C16. Cathy's Death: The Streamroller Incident

67 1 2
                                    

Dino’s POV

Iniisip ko pa mula kanina kung ano ang dapat kong isagot sa alok niya sa’kin. Bakit ba ako ang pinili niyang lapitan para magsagawa ng isang nakakapanindig-balahibong plano?

Dahil ba galit ako sa ilan sa kanila?

Dahil ba madali akong utuin?

Dahil alam kong ako ang pinakamalapit kay Emily, bukod sa kanya?

Early moments ago...

Nasa library ako nang may nag-text sa’kin. Kinuha ko ang aking cellphone na nasa bulsa ko at tiningnan ang nakarehistro sa screen.

Nagtataka ako kung bakit unregistered number ang nakarehistro rito at bakit nalaman niya ang numero ko? binuksan ko na ang mensahe.

Sender: Unregistered Number

Dino, magkita tayo sa convenience store na malapit sa eskwelahan natin, as soon as possible. May iaalok ako sa'yo na sigurado akong hinding-hindi mo matatanggihan…

Nang makarating ako sa lugar na tinutukoy niya ay agad niyang itinaas ang kamay niya.

Imbes na lumapit ako sa kinaroroonan niya ay natigilan na muna ako. Siya? Bakit siya eh may numero ako sa kanya? Bakit hindi iyon ang ginamit niya?

“Ano’ng tinatanga-tanga mo d'yan, pumarito ka at mag-usap tayo,” sabi niya na nasa sarkastikong pananalita.

Wala akong nagawa dahil napahiya na ako kaya’t umupo ako sa kaibayo ng inuupuan niya. “I-ikaw pala, bakit mo ako tinawagan sa ibang numero?”

“Dahil…,” nag-isip muna ito n asa palagay ko naman ay kunwari lang. “Itong ginagawa ko ay isang Conspiracy.”

“Conspiracy? Kanino?” tanong ko.

“Sa buong klase natin. Sa lahat ng nagkasala kay Emily.” Tiningnan niya ako ng matalim at mata sa mata, “'di ba, kasama ka roon?”

Dabog ng aking kamay ang binigay kong sagot sa kanya. “How dare you, para akusahan ako na nagkasala kay Emily, and you all know what I mean. Y'all know how I really cared about her. H’wag kang magmalinis!”

Tumawa ito ng nakakaloko. Chillax, Dino boy. Sa listahan naman ng mga tao sa section natin na gustong ipapatay ni Emily ay nasa hulihan ka naman. Hindi mo naman kahanay ang kasalanan ng iba d'yan.”

“Bakit mo ako pinapunta rito, ano ba’ng iaalok mo sa’kin?” tanong ko.

“Bakit hindi ka muna magmiryenda. 'Di ba?”

“Sa tono’t pananalita mo parang iba ka ngayon kasya sa ipinapakita mo sa kanila? Ano bang sikreto mo?”

“Marami, Dino… sobrang dami,” nanghahamon na tingin niya sa’kin. “Bakit, gusto mo bang malaman at isa-isahin?”

“Ano ba ang ugnayan ninyo ni Emily, ha? Sumagot ka!”

“Sasagutin ko lahat 'yan pero sa isang kondisyon.”

Hindi ako sumagot pero inangat ko ang tingin sa kanya, iyon na ang hudyat para sabihin niya ang kondisyon niya.

“Dapat pumayag ka muna sa aalukin ko sa'yo ngayon. Pero kapag hindi ka pumayag, sige ka, maiiwan kang tanga na kaiisip kung sino ba talaga ako kay Emily plus ilalagay na rin kita bilang sahog sa putaheng niluluto ko para pahirapan sila.”

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon