***"PAPAANO AKONG... NAPADPAD DITO?" iyon ang unang lumabas sa mga labi ng dalaga nang harapin niya ito. Ang tinig nito'y paos, at ang isang kamay ay nakahawak sa hamba ng pinto na tila roon kumukuha ng lakas upang mapanatili ang sariling nakatayo.
"Nakita kita sa laundry shop, you were sleeping when I approached you. You fell off your seat and that's when I learned you were burning up with a fever. Ilang araw ka nang may lagnat?"
"Noong araw lang yata na iyon..." Napayuko ito. "Gaano ako ka-tagal na natulog?"
"More than a day."
Bagaman nakayuko ay hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-ngiwing ginawa nito. "H—Hinubaran at binihisan mo ba ako?"
He didn't know what made him smirk. "Why would I bother? Kasama ko ang dalagitang nagbabantay ng laundry shop noong dinala kita rito, at siya ang nagpalit ng damit mo."
Hindi na niya idinagdag na binayaran niya ang halos isang oras na operation ng laundry shop habang naroon ang nagbabantay sa bahay niya upang palitan ng damit at punasan ang buong katawan nito.
"How are you feeling now, anyway?"
"Medyo nanghihina pa rin ako at nahihilo. Siguro ay dahil buong araw akong tulog."
"I've checked your temperature just a while ago, your fever finally broke." Ipinatong muna niya ang cellphone sa katabing chest of drawers bago muling nagsalita. "You are probably hungry; I'm just about to go down and cook dinner."
"Bakit mo ako tinulungan?"
Kinunutan siya ng noo. "Hindi ba dapat?"
Kirsten bit her lower lip—something she always did whenever she was embarrassed.
Wait... Why am I noticing this?
"Noong huling narito ako ay ipinagtabuyan mo ako—"
"Hindi ba dapat?" he repeated. "Matapos ang ginawa mo?"
Lalo itong napayuko, at napabuntong-hininga siya dahil naisip niyang hindi niya dapat ito tina-trato nang ganoon gayong kagagaling lang nito sa sakit.
"Back to your quiet and reserved phase, huh?"
Hindi ito sumagot, at dahil nakayuko ito ay hindi niya nakita ang naging reaksyon nito sa sinabi niya.
Napa-iling siya bago nagpatuloy, "Where were you staying in the past three days before I found you?"
"Kahit saan basta may bubong."
"Hindi ka na bumalik sa shelter doon sa kabilang bayan?"
Umiling ito. "Kapag ganitong malakas ang ulan ay puno ng tao ang shelter at kapag hapon na ako uuwi roon ay wala rin akong mapu-pwestuhan. Kaya kung hindi roon sa laundry shop o sa 24/7 na bulaluhan ay sa waiting shed na lang ako natutulog."
BINABASA MO ANG
SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)
RomanceRISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Uno - AQUARIUS Title: Jan Quaro Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 ~ The physical book was printed in October 2023 under Immac Printing and Publishing House ~ Synopsis: Jan Quaro Zodiac is the owner...