Almira’s POV
Tumakbo ako ng tumakbo, huwag lang akong maabutan si Wilma. Ang sakit ng ginawa niya sa’kin. Binalewala niya lang ako. Paano, palibhasa ayaw ko kay Darrell noong nangliligaw pa lang ito sa kanya. Tutol na ako dahil hindi siya ang nararapat na lalaki kay Wilma.
Sa pag-aakala ko na tinapos na ni Wilma ang ugnayan nila ni Darrell, nagkakamali pala ako. Nagsisinungaling lang pala siya. Ano ba ang mayroon si Darrell at hindi niya mabitawan.
Lumingon ako, wala na ang humahabol na si Wilma. Pumasok ako sa loob ng locker room at nagtago sa likod ng malalaking estante. I hate to see me crying. Nang makakuntento na ako sa pwesto ko ay nagsimula na akong umiyak. Ang sakit ng kalooban ko sa isipin na kaya niya akong paglihiman.
Ilang minuto na ang lumipas ay nakita ko ang isang napaka puting panyo na hawak ng napakakinis na kamay. Iniiangat ko ang tingin ko at inalam ko kung sino ang may-ari ng kamay.
“Bakit mo ako sinundan, Luigi?” sabi kong basag na ang tinig.
Ngumiti ito ng sobrang payak. Tila ba nawala ang lahat ng alalahanin ko nung masilayan ko ang ngiti niya. ang kaso, sa kabila ng ginhawang nadarama ko sa piling niya ay naroon pa rin ang aking pagka-ilang...
“Sorry, nakita mo akong umiyak. Ayoko pa naman ng ganito.” Pinunasan ko ang aking luha at pinilit kong patatagin ang boses.
Umupo siya. Nag-indian-sit siya sa tabi ko. “I didn’t wonder na umiiyak din pala ang angel na katulad mo. Kasi, ang akala ko ngumingiti lang sila palagi.”
Umiling naman ako. “Simpleng-simple lang naman ang iniiyakan ko, kung hindi niya kayang sabihin sa’kin ni Wilma ang tungkol sa kanila ni Darrell, e 'di hindi. May magagawa pa ba ako?” tumingin ako sa kawalan para itago ang nadarama kong lungkot.
“You’re the kind of girl who cry so fast. Napakatatag mo, alam mo 'yon. Ang tipikal na mga babae, kapag nakakita sila ng bangkay, natatakot, naiyak. Pero, ikaw, nagawa mo pang inspeksyunin ang katawan ni Darrell at alamin kung ano ang eksaktong ikinamatay niya.” lumapit siya ng kaunti sa mukha ko. “Alam mo bang pinahanga mo ako sa galing mo?”
Napakamot tuloy ako sa batok. “Salamat sa compliment, Luigi. Para rin naman 'yan iyon sa kapakanan ng buong klase. 'Nga pala, kumusta na si Darrell?”
“Bahala na sila kay Darrell. Kadarating lang nung pulis nang umalis ako.” Sabi nito.
Tinititigan ko siya habang nagsasalita, ang may kasingkitan niyang mata ay umiilaw kapag naaarawan. Napakagandang tignan, parang nahihilo ako sa bawat pagtatama ng mga mata namin. Inaamin ko na naging crush ko siya pero, hanggang doon na lang iyon dahil...
Teka, nabablangko ang isipan ko.
Matangkad siya sa’kin. Halos leeg lang ang naaabot ng bumbunan ko. Hanggang baba kapag naka-heels ako. Ang kanyang balat, mas babae pa yata kaysa sa’kin. Para nga siyang Chinese descendant. Hindi naman siya mukhang k-pop pero mukha siyang… Neat.
Nagising na lang ako sa katotohanan na nakatitig na rin sa’kin si Luigi, parang awtomatikong umalis ang mukha naming dalawa. “Pasensya na.” Sabi kong hindi tumitingin sa kanya. “Hindi ko talaga sinasadya na titigan ka.”
Kapagkuwan ay tinawanan lang niya ako. “Maniwala, kung glue nga lang ang tingin mo baka magdikit na ang mga labi natin.” Sabi niya. “Pero, I admit na tinititigan talaga kita. Kasi 'yang ugali mo. Parang ugali ni Emily.”
BINABASA MO ANG
'Death Note'
Random"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...