C19. Finding Answers To My Questions

59 1 4
                                    

Almira’s POV

Papasok na kami ni Luigi sa aming classroom nang may narinig akong usapan sa bulto ng mga estudyanteng mas mababa pa ang baytang kaysa sa’min. Pinag-uusapan nila ang natagpuang patay sa may construction site. At ang mas nakakuha nang aking pansin ay binanggit ng mga ito na galing daw sa section namin ang estudyanteng iyon. Sino kaya?

“Luigi, iwanan na muna kita dahil may pupuntahan ako.” Sabi ko sa kanya.

“Saan ka pupunta?”

“Basta, Luigi. Kung gusto mo sumama ka na lang.” Pagkatapos ay tumakbo na ako ng walang sabi-sabi. Sumunod lang siya sa’kin.

“Saan ba talaga tayo pupunta?” pagtatanong niya sa’kin pero sa halip na sagutin ko siya ay nagtuloy lang ako. Lumilipad ang isip ko dahil halos mag-iisang araw nang hindi mahagilap si Cathy at huwag naman sana, sana mali ang hinala ko.

Natagalan kami bago makalabas ng gate dahil maraming estudyante maraming sagabal. Pagtingin ko sa mismong lugar ay marami pa ring usisero. Pero mas marami ang nagsialisan na dahil mabaho na pati ako ay masusuka na rin sa amoy. Lumapit ako. Nanaig sa’kin ang curiousity, gusto kong malaman kung sino ang namatay?

Maraming langaw, nakakaasiwa at may pulis nang nag-eeksamin sa bangkay hindi ko siya makilala. Sino kaya siya, pero babae siya, halata sa pigura niya.

Lumapit ang pulis at pinatawag nito ang kung sino man ang estudyante ng section na nabanggit nila. At iyon ay walang iba kundi ang section nga namin. “Ako po, kaklase ko ang babaeng 'yan.”

Lumapit sa’kin ang pulis at ibinigay nito ang ID nang nasabing bangkay. Nang masilayan ko ang ID ay hindi na ako nagulat dahil kumpirmado nga... na si Cathy ang bangkay na naroon. Kawawang nilalang, karumal-dumal ang sinapit. Sa tuwing nakikita ko siya ngayon at nakahilata riyan sa aspaltong daan, hindi ko aakalaing ganito na siya ngayon. Duguan, halos hindi na makilala sa dami ng dugo at laman na nakasaboy sa mukha niya. Bali-bali ang buong katawan at sa lahat ng natitirang buo sa kanya, iyon ay ang kanyang damit na lang.

“Kung may numero ka nang mga magulang niya ay pakitawagan na sila ngayon, pumunta na lamang sila sa morgue ng police station dahil ie-examine siya buong magdamag.” Ani pulis sa’kin.

Pero sa nakikita ko ngayon mahihirapan silang ie-xamine si Cathy o kahit maibalik lang siya sa dating porma kung papaano ito nakaratay na walang buhay. At ang crime scene, malinis ang pagkakagawa. Walang bakas ng kahit na ano. Pero nasisiguro kong lalabas rin ang katotohanan dahil ang lihim ay hindi panghabang-buhay naitatago.

Napalingon na lang ako dahil nagsidatingan na pala ang iba pa naming kaklase. Papaano ko sasabihin sa kanila ang isang napakalungkot na balita?

“Ikaw, Bitch!” bungad agad sa’kin ni Agatha matapos niya akong tulakin.

Mabuti na lang at hindi ako nawalan ng panimbang. Imbes na sinagot ko siya ay tinignan ko lang siya ng masama.

“Sino’ng namatay?” tanong agad nila. Lahat sila ay nakatitig sa’kin na parang isang maling galaw ay maaari ko nang ikapahamak.

Imbes na sumagot ako ay dumaloy na lang ang luha ko sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag sa kanila ang karumal-dumal na sinapit ng kawawang si Cathy sa kamay ng hayup na gumawa sa kanya. Iniabot ko sa kanila ang mga gamit na mayroong pagkakakilanlan ng namatay. Pitaka, cell phone, panyo at ang kanyang ID.

Padaskol na kinuha ni Precious ang mga gamit na iyon sa’kin at pinakatitigan iyon. Nang mapagmasdan nitong maigi ay tinabig niya ako at tinignan ang crime scene na nasa likurang bahagi ko lang, nakita niya tuloy kung gaano kawalang puso ang sinapit ni Cathy.

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon