~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.Reader discretion is advised~
***
"Hindi ba at naka-schedule kang dumalaw bukas sa Mama mo?"
Mula sa pagtanaw sa labas ng veranda ay nilingon ni Quaro si Kirsten. She had just finished taking a shower and was using his own Goddamn towel to wipe her wet hair. Suot nito ang isa sa mga T-shirts niya na nagmukhang duster dahil sa liit ng katawan nito.
He had ordered two plates of 10 inches pizza and Kirsten gave up after the second slice. Nauna itong umakyat at sinabing magpapahinga nang maaga. Pagsunod niya sa silid ay nasa banyo ito at naliligo, na dati ay kinaiinisan niya pero kalaunan ay nakasanayan na.
His house seemed to get used to Kirsten's existence, and he didn't want to admit it, but... he was, too.
Kung dati ay naiinis siyang may kasama sa pamamahay niya, sa nakalipas na ilang linggo'y hindi na. And it had been... what, seven weeks now since she stayed in his house?
Wala silang pormal na usapan tungkol sa kanilang dalawa—tulad ng inisyal na napag-usapan nila'y mananatili lang ito roon hanggang sa matapos ang isang daang araw.
"Yes, why?"
"Pwede ba akong sumama?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "No."
"Why not? Hindi naman akong manggugulo roon, ah?"
"Hindi ako nagdadala ng babae sa amin."
"Why not?"
"I'm surprised you even asked?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "Holiday sa Lunes at Martes kaya wala rin naman akong gagawin dito sa loob ng mga araw na iyon."
"Go meet with your friends, then." He ended the conversation with that. Ayaw niyang patuloy itong magpumilit na isama niya dahil kahit ano ang gawin nito'y hindi iyon mangyayari.
Just thinking about it made him shiver; ayaw niyang tanongin siya ng mga kapatid tungkol sa katayuan ni Kirsten sa buhay niya, o mag-expect ang Mama nila na nag-uwi siya ng babae upang ipakilala rito. He just didn't want to be questioned, that's all.
"Wala akong friends."
"It's not my problem anymore, Kirsten." He hoped she'd realize that he didn't want to further discuss the topic. Ini-sara na niya ang veranda at naglakad patungo sa banyo. He could feel Kirsten's eyes following him.
BINABASA MO ANG
SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)
Storie d'amoreRISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Uno - AQUARIUS Title: Jan Quaro Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 ~ The physical book was printed in October 2023 under Immac Printing and Publishing House ~ Synopsis: Jan Quaro Zodiac is the owner...