon habang nanonood ng weather report.

May posibilidad daw na tumagal hanggang sa Sabado ng gabi ang masamang panahon. At napababalita na kanselado ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa buong Seoul, maging sa iba pang lugar.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon