w(°o°)w
ALPHA - 06.
Sa loob ng apartment ni Yhena. . .
"Mag-isa ka lang dito?" tanong ni Alpha kay Yhena na nasa kusina at may kinukuha mula sa refrigerator.
Bumalik siya kay Alpha na may dalang isang basong tubig at naupo sa sofa katabi niya. "Oo. At maayos naman ang kalagayan ko dito."
"Sa kabila ng pag-iwan ko sa iyo, walang nagbago sa'yo. Ikaw pa rin ang Yhena na minahal ko noon, at patuloy na mamahalin hanggang sa dulo ng buhay ko."
"Ang cheesy mo."
"Sus. May gagawin ka bang schoolwork?" Ininom niya ang tubig na nasa basong binigay Yhena.
"Wala naman. Mag-re-review lang talaga ako kasi may quiz." Tumayo si Yhena sabay balik sa kusina. "Kumain ka na?"
"Hindi pa," natatawang aniya.
"Aba, pasalamat ka at marami akong stock sa ref." Binuksan ni Yhena ang ref. "Anong gusto mo?"
"Kahit anong mailuluto mo, Yhena." Tumayo si Alpha sabay lapit sa kaniya't niyakap mula sa likuran. "Kahit ano. Kahit ano naman mula sa'yo ay na-miss ko."
"Sige." Ngumiti siya "May extra kang damit?"
"Nasa kotse lang naman ang dala kong mga damit at iba pang gamit. Kukunin ko lang, hmm?"
"Mag-ingat ka. Mahirap na't baka may makakita sa 'yo."
"Oo, mag-iingat ako." Nginitian ni Alpha si Yhena sabay lakad palabas ng unit.
Mabilis na nakalabas si Alpha sabay pasok sa loob ng kotse at kinuha ang kaniyang maleta.
Kaagad din siyang lumabas at bumalik sa unit. Nang makapasok nang tuluyan ay mabilis niyang ni-lock ang pinto.
"Nag-la-lock ka naman siguro ng pinto ng unit mo?"
"Oo naman," sagot ni Yhena. "Maupo ka na dito. Sorry at ito lang ang nailuto ko, inaantok na kasi ako. Kailangan ko pang mag-shower."
"Kailangan ko ring mag-shower." Naglakad si Alpha patungong dining area.
"Mauuna ka? O ako muna?" Umupo si Yhena sa kaniyang usual spot.
"Gusto mong sabay tayo?" Nakangisi na agad si Alpha sa kaniya.
"Gusto mo yatang masapak?"
"Sus, biro lang. Mauna ka na."
"Okay. Kumain na tayo."
Pagkatapos kumain. . .
"Mag-shower ka na," sabi ni Alpha kay Yhena na katatapos lamang maghugas ng kanilang pinagkainan.
"Buksan mo na lang 'yung TV kung bored ka," sabi ni Yhena sabay lakad papunta sa nag-iisang kwarto na naroon.
*Okay." Kinuha ni Alpha ang remote control na nasa coffee table at binuksan ang TV. Komportable siyang naupo sa sofa.
"Ay teka, dito ka ba matutulog?" Bahagyang nakatagilid ang katawan ni Yhena habang nakasilip mula sa pinto ng kaniyang kwarto.
"Kung pwede sana? Kaya nga nagdala ako ng damit e, hehe."
"Sige."
Isinara ni Yhena ang pinto.
BINABASA MO ANG
One Series: The Dream (1st One + Gift)
Fanfiction[completed] 1st One + Gift One Series: The Dream | Book 01 Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di ba? Sabi nga ng iba sa atin, love can wait but the dream, the opportunity ay parang...