w(°o°)w
1ST ONE - 08.
"Sumunod ka na sa kanila," sabi ni Alpha. "Maghihintay kami."
Hindi nagsalita si Ace at naglakad palampas sa kanila. Sinundan siya ng tingin ng mga kaibigan.
"Sigurado akong nagkausap na sila ni PDnim," sabi ni joker.
"At may hindi maganda doon," dugtong ni Max. "Hindi magkakagano'n si Alas kung walang hindi magandang nangyari nang hindi natin nalalaman."
"Ano nang gagawin niyo ngayon habang naghihintay?" tanong ni Marina.
"Gala tayo?" sabi ni j. "Na-miss ko ang Seoul, e."
"Sa kwarto na lang ako," sabi ni Gift. "Makikipag-usap ako in online sa mga For.One."
"Tara, sama ako," sabi ni Max.
"G ako," sabi ni Marina. "Kayo, Yhena?"
"Dito na lang din. Gabi na rin kasi.." aniya.
"Sige, ako na lang maggagala. Sasaglit lang naman ako," sabi ni J. "Bye!"
"'Uy, sama ako," sabi ni Joker.
"Tara na."
Naglakad ang PanTon patungo sa labas ng Entertainment.
"Sige, kita-kita na lang mamaya," sabi ni Max at naglakad na sila papunta sa itaas.
Nilingon ni Yhena si Alpha. "Saan tayo?"
"Saan ba gusto mo?"
"Magpapahinga na lang muna ako," aniya. "Baka mahaba ang pag-uusapan mamaya."
Natawa si Alpha at ginulo nang bahagya ang buhok ni Yhena. "Baka nga. Tara sa kwarto ko?"
"Hmm? Sige."
At naglakad na sila paakyat sa second floor. Nadaanan nila ang malaking dance practice room, tatlong bakanteng kwarto sa kaliwa at may recording room sa pinakadulong bahagi ng pasilyong jyon. Lumiko sila pakanan at nandoon ang mga kwarto, bawat isa ay may nakapaskil na pangalan.
Nasa pinakadulo sa gawing kanan ang kwarto ni Alpha. Kaagad nitong binuksan ang pinto at pinaunang makapasok si Yhena sa loob.
Humiga siya sa malaking kama. Oo, malaking kama.
"Ang himbing siguro ng tulog mo dito," aniya habang hinahaplos-haplos ang malambot na kama.
Tinabihan siya ni Alpha, nakadapa paharap sa kaniya. "Aba, oo naman. Sinasadya kong matulog nang maaga para sulit ang tulog ko. Maaga rin naman ang oras ng paggising namin, e."
"Hmm."
"Lumapit ka nga." Tumihaya si Alpha at sumenyas. Kaagad naman siyang nilapitan ni Yhena sabay lagay ng ulo sa kaniyang dibdib. Inakbayan niya ito patagilid.
Naging komportable sila sa posisyong iyon.
"Hindi ko alam kung okay lang sa iyo.." Muling nagsalita si Alpha.
"Ang alin?" Nag-angat ng tingin si Yhena.
Kumibot ang labi ni Alpha. Natawa si Yhena, nakuha kaagad ang nais nito.
"Hmm?"
Tuluyan niyang inilapit ang sarili kay Alpha at mabilis siyang hinalikan. Ilalayo na niya sana ang sarili nang hatakin siya nito at nagsimulang igalaw ang labi sa kaniya. Nagkaroon sila ng iisang ritmo.
Nakapatong si Yhena patagilid sa ibabaw ni Alpha, na ang mga braso'y nakapatong sa mga balikat ng dalaga.
Naglayo din sila mula sa isa't isa. Tuluyang napahiga si Yhena, at si Alpha naman ay nasa ibabaw niya. Nagkailangan pa ang dalawa at sabay na tumawa
"Ilang beses na ba ito?" Ipinulupot ni Yhena ang mga braso sa batok ni Alpha.
"Ewan ko," natatawang aniya. "Pero hindi ako magsasawa kung ganito ang palagi nating ginagawa."
"Baka 'pag nasanay ka e hindi mo mapagilan at mas lumalim pa.."
"Wala akong ibang nanaisin sa'yo hangga't maging tayo ulit." Ngumiti sa kaniya si Alpha. "Pwera na lang kung gugustuhin mo na mas lumalim pa.."
"Baka gusto mong umilalim sa sakit kapag sinapak kita?"
"Biro lang. Pero gusto rin naman---" Sumama ang tingin ni Yhena at inalis ang mga braso mula sa pagkakapulupot sa batok ni Alpha. Gumulong siya pakaliwa at umupo paharap sa malaking bintana.
Natawa si Alpha at gumulong pakaliwa hanggang sa marating ang kinaroroonan ni Yhena. Napaupo siya at niyakap ang minamahal mula sa likuran.
"Alisin mo 'yan." Halata sa boses ni Yhena ang inis.
"'Uy, sorry na. Hindi ko naman sinasadyang sabihin 'yon." Mas hinigpitan ni Alpha ang pagkakayakap sa kaniya.
Hindi ito nagsalita at hinayaan na lamang si Alpha. Tiningnan niya ang magandang kalangitan. Tuluyang pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Naramdaman ni niya na nakapatong ang baba ng binata sa kaniyang kanang balikat, at nagkasiklop ang kanilang mga kamay.
"Hmm..." Tumikhim ito makalipas ang ilang sandaling pananahimik. "Sorry na, hmm?"
"Matitiis ba naman kita?"
"Yieee, so okay na tayo?"
"Sa tingin mo?"
Hinarap niya si Yhena at hinaplos ang kanang pisngi gamit ang isang kamay. Nginitian niya ito kaya napangiti na rin ang dalaga sa kaniya.
"I love you," nakangiting aniya. "Nirerespeto kita. At kung ano ang kaya at handa mong ibigay, malugod kong tatanggapin 'yon. Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan."
"Alam ko, at mahal din kita. Sadyang iba na ang sitwasyon ngayon, hindi na ako nagpapadala sa kung anu-anong biro.."
"Kaya pala. Nagiging masungit ka minsan. Dati naman ay hindi ka ganiyan, e."
"Iniwan mo kasi ako."
"Nako, natatakot na ako ngayon kung iiwan kita." Natawa si Alpha. "Baka mas sumungit ka pa."
"Haha!" Natawa na lamang din si Yhena sabay haplos sa mukha ng minamahal. "Iyon ang nagbago sa akin, nagbago ang ugali ko. Oo, naging masungitin na ako. Minsan lang naman. Pero, alam mo ba kung ano ang hindi kailanman nagbago?"
"Ano?"
"Pagmamahal ko sa'yo."
Nginitian siya ni Alpha at niyakap.
"Kaya hindi na kita iiwan. Alam ko na ang mangyayari kung sakaling iwanan pa kita. Alam mo namang liligawan pa ulit kita."
"Alam ko,."
w(°o°)w
Hiyouuuuu, For One and beloved readers! Don't forget to vote, give feedback and recommend this to your friends! (◔‿◔)
Maraming salamat ~
-sophiaawp.
Kindly follow my socials:
FB/IG/S/SC: @/misswissdom
X/TT/YT: @/spyvljhn
Email for inquires: iamsophiaalegria@gmail.com / spyvljhn@gmail.comKindly follow 1st One socials
FB/X/IG/TT/YT: @/1stOneOfficial
Website: www.1stoneofficial.com
BINABASA MO ANG
One Series: The Dream (1st One + Gift)
Fanfiction[completed] 1st One + Gift One Series: The Dream | Book 01 Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di ba? Sabi nga ng iba sa atin, love can wait but the dream, the opportunity ay parang...