C13. Black Is Being Grief, But Red Means Hell

74 0 0
                                    

Almira’s POV

Nabalitaan namin na nailibing na raw si Emily, t'was one week after she died. Seven days, ang dalawang araw na nakalilipas matapos kaming makatanggap ng Death Note sa mismong damit ni Dino.

Ang ibig lang sabihin niyon ay nakaharap niya si ‘Emily.’

Sino kaya si Emily? Siya ba ang literal na si Emily? Umiling ako kapagkuwan. Napakaimposible ng iniisip ko. Papaanong magiging si Emily iyon, eh samantalang inilibing lang siya kahapon ng biyernes?

Matagal nang hindi nagpaparamdam si Emily at ang kanyang mga Death Note. Nangangahulugan na kaya ito ng pagkatahimik niya? Sana nga, dahil isang buhay na ang siningil niya at sa palagay ko ay sobra na iyon bilang kabayaran.

Tumingin ako sa labas, sa may bintana. Para bang may tinik pa rin akong dinadala sa aking dibdib. Siguro dahil sa mga nangyari nitong nakaraang linggo, andami nang nangyari. At ang tumatak sa isipan ko ay ang malagim na pagkamatay ni Darrell. Cyanide poisoning ang ginawa sa kanya at nabalitaan niya sa kanyang mga kaklase na nung araw na dumalaw sila sa burol nito ay may marking ekis na sa noo ng mga labi nito. Ipinakita pa sa buong klase ang hitsura nito habang nakahimlay sa kabaong. Inukit yata iyon ng kutsilyo at sariwa pa nung kinuhanan nila ng litrato.

Ang marking iyon. Sa blackboard nung araw na namatay si Darrell, sa noo ni Dino na isinulat pa ng pentel pen at ang sugat ni Agatha–halos bakat iyon sa kanyang benda sa pisngi. Iisa lang kaya ang may gawa niyon?

Maaaring oo, at maaari ring hindi.

Cathy’s POV

Nanggaling ako sa bahay ni Agatha, ayoko na nang sigalot sa pagitan namin. Magpapaliwanag ako sa kanya.

Ako na ang nagpakumbaba dahil mahirap talagang kalabanin siya. Nung last Friday nga ay gumawa siya ng eksena sa school ground, bigla na lang niya akong sinabunutan dahil sa tuwing nakikita niya ako ay kumukulo raw ang dugo niya sa’min ni Precious.

Bakit ba namin inagbabayaran ang kasalanang alam namin sa sarili namin na hindi namin ginawa.

Naikuyom ko ang aking kamao. Kasalanan lahat iyon ni Mandy. The mere fact na kaya kong traydurin si Agatha. Baka siya kaya pa niya pero ako... wala naman akong nakikitang dahilan para gawin ko kay Agatha ang lahat ng iyon.

Hindi ako makakapayag na ganituhin niya ako, eh samantalang siya naman talaga ang api sa’ming apat. T-in-ext ko siya, using my other number. Wala siyang contact sa number ko na iyon. Mga piling kaibigan lang talaga ang mayroon ako at hindi siya kasama.

Hey, gorgeous. How’s your day. Si Travis ito, i want to take you out for a date. If you want to. May bagay akong aaminin sa'yo.  Pero maghihintay ako dahil umaasa akong makakarating ka, sana h’wag mo akong biguin...

Alam kong hindi siya tatanggi sa alok sa kanya ni Travis. Paano ba naman, ito kasi ang nagpapatibok sa malanding puso niya, mabuti nga’t hindi pinapansin ni Travis. Hindi naman siya deserving sa lalaking iyon.

Ibinigay ko na ang buong detalye kung saan kami magkikita, nung sumagot siya sa text message ko. Utu-uto talaga kahit kailan. Boba.

Pero maghanda na siya dahil kakalbuhin ko siya hanggang sa matulad na siya kay Agatha, wasak ang paghihitsura.

Wilma’s POV

Sa mga nakalipas na linggo ay si Kuya Emman ang nagging kasa-kasama ko. I feel so damn good when I’m beside him. Nakakalimutan ko ang problema ko kapag kasama ko siya. Ngunit, hindi iyon maiibsan ng tuluyan ang pasanin ko sa buhay. Kadadalaw ko lang sa lamay ni Darrell, kalunos-lunos ang hitsura niya sa loob ng kanyang himlayan.

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon