~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.Reader discretion is advised~
***
"Quaro, hijo, may problema ka ba?"
Ang pagtanaw ni Quaro sa malawak na taniman ng mga mais sa likuran ng ancestral house ng pamilya ay natigil nang marinig ang tinig ng ina. He looked over his shoulder and found his mother walking toward him. Nasa anyo nito ang pag-aalala.
He gently smiled and shook his head. "I'm fine, nagpapahinga lang ako."
"Cerlance and Caprionne are looking for you, may gusto yatang ipakipag-usap." Naupo ang ina sa katabing rocking chair at ibinaling rin ang tingin sa maisan na iniilawan ng mga posteng nakatayo sa paligid. "They are in the study room should you wish to join them."
Ibinalik din niya ang pansin sa field at inisandal muli ang sarili sa kinauupang tumba-tumba. His brothers, Cerlance and Caprionne had also came to visit their mother. Dalawang linggo mula sa araw na iyon ay kaarawan ng isa pa nilang kapatid na si Aris, kaya lahat sila ay kailangang bumalik doon upang ipagdiwang iyon. That was their family's activity since he and his brothers left home.
"I'll pass," he said, "Caprionne is thinking of building a business, at niyayaya niya kami ni Cerlance na mag-invest. We don't have much, Ma. Hindi namin kayang mag-invest sa plano niya."
"I can lend you both some cash if you really want to?"
"No."
His mother smiled wryly.
"I knew you'd say that. Kahit nga ang trust funds ninyong magkakapatid ay hindi pa rin ninyo ginagalaw hanggang ngayon."
"Sapat na sa aming pinalaki, pinakaian, at kinupkop niyo kami. Pinag-aral at ini-turing na sariling dugo. We can stand on our own, pay our bills on our own, live on our own."
"Tingnan mo iyang mga kapatid mo at nagsipag-alisan din nang makapag-tapos. Gusto ko tuloy isiping hinikayat mo sila."
Muli niyang nilingon ang ina at nakita ang pag-nguso nito. Napangiti siya.
"Hindi ka ba masayang kinaya naming tumayo sa sarili naming mga paa? All our lives, we were just depending on you and Father. We are all grateful, pero sapat na ang mga ginawa ninyo sa amin hanggang sa makapagtapos kami."
Napangiti na rin ito. "I am proud of you, Quaro, believe me. At siguradong ganoon din ang inyong ama."
Ibinalik ng ina ang pansin sa corn field at andaling natahimik. Banayad nitong ini-duduyan ang rocking chair.
BINABASA MO ANG
SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)
RomanceRISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Uno - AQUARIUS Title: Jan Quaro Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 ~ The physical book was printed in October 2023 under Immac Printing and Publishing House ~ Synopsis: Jan Quaro Zodiac is the owner...