The 4th day of 100...
"Bakit mo parating sinusundan ng tingin ang mga customers mo hanggang sa pinto?"
Napalingon si Quaro sa entry ng working station nang marinig ang tinig ni Kirsten. Nakita niya ito roong nakasandal sa hamba ng pinto, nakahalukipkip, naka-sukbit ang backpack sa balikat, saka nakasunod ang tingin sa huling customer na lumabas ng shop at siyang umubos sa dalawang tray ng cheese bread sa estante.
Humalukipkip din siya, sumandal sa counter, at kunot-noong hinarap ito. "Ano'ng problema kung gusto kong sundan ng tingin ang mga customers ko hanggang sa makalabas sila?"
Nagkibit ito ng mga balikat at sinalubong ang mga tingin niya. "Hmm, wala naman. Naisip ko lang na ang creepy ng dating."
"Creepy? How?"
"Kung ako ang babaeng susundan mo ng tingin hanggang sa pinto, baka natakot na ako."
Hindi niya napigilang um-ismid. "It is my way of sending them off—dahil hindi ko naman sila isa-isang maihahatid sa pinto. And don't worry, hindi kita susundan ng tingin. You can come and go through that door without me noticing you."
Inalis niya ang tingin dito at inumpisahang alisin ang mga wala nang lamang trays sa ilalim ng counter.
"Kunwari ka pa, eh ilang beses kitang nahuhuli noon na pasulyap-sulyap sa akin habang naka-upo ako roon sa sulok."
"Dati pa 'yon, Kirsten, because I thought you're a weird lady. Nag-alala ako sa mga katabi mong table, baka bigla kang mawala sa katinuan at sugurin sila. So, don't flatter yourself."
"Pfft."
Inilapag na muna niya ang mga trays sa ibabaw ng counter bago ito muling hinarap. He caught her making faces, and when he turned to her, she stopped.
"So, sabihin mo sa akin kung bakit sa tingin mo ay creepy ang dating ng pagsunod ko ng tingin sa mga customers ko."
Muli itong nagkibit-balikat. "Ang dating kasi sa akin ay parang serial killer na sinusundan ng tingin ang bibiktimahing babae."
Doon lumalim ang gatla sa kaniyang noo, kasunod ng paghagod niya ng namamanghang tingin dito. Hindi siya makapaniwala sa lawak ng imahinasyon ni Kirsten.
"What exactly is wrong with you and your brain? Napa-praning ka na ba? Epekto ba ito ng ilang linggong pagtulog mo sa shelter kasama ang mga taong hindi mo kilala? And let me remind you, woman— you begged me for shelter. Nagmakaawa kang patuluyin kita rito sa bahay ko. Ikaw ang kusang lupamit sa serial killer na ito."
Kirsten just pouted and said no more. Umalis na ito sa pagkakasandal sa hamba ng kitchen entry saka nag-umpisang humakbang patungo sa pinto ng shop.
Kunot-noong sinundan niya ito ng tingin.
Noon lang niya napagtantong buong araw itong hindi lumabas at kung kailan oras na ng uwian ng mga estudyante at magsasara na siya ng shop dahil wala nang natirang customers sa loob ay saka naman ito lilisan.
Bumaba ang tingin niya sa suot nito—it was also the first time he'd seen her in a civilian clothing. Lagi niya itong nakikitang nakasuot ng uniporme.
This time, Kirsten was wearing a pair of fitted blue jeans, sneakers, and a body-hugging T na ang laylayan ay umabot lang hanggang sa ugpungan ng pantalon nito.
And his furrow got deeper when he took notice of her body.
This crazy woman has curves... he thought.
Hindi niya iyon napapansin dati dahil sa maluwag nitong uniform, pero ngayon ay kitang-kita niya ang katotohanang iyon sa kaniyang harapan.
She had a small waist, her booty was round and firm, her shoulders were slender, and her back looked sexy. She tied her hair in a messy bun, which only made her look even more alluring. Kung nakatalikod ito sa kalsada ay aakalain niyang hindi iyon ang dalagang si Kirsten na nakikitulog sa theater area ng bahay niya.
BINABASA MO ANG
SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)
RomanceRISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Uno - AQUARIUS Title: Jan Quaro Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 ~ The physical book was printed in October 2023 under Immac Printing and Publishing House ~ Synopsis: Jan Quaro Zodiac is the owner...