Almira’s POV
Kinabukasan, pagdating ko sa aming eskwelahan ay walang pagsidlan ang aking tuwa nang makasama ko si Luigi kagabi. Ikalabing-isang araw na matapos ang malagim ng pagkamatay ni Emily. Lalong tumitindi ang tension dahil magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Cathy mula sa pagkawala nito kahapon.
Parang gusto ko nang maniwala na pinaglalaruan na kami ng kaluluwa ni Emily, pero may isang bahagi ng isipan ko na nagsasabing isang malaking kalokohan ang maniwala sa multo. Ang lahat ng pangyayari ay may eksplanasyon.
Nagising na lang ako sa realidad nang nadunggol ako ng isang bulto. Dahil sa lakas niyon ay napatumba ako. Pinakatitigan ko ang paa niya. Ang puting sapatos niya ay nahaluan ng itim na marka.
“Pasensya na, Almira. Nagmamadali kasi ako kaya nabangga kita.”
“Ayos lang iyon, Dino. Ako dapat ang humingi ng dispensa dahil ako itong wala sa sarili.”
Blangko lang ang ekpresyon ng mukha nito.
“Saan ka galing at nangingitim 'yang sapatos mo. Sayang at puti pa naman.”
Naging pagkalito ang ekpresyon ng mukha nito. “W-wala, Almira. Hindi na mahalaga kung ano ang mayroon sa sapatos ko.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kumaripas na ito ng takbo.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang naging behavior na iyon ni Dino.
Agatha’s POV
Magkasama kami ni Precious ng pumasok. Naiinis ako dahil sa akin pinapahananap ng putanginang nanay ni Cathy ang anak niya. Ano’ng malay ko sa anak niya, malay ko ban a lumandi ang anak niya at sumama na sa ibang lalaki. Talagang kaladkarin na talaga si Cathy, ewan ko ba kung bakit pa nag-aaral wala namang sumasaksak sa utak niya kundi ang lumandi.
“Bwisit, hindi na naman umuwi si Cathy kagabi kaya sa’kin na naman pinapahanap ni tita ang anak niyang kaladkarin.” Pagmamaktol kong sumbong kay Precious.
Tawa lang ang sagot niya. “I know right, ano pa ba ang bago sa kanya? Halos hindi nakakalipas ang isang linggo na hindi siya nangangati.”
“Ang masama, ako ang hinahanapan ng nanay niya kapag nawawala, eh, ano’ng malay ko sa ginagawa niya tuwing wala siya?”
“O, baka naman ay natakot na siya sa banta ng Death Note sa kanya? Hindi kaya?” sapantaha pa niya.
Umismid ako. “Maaari nga pero iba ang kaso ng Death Note at sa kanya. Namatay si Darrell sa harapan natin kaya sigurado akong mamamatay siya sa harapan natin.”
“Ano ba 'yan, knock on wood.”
“Kunsabagay, wala akong care sa kanya dahil sakit ng ulo ang ibinibigay niya. Remember, natatakot na nga ako sa banta ni Emily 'tapos inaway-away lang ako. Bahala siya sa buhay niya.”
“Pero friend pa rin natin siya.”
“I thought not that much.” Sabi ko pa. “The hell she’s in friend with us.” Papasok na kami sa school gate nang mapansin naming ang kumpol ng tao sa bandang construction site sa ipinapagawang kalsada. Akma akong maglalakad ng pinigilan ako ni Precious.
“Where are you going?” sita niya sa’kin.
“I’m just curious, maraming tao doon.”
“Baka, simpleng away-estudyante lang 'yan. Huwag mo na silang pag-aksayahan ng panahon, baka ma-late tayo sa klase. Tara na,” yakag niya sa’kin habang hinihila ako palayo at wala na akong nagawa, may punto kasi siya.
BINABASA MO ANG
'Death Note'
Aléatoire"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...