15 | No Expectations And No Promises

2.6K 65 11
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




***



~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.

Reader discretion is advised~






Bakit para siyang initapon sa griller matapos marinig ang salitang orgasm mula kay Quaro? Pakiramdam niya'y iniihaw siya sa init—katulad ng naramdaman niya kagabi habang nagpapakasarap siya sa mga haplos, halik, at pang-aangkin nito.

"Now, let's talk like adults," pukaw ni Quaro sa kaniya. "What do you expect from me after last night?"

Napalunok siya. Ano nga ba?

Siyempre inaasahan kong—

"Katulad ng sinabi ko noon, hindi ako nakikipagrelasyon. So, I hope you are not expecting a romantic relationship from me?"

Para siyang binagsakan ng malaking bato nang maalala ang tungkol doon. Quaro was serious about it; umasa pa man din siyang may exception pagdating sa kaniya.

But she instantly smirked at her own thoughts. Why did she even think of it? Ano'ng espesyal sa kaniya para kalimutan ni Quaro ang pilosopiya nitong hindi makipagrelasyon sa mga babae? Just because she was a virgin didn't mean she's special?

She cleared her throat and forced herself to meet Quaro's piercing eyes.

"Of course not," she answered.

"Plano mo bang gamitin ang katawan mo para kombinsihin akong payagang kang manatili rito sa bahay ko nang mas mahaba sa napag-usapan natin?"

Nanlaki ang mga mata niya sa muling narinig mula rito. She didn't even think of it!

"Of course not!"

"I didn't use protection the first time we hit it, but I was careful, so, I'm certain that you wouldn't get pregnant. Pinaplano mo bang pikutin ako?"

Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa mga sinasabi nito. Naroong nahabag din siya sa sarili dahil sa mga iniisip nito tungkol sa kaniya.

Hindi man lang ba nito naisip na kaya niya kusang ibinigay ang sarili ay dahil... malaki ang pagkakagusto niya rito?

"Wala akong planong gawin iyon, Quaro. Wala tayo sa teleserye," she answered wryly.

"You were a virgin," he stated, eyes bored into hers. May kung anong damdamin ang saglit na dumaan sa mga mata nito nang sabihin ang mga salitang iyon bago muling naging bato ang anyo. "If you expected me to marry you just because of that, you can think again, Kirsten. I am not a noble man."

Lihim siyang napabuntong-hininga. Tinatapakan ng gago ang pride niya sa mga sinasabi nito— kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya niya ay baka humablot na siya ng kung anong gamit doon sa kusina at ibinato rito.

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon