17 | Her First Tip

2.3K 58 8
                                    


~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.

Reader discretion is advised~






***





Gusto niyang magpumiglas, magtampo-tampuhan at sabihin ditong nagseselos siya sa pagpunta roon ni Paige. Pero kilala niya si Quaro; one wrong word and his mood would change instantly.

Her hands landed on his chest, and she softly pushed him to ask one question.

Quaro let go of her lips with hesitation.

"Bakit... maaga kang nagsara?"

Sandali itong napatitig sa kaniya bago sumagot. "There was a crack on the wall, doon malapit sa sink. Tanda kong nasa bahaging iyon ang tubo ng tubig; ayaw kong magleak kalaunan at kumalat sa working station kaya nagpapunta ako ng mga karpintero para ipaayos. They haven't finished the job, pipinturahan pa nila bukas ang pader."

"Oh. So..." Napalingon siya sa pinto ng shop na noon lang niya napansing nakasara na.

"So?"

"Si Paige—"

"I ordered a new fridge from her store, sumama siya sa staff niyang naghatid dito. We spoke for a while and then we..."

Nang huminto ito sa pagpapaliwanag ay ibinalik niya ang tingin dito. Doon niya nakita ang pagsalubong ng mga kilay ni Quaro, kasunod ng unti-unting pagluwag ng pagkakahawak nito sa kaniya, at ang tuluyan nitong pagbitiw.

'Lang'ya, I totally ruined the mood.

"Why am I explaining to you?" he asked after a while.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko sa'yo."

Matagal muling nakipagtitigan sa kaniya ni Quaro, ang mga kilay ay magkasalubong pa rin, hanggang sa nagpakawa ito nang malalim na paghinga at tumalikod.

"Bakit mo ako hinalikan?"

Quaro stopped and looked over his shoulder. "Hindi ko ba dapat ginawa?"

"Hindi mo iyon ginagawa sa tuwing darating ako—"

"Dumarating ka araw-araw sa oras na puno pa ang shop ng mga customers; you want me to kiss you torridly in front of everybody?"

Muli siyang nagkibit ng mga balikat. "Ikaw."

"No. Ayaw kong mawalan ng mga customers."

"Tama 'yan, hindi naman masarap talaga ang mga tinapay mo. Kapag nalaman nilang may nilalandi kang babae sa loob ng shop, siguradong hindi sila magdadalawang isip na sunugin ang loyalty card nila."

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon