1ST ONE - 02.

13 4 1
                                    





w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

1ST ONE - 02.

Nasa NAIA na si Jayson.

"Bye lods!" sigaw ni Carlo sabay kaway mula sa malayo. "'Yung pirma ng ibang members, ah? Hehehe!"

Kinawayan siya ni Jayson. "Oo naman, hindi ko nalilimutan. Hindi ko lang talaga sure kung kailan tayo ulit magkikita."

"Maghihintay na lang ako, lods!"

"Sabayan mo ng pag-aaral para hindi ka mainip. Siya sige na, see you na lang ulit."

"Sige lods, bye!"

"Bye."

Mga ilang minuto ang nagdaan ay nasa loob na ng eroplano si Jayson. Habang naghihintay na mag-take off ang eroplano ay hindi siya mapakali.

Hindi niya maiwasang mapaisip.

Makikita kaya niya kaagad ang ama niya? Matatanggap kaya siya ng mga kapatid niya?

"Sure naman ako.." mahinang aniya. "Sure naman akong matatanggap nila ako. Hangad ko lang naman 'yon, e. Wala na akong iba pang habol."

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

Mula sa Hong Kong ay nakarating ang PanTon sa NAIA mga bandang ala-una ng hapon. Kaagad silang dumiretso pauwi sa kanilang dorm sakay ng isang taxi.

Nang makarating sa dorm. . .

Pagkaalis ng taxi ay binuksan ni J ang gate, at pumasok na ang PanTon sa loob. Pagkatapak sa labas ng pinto. . .

"Nandito na pala kayo?"

"'Oy Gift!" nagugulat na sabi ni Joker. "Anong ginagawa mo dito?"

"Aba e di inayos ang mga gamit ko. 06:00 pm ang flight ko sa Korea." Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng kanilang dorm. "Kayo?"

"Same lang pala tayo," sabi ni J. "Baka nasa iisang eroplano lang tayo?"

"Ewan. Magsabay-sabay na lang tayo," aniya. "Siya nga pala, nasa kusina 'yung pancit canton at pancake."

"Talaga?" Dumiretso sa kusina si J. At totoo nga, may malaking plastic na puno ng pancit canton in different flavors. May isang box na nasa tabi, ang laman ay pancakes.

"Salamat, Regalo!" Lumingon ito kay Gift. "Tinotoo mo talaga ang sinabi mo."

"Bakit? Kailan ko ba hindi tinotoo ang lahat ng sinabi ko?" Natawa si Gift. "04:00 pm na lang tayo umalis, total mabilis naman ang biyahe papuntang NAIA."

"Sige, kain na muna ako,"

"Magluluto ako ng pancit canton." Binuksan ni Joker ang malaking plastic. "Hmm!"

"Kayo na bahala diyan. Iidlip muna ako." Sumenyas sa kanila si Gift.

"Sige, salamat!"

At dumiretso na si Gift sa kaniyang kwarto upang matulog.

Ilang minuto ang lumipas. . .

Abala ang dalawa sa mga sariling mundo. Iyong isa ay nakain ng pancit canton na may fried rice, habang ang isa'y nag-se-selfie pa habang nakain ng pancake. Nasa mahabang sofa sila, nasa magkabilang dulo.

Habang nakain ng pancit canton ay abala sa pag-scroll sa Instagram feed si Joker, at natigil siya sa isang post. Sa post ni Max.

"Oh?" bulalas niya. "Nakita mo na ba 'to, J?"

"Alin? Public statement ni Max about sa relationship nila ni Marina? Nakita ko na 'yan," aniya sabay pakita ng sariling cellphone kay Joker. "Ang daming broken."

"Hmm, napapaisip lang ako..." Lumingon sa ibang direksyon si Joker. "Paano kung tayo na ang mag-pu-public statement?"

"Ha? Anong public statement ka diyan?!" Muntikan nang mailuwa ni J ang kinakaing pancake dahil sa gulat.

"Luh? Ang OA mo naman." Natawa si Joker at lumingon sa kaibigan. "I mean, paano kung may sarili tayong Marina. Gano'n."

"Bakit? Balak mo na bang maghanap?"

"What if nga lang.."

"Wait! May post ang admin ng page natin!"

"Anong pinost, J?"

"It's confirmed!"

"Ah, ibig sabihin ay nakausap na si Max ng Entertainment." Tumangu-tango si Joker. "Mukhang okay naman sa kanila na may ka-date si Max."

"Childhood friends daw sila. Walang problema do'n. It's somehow romantic."

"Wow! You're English speakening!"

"Hahaha!"

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

03:00 pm . .

Sa school ni Yhena. . .

"Yhena! Ayan na siya," sabi ni Aya habang sila'y naglalakad sa third floor hallway ng school building na iyon.

Mayroon silang twenty-minute break. Kaya ngayon, pupunta sila sa cafeteria.

"Good afternoon girls," nakangiting sabi ni Alpha. May hawak siyang isang white rose at isang box ng Tobleron chocolate.

"Good afternoon," nakangiting tugon ni Yhena. "Hindi ba dapat mamaya mo pa ako susunduin?"

"06:00 pm ang flight natin sa Korea, kasabay natin si Gift," aniya. "Sakto namang twenty-minute break niyo ngayon. At naipagpaalam na kita sa last two subject teachers mo."

"Alam mo naman sigurong masusungit ang professors namin!?" tanong ni Aya. "Ano? Napapayag mo?"

"Oo naman! Ako pa? Don't worry, nasa akin na ang lessons mo for next week classes."

"Ah, gano'n? Hanep," sabi ni Yhena. "Salamat. E paano 'yung chess practice---"

"Yhena!" sigaw ng ka-player niya, si Bruno.

"Oh? Anong meron?"

"Sabi ni Coach Baltazar ay wala tayong practice next week. At alam mo namang na-move ang school competition, 'di ba? So 'yun. At nagkataong may lalakaring importante si coach next week. Kaya walang practice, yey!"

"Hahaha!" Natawa si Aya. "Akala ko ba kaya ka sumali sa chess ay bukod sa gusto mong matuto ay nagpapa-impress ka sa crush mo? E baka sa hindi mo kaka-praktis e sumablay ka?"

"Hoy Aya! H'wag ako! Nagagalingan nga sa akin si Yhena, e! Hindi ba, Yhena?---" Napaawang si Bruno nang makita si Alpha. "Fafa Jonas!!!"

"Bakla!!!" sigaw nina Aya at Yhena.

"H-Ha???" tanong ni Alpha. "Fafa Jonas?"

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w





Hiyouuuuu, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends! (⁠◔⁠‿⁠◔⁠)

Maraming salamat ~

-sophiaawp.

Kindly follow my socials:
FB/IG/S/SC: @/misswissdom
X/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: iamsophiaalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.com

Kindly follow 1st One socials
FB/X/IG/TT/YT: @/1stOneOfficial
Website: www.1stoneofficial.com

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon