22 | Soaked Sheets

2.6K 75 15
                                    


~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.

Reader discretion is advised~





***



Kirsten opened her eyes for a start. Nagising siya nang may maramdamang malamig na bagay na dumadampi sa kaniyang pisngi. It wasn't the AC system, for sure, because she'd never opened it when she went to bed. Bukas ang lamp sa silid at sa pamamagitan niyon ay inikot niya ng tingin ang paligid; only to eventually realize that it was drops of rain that hit her face.

Mula sa nakabukas na bintana ay pumapasok ang ambon at tumatama sa kaniyang mukha. Kaya pala walang bituin sa langit kagabi; may nagbabadya palang pag-ulan. Bumangon siya, tumayo at nilapitan ang bintana upang isara. Matapos iyon ay pumasok siya sa banyo upang maghilamos.

Ilang sandali pa'y nilapitan niya ang cellphone sa bedside table at tiningnan ang oras; 4:00AM. Matutulog pa siya, kaya muli siyang nahiga sa kama at niyakap ang unan ni Quaro.

Oh, she missed him. Kahit isang araw pa lang silang hindi nagkikita ay parang isang taon na ang nagdaan para sa kaniya. Kaya naman hindi niya napigilan ang sarili kagabi; she did something she had never done before—touch her own, damn self.

And she liked it. She looked forward to doing it again—with him.

Gosh, she had become a wanton since Quaro entered—literally and figuratively—her system.

Pero noong isang gabi ay totoong nasaktan siya sa sinabi nito kaya umiwas muna siya upang mag-isip-isip ng gagawin niya sa buhay pagkatapos ng isang daang araw na agreement nila. She couldn't go back to where she came from. Or she might, but she still wouldn't do what the person back there wanted her to do.

"You won't be permanently part of my life, anyway..."

Napa-buntong hininga siya nang muling pumasok sa isip ang mga sinabing iyon ni Quaro noong isang gabi.

Totoong pinigilan niya ang sariling umasa ng kahit anong milagro sa pagitan nilang dalawa, pero siyempre ay hindi rin niya maiwasang isipin na magbabago ang pakikisama ni Quaro sa kaniya at magkaroon sila ng pag-asa. Baka baguhin nito ang agreement nila, at baka mag-umpisa itong tratuhin siyang...

Huminga siya ng malalim.

What was she thinking?

Alam na niya—umpisa pa lang—kung ano ang pinasok niya. Bakit siya nag-iisip at umaasa ng ganito?

But then, she also answered her own question; because I am falling, deeply in love with him.

Noong nakaraang gabi ay sumama ang loob niya na napili niyang doon muna sa theater room magpalipas ng buong magdamag. Pero nagising siyang nasa tabi na nito kinaumagahan. Ang sama ng loob ay bahagyang nabawasan, pero ayaw niyang makita itong umalis para bisitahin ang ina sa araw na iyon kaya umalis muna siya at pumunta sa university na bukas sa mga estudyante kahit weekend. Pinalabas niyang umuwi siya sa bayan nila, pero kinagabihan ay bumalik din siya sa shop at nagmukmok doon.

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon