C2. Emily's Death: Suicide Or Murdered?

216 3 1
                                    

Almira's POV

Nakasabit sa kisame ng halos tatlong talampakang layo ng paa sa sahig. Naroon pa ang sugat nito sa noo---na sa tingin niya ay hindi na pinatingin pa sa doktor---

At ang... karatulang nakasabit sa leeg nito bukod sa lubid na ikinamatay nito. Nanayo ang kanyang balahibo sa nabasa niya, parang siya ang pinatutungkulan nito.

Lahat ng may kasalanan sa'kin...isasama ko kayo sa pagdurusa ko.

Masakit isipin na namatay siya ng may sama ng loob sa amin. Galit na galit siya sa aming lahat. Kahit ang iba pa naming mga kaklase ay nagimbal rin sa nasaksihan ngayon. Bulungan at iyakan ang nangibabaw sa buong klase. Nagtawag na rin ng pulis na magsisiyasat sa Crime Scene, pero wala pa rin ang mga otoridad.

Ang iba pang tinutukoy ni Emily na mga kaklase namin ay tila wala lang ang nakakaalarmang 'Suicide Note', titititigan lang ng mga ito si Emily na isa nang malamig na bangkay.

"Sino ang unang nakapansin sa bangkay?" tanong ni Wilma sa tropa nina Agatha.

Hindi sumagot ang tinanungan niya, iyak ito ng iyak. Itinatakip nito ang mga kamay nito sa sariling mukha.

"Siya ang unang nakapansin sa bangkay, Wilma," si Precious na lamang ang sumagot.

Napailing nalang ako sa aking narinig, normal lang naman na umiyak dahil na-trauma siya sa nakita. Pero isa rin siya sa may malaking kasalanan kay Emily. Tss...kunwari ka pa, isa ka rin naman sa mga taong gusto nang mawala sa klase si Emily. Napakaestupida niya kapag nakikita ko siya ngayon na umiiyak. Napakaimpokrita ng pag-uugali. Alam ko na sa loob-loob niya ay ginusto rin niya na mawala na ito sa landas niya.

Karamihan sa mga nakausap ni Wilma ay Suicide daw ang nangyari. Tama naman sila dahil sa ginawa nitong pagpapakabigti at ang Suicide Note nito na nakasabit pa sa leeg nito. Ngunit parang may mali, oo may mali nga.

Maniniwala na sana ako na Suicide Act nga ang ginawa niya, kung hindi lang dahil sa...kutsilyong nakatarak pa sa dibdib nito.

Nagbigti na nga ito, bakit may sumaksak pa sa kanya? O 'di naman kaya, may sumaksak nga, pero, bakit ibinitin pa siya dito at iniwan pa ang kutsilyo sa dibdib nito? Suicide Act nga ba ang nangyari... O isa itong Murder?

Marami sa mga kaklase ko ang hindi gusto si Emily, pero bakit aabot ito sa puntong makakapatay na siya? May nagawa ba siya para mapatay niya ito?

Napailing ako, nagpakamatay ba siya o may pumatay sa kanya? Ang labo. Parehong matibay ang ebidensya. Pero dapat timbangin ang mga bagay-bagay, saan anggulo ba dapat simulan?

Agatha's POV

Patuloy na umuukilkil sa isipan ko ang larawan ni Emily noong buhay pa---noong mga araw na pinagkakaisahan namin siya---at ang larawan niya ngayon na isang nang bangkay.

Alam kong sinadya niya ang magpakamatay dito para takutin lahat kami, sa malas, ako pa ang unang nakakita sa kanya. Nakakatakot ang hitsura niya. Magulo ang buhok, halos nakaluwa na ang mata, ang dating makinis na mga balat ay naging mapusyaw na at ang panaksak na nakatarak pa sa dibdib nito.

Ngayon lang ako nakakita ang ganoong nakakakilabot na hitsura sa buong buhay ko at hanggang siguro sa aking kamatayan ay hindi ko malilimutan ang ang araw na ito. Kailan ba kami huling nag-usap?

Kahapon sa aming eskwelahan, umuulan pa ng oras na iyon. Nakita ko siyang naglalakad sa pasilyo na kung saan nakahilera ang classroom namin. Nagngingitngit ako sa galit sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko malaman kung bakit. Basta naiinis ako sa kanya. Mag-isa na naman siya at namumugto ang kanyang mga mata.

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon