***Maagang nagsara ng shop si Quaro nang araw na iyon. It had been raining for three days now and the students were all busy for the exam week. Maliban sa mga suki na talaga ng shop ay walang gaanong estudyante ang nagpunta roon, at alas tres pa lang ng hapon ay nabakante nang lahat ang mga mesa.
Matapos niyang magsara ay dumiretso siya sa kaniyang silid sa third floor upang maligo. Paglabas niya'y bababa na sana siya sa theater room nang mapansin niya mula sa nakabukas na bintana na tumila na ang ulan.
Humakbang siya patungo roon saka sumilip. May kaunting ambon pa rin, at ang langit ay nanatiling madilim. Wala pang alas sinco ng hapon subalit may kadiliman na ang paligid.
Imbes na magtungo sa theater room ay naglakad siya patungo sa maliit na veranda na karugtong ng kaniyang silid; doon ay may hagdan patungo sa roof top. Pagkarating roon ay sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at kaunting ambon.
It didn't bother him, though. Nagtuluy-tuloy siya sa rooftop.
Pagdating doon ay napa-palatak siya nang makita ang ilan sa mga halaman niyang ini-tumba ng malakas na hangin. Ang ilan sa mga naroo'y nasira, at ang iba'y tuluyang namatay. He had totally forgotten about them. Wala siyang hilig sa mga halaman, and they were least of his concern. Pero ngayong nakita niyang tuluyan nang nasira ang mga iyon ng malakas na ulan ay hindi niya naiwasang manghinayang.
Lalo at isa sa mga kapatid niya ang nagdala at nagbigay sa kaniya ng mga iyon.
His brother, Ariston Ghold, who owned a flower shop, personally brought those plants to him. And he would surely be devastated if he learns what had happened to them.
Isa-isa niyang dinampot ang mga halamang natanggal sa paso, ang mga dahon at bulaklak, pati ang mga pasong halos wala nang lupang laman.
These poor little thing... he thought as he continued to pick them up. Ang mga tulad nilang tuluyang nakalimutan at walang masisilungan sa ganitong panahon ay siguradong...
Natigilan siya nang may maalala. Pumasok sa isip ang dalagang ipinagtabuyan niya tatlong araw na ang nakararaan.
Simula noon ay hindi na nga ito nagpakita pa. He had thought of her the next day, though. He thought she'd show up and would continue to persuade him. But she never did.
After that, she never crossed his mind anymore.
Until now.
Itinuwid niya ang sarili at inikot ang tingin. Mula roon sa roof top ay nakikita niya ang kalapit na mga establisiyemento, ang kalsada sa ibaba at ang highway isangdaang metro ang layo mula sa shop. Ang tatlong palapag na gusaling iyon ang pinaka-mataas sa street nila.
BINABASA MO ANG
SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)
RomanceRISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Uno - AQUARIUS Title: Jan Quaro Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 ~ The physical book was printed in October 2023 under Immac Printing and Publishing House ~ Synopsis: Jan Quaro Zodiac is the owner...