***Maingat na ini-silid ni Kirsten isa-isa ang mga resulta ng medical test nang matapos niyang makuha iyon sa laboratory and medical clinic na pinuntahan niya. Requirement iyon ng unibersidad para sa taunang medical check up. She had to pay for her own dahil crash course lang ang kinuha niya at hindi kasama sa mga binayaran niya ang medical check up mula sa university's lab clinic.
Dapat ay hindi na siya magpapasa ng ganoon; she was finishing her crash course in a few weeks, anyway.
Paglabas niya sa lab ay kaagad siyang napatingala sa langit; tina-tantiya kung kaya niyang suungin ang may kalakasang ambon nang hindi na kinakailangang gumamit pa ng payong. Pero mukhang kailangan niya. Kung hindi ay mababasa ang suot niyang uniporme.
Halos isang linggo nang masama ang panahon; ang mga tao ay hindi komportable sa araw-araw, ang ilang kalsada ay maputik, ang ibang kanal ay barado, there were trash—plastics and styrofoam—scattered on the street.
Ayaw din niya ng maulang panahon—pakiramdam niya'y kay lungkot ng araw kapag ganoon.
Nilabas niya ang folding umbrella mula sa backpack, binuksan iyon, at akma na sanang susuong sa ulan nang bumukas naman ang glass door ng katabing clinic. Wala sa loob na napalingon siya roon matapos marinig ang mahinang pagmumura ng babaeng lumabas mula roon.
Nang makilala kung sino ang naroon ay nahinto siya sa akmang pag-alis. Pinanatili niya ang tingin sa magandang babaeng sumimangot at niyakap ang sarili dahil sa paghampas ng malamig na hangin. Tila naramdaman nito ang pagtitig niya dahil napasulyap ito sa kaniyang direksyon; sandali siyang tinitigan, at nang makilala ay tipid itong ngumiti. Humakbang ito palapit sa kaniya.
"Kirsten, right?"
Ginantihan niya ito ng tipid ding ngiti. "Sinabi ba ni Quaro sa'yo?"
"Ang pangalan mo? Yes."
"Bakit, may iba pa ba siyang sinabi sa'yo maliban sa pangalan ko?"
Paige's weak smile disappeared. Inalis nito ang tingin sa kaniya at tiningala ang langit. "Ang sitwasyon mo lang at kung bakit ka nakatira sa kaniya." Nagbaba ito ng tingin at ibinalik sa kaniya. "Other than that, mayroon pa ba siyang dapat sabihin sa akin?"
Nagkibit siya ng mga balikat at itinuon ang pansin sa kalsada. Maglalakad lang siya mula roon sa lab pauwi sa shop at aabutin siya ng dalawampung minuto dahil may kalayuan na iyon doon sa street nila. Kailangan na niyang magmadali dahil mag-a-alas sinco na; she promised Quaro that she'd cook dinner. Ibinida niya ang recipe na nakita niya sa internet at sinabing kaya niya iyong lutuin.
Now, the man challenged her and she needed to show off.
"Quaro was unpredictable sometimes. Nagulat ako nang sabihin niyang tinanggap ka niya at pinayagang tumira sa bahay niya sa loob ng isandaang araw. You're lucky."
BINABASA MO ANG
SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)
RomanceRISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Uno - AQUARIUS Title: Jan Quaro Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 ~ The physical book was printed in October 2023 under Immac Printing and Publishing House ~ Synopsis: Jan Quaro Zodiac is the owner...