Agatha's POV
Matapos akong layasan ng putanginang Almira na iyan ay diretso ako sa loob ng classroom namin. Dahil sa nangyari ay paniguradong magsususpinde na ng klase, nasa sentro na naman ng tsismis ang section namin at sasama na naman ang reputasyon namin sa iba.
Kung tutuusin ibang tao naman ang may pakana nito pero ang kabuuan ng klase ang nagsa-suffer.
Si Emily na naman ang may gawa. Ano'ng nagging kasalanan ni Cathy kay Emily para maisipan nito na patayin sa pamamagitan ng pagpapagulong sa pison ng kawawang dalaga.
I am just wondering, kasi napaka-morbid naman kung paano pinatay si Cathy sa kamay ni Emily sa kadahilanangwalang sinuman ang nakakaaalam?
Nilingon ko yung mga kasama ko. Nakakaasiwa! Kung saan ako naroon ay buntot ng buntot sa'kin itong dalawang... babaeng ito. Wala naman akong mahita sa mga ito. 'Cause they're the one who's benefitted. Dahil sa'kin , hindi sila nakakakuha ng atensyon mula sa iba, sa'kin ba naman sila dumikit
Precious' POV
Nanlalamig ang aking pakiramdam. Parang wala na ako sa dati kong kinalagyan. Pagdilat ng aking mga mata, nakita ko na agad ang puting kisame. Luminga ako sa paligid, wala na nga ako sa banyo. Nahihinuha ko sa nasa ospital na ako nang mga oras na iyon.
Pinilit kong gumalawpero hindi ko na napilit pa dahil sa sobrang sakit ng katawan ko magbuhat ng ginawa sa'kin ng putanginang babaeng iyon.
Napabuntong-hininga ako. Hayup na babaeng 'yon---kung sino man siyang hayup siya---muntikan na akong patayin. Mapalad pa rin ako kahit papaano, nakaligtas ako sa tiyak na kamatayan ang akala ko ay kukunin na ako ni Emily pero hindi siya nagtagumpay. Malaking palaisipan sa'kin ito. Alam ko na balak kaming patayin ng nagpapakilalang si Emily sa mga Death Note niya, pero bakit ako ang inuuna niya? May mga taong mas malalaki ang kasalanan kay Emily, kahit na malaki ang kasalanan ko sa kanya, hindi naman maikakaila na mas malaki ang kasalanan ng mga nakasama ko sa section naming, si Agatha, si Ronan at ang mga kaibigan niya. Kahit si Almira, malaki din ang pagkakasala niya.
Pero bakit ako? Ako ang uunahing patayin,at pati si Cathy na ang tanging kasalanan lang naman ay ang ibunyag ang sikretong kasunduan nila nina Ronan at Luigi na kahit kailan ay hindi naman siya nagging parte ng kasunduan 'yon.
Hindi pwede 'to.
Kailangang malaman ng Emily na ito---ang tao sa likod ng mga Death Note--- kung sino ang nararapat na unahin niya, at hindi ako 'yon! Magkalaglagan na kung kinakailangan, walang puwang sa ngayon ang pakikipagkaibigan dahil nasa malapit ang panganib nagmamatyag sa mga galaw namin.
May mga nalalaman ako sa mga baho nila pero alam kong hindi iyon sapat para makumbinsi ko si Emily na sila ang unahin niya kailangan kong magpanggap, hindi mahirap gawin 'yon.
Sa oras na malaman ko ang mga kasalanan nila, maaari kong linisin ang pangalan ko kay Emily. Pero mahirap malaman kung sino ba talaga siya?
Almira's POV
Sa totoo lang litung-lito ako, nakita ko ang mantsa ng aspalto sa sapatos ni Dino, hindi ko alam kung sapat na ba ang mga kutob ko sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw maaring nagkataon lang na namantsahan lang iyon dahil nakiusisa siya sa crime scene ni Cathy kaninang umaga at hindi siya ang killer... pero marami na kasing pagkakataon na napaghihinalaan ko siya. Ang relasyon niya kay Emily ay isang matibay na basehan na siya ang salarin. Pero ang bagay na nakakapagpalito sa'kin ay ang katotohanang wala malinaw na ugnayan sina Precious at Dino sa isa't-isa kahit mamagitan pa si Emily sa kanila ay wala akong nakikita na maaaring pag-ugatan ng malalim na galit ni Dino kay Precious na pwedeng humantong sa pag-attempt nito ng murder. O baka may hindi ako nalalaman tungkol sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
'Death Note'
Random"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...