1ST ONE - 36.

8 2 1
                                    




w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

1ST ONE - 36.

Mula sa recording room ay lumabas ang 1st.One, at bumaba patungo sa restaurant. Naabutan nila sina Yhena at Marina na kumakain ng chips.

"Doon kayo sa kabilang table para maayos kayong makakain," sabi ni Yhena.

"Grabe, hindi pa rin natigil ang ulan. Sana bukas, tumila na," sabi ni Marina.

"Si Jia? Nakita niyo ba?" tanong ni Ace.

"Actually, tumawag siya kay Minje kanina. Wala rin si Minje e," sabi ni Yhena. "Nasira ang kadena ng bike niya, kaya tinawagan siya agad ni Jia. Kahit malakas ang ulan, lumabas si Minje para sunduin si Jia. According sa kaniya, medyo takot sa kulog at kidlat si Jia lalo na kapag mag-isa at nasa labas pa. Kaya gano'n na lang kabilis umalis si Minje."

Habang nakain sila ay kaagad na kinuha ni Ace ang kaniyang cellphone na kababalik lang sa kanila. Nanlumo siya nang makita ang missed call ni Jia.

Hindi siya mapakali habang nakain. Maya't maya kung makatingin siya sa labas, nagbabakasakaling nandiyan na sina Minje at Jia. Mas nag-aalala siya dahil hindi man lang nahina ang ulan. Nasa isip niya'y baka mapaano ang dalawa.

Lumipas ang oras, oo oras. Nakakain na't nakapag-shower si Ace ngunit wala pa ring Minje at Jia na nadating. Nasa kaniya-kaniya nang kwarto ang kaniyang mga kaibigan. Lumabas siya't dumiretso pababa sa lobby, at doon naghintay.

May dalawang anino siyang nakita. Napatayo siya nang dumating na ang mga hinihintay niya. Halos takbuhin niya si Jia upang yakapin.

"Jusko, Jia," sabi niya sabay yakap sa basang-basa na si Jia.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Jayson. Binigyan niya si Minje ng malaking tuwalya at ang isa pa'y ibinalot sa katawan ng kapatid.

Ibinaba ni Minje ang plastic bag, mabuti at hindi nabasa ang mga box maging ang cellphone at wallet ni Jia. Bumagsak siya't nawalan ng malay. Kaagad siyang dinala sa isang kwarto na hindi pa nagagamit. Si Jia nama'y dinala sa kaniyang space at hinayaang makapagpalit ng damit. Siya naman ang halos mawalan ng malay, mabuti at nandoon si Ace upang alalayan siya.

"Hindi naging sapat na nasa waiting shed lang sila," sabi ni Marina habang yakap-yakap ni Ace si Jia at nakahiga silang pareho sa kama ng dalaga. "Si Minje ang nagprotekta kay Jia para hindi gaanong mabasa ng ulan. Siya ang napuruhan sa sobrang lamig at pagkabasa, kaya nahimatay. Himala nga't hindi nabasa ang mga dala ni Jia."

"Kapag nasa Laguna na siya, she needs a full rest," sabi ni Yhena. "Napapansin ko lang, nagiging mahina ang resistensya niya. Nahihimatay siya, tapos nagkasakit, at maaring maulit dahil sa naulanan. Kung lalagnatin siya, sana mawala rin kinaumagahan."

"Ako na ang bahala sa kaniya. Salamat sa inyo, pasensya na sa abala," sabi ni Ace sa kanila.

"Sige, magpahinga ka na rin," sabi ni Marina.

"Nandiyan na ang gamot niya. Ikaw na ang bahala," sabi ni Yhena.

Tuluyang sumara ang pinto. Hanggang ngayo'y yakap-yakap ni Ace si Jia, nagbabakasakaling ang init ng kaniyang katawan ay makatulong para mabawasan ang panlalamig ng dalaga. Naramdaman ng binata na mainit ang noo't leeg nito kaya nag-alala siya lalo.

Inayos niya si Jia mula sa pagkakahiga, at kaagad na kinuha ang planggana na may tubig. Pagkapiga ng bimpo sa planggana ay pinunasan niya ang noo, leeg at mga braso ng dalaga. Maging ang kaniyang binti ay nagawa nitong punasan kasama ang nanlalamig na mga paa.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon