Emily’s POV
Naiinis na ako sa Almira na iyan, balak pa niyang sirain ang lahat ng mga pinlaplano ko. Pero kahit papaano ay nakapanig pa rin sa’kin ang tadhana dahil hindi kami nagkita ng babaeng iyon sa lugar kung saan ko pinahihirapan si Ronan. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Nagdadalawang-isip ako kung isasantabi ko na muna ang nakasaad sa Death Note at si Almira pakialamera muna ang uunahin kong tapusin. Umiling ako kapagkuwan, hindi maaaring unahin sa listahan si Almira.
Dapat sa kanya ay ang planadong pagkamatay. Nagmamalinis pa siya, samantalang may baho siyang itinatago. Hindi siya makakatakas sa higanti ni Emily dahil ang lahat ng may mabibigat na kasalanan, ay nararapat na magdusa muna.
Ang kasalanang ginawa niya, kulang pa ang buhay niya para magdusa siya. And she is the damn reason on why Emily pushing herself to commit suicide. Magsama sila sa impyerno kasama si Emily at ako, pagkatapos kong maisakatuparan ang lahat ng plano namin ni Emily, handa na rin akong mamatay dahil alam kong mamamatay rin ako sa piitan.
Pero habang buhay pa at nagsasaya pa ang mga tinik sa dibdib ni Emily, hinding-hindi ako matatahimik habang hindi nagpapantay ang mga paa nila. Hindi ako matatahimik kapag humihinga sila.
At mukha pang dadagdag sa mga pasanin ko ang pesteng crew ng convenience store na iyon. Wala nang ibang solusyon sa problema ko kundi ang paslangin siya.
Hinihintay ko na lang na lumabas siya sa kanyang pinagtatatrabahuhan. Alam ko kung saan siya umuuwi. I knew every inch of information about him. Kung sakali lang na hindi sila tumutupad sa usapan ng kaibigan niya ay alam ko kung saan sila hahanapin.
At hindi nga ako nagkamali, dahil pinili niyang sabihin kay Almira ang nalalaman niya. Alam ko iyon, dahil alam ko. Alam ko ang bawat kibot ng isang tao. Sa ekspresyon pa lang ng lalaking iyon habang nakikipag-usap kay Almira ay halatang nahihirapan itong mamili kung kanino siya dapat na papanig.
Pasensyahan na lang dahil pinanigan niya si Almira, ako ang makakalaban niya.
Sa wakas ay lumabas na siya. Bihis na bihis ang hudas, hindi niya yata ako napansin na nagkukubli lang ako hindi kalayuan sa tindahan nila. Maingat na yabag ang ginawa ko para masundan siya. Dumiretso siya sa eskinitang ang labasan ay ang kabilang bahagi ng siyudad kung saan siya nakatira.
Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ng magsalita ako. “Ang kapal naman ng mukha mo para isuplong ako, 'no?”
Tumigil ito at nangangatog ang tuhod na humarap siya sa’kin. Nakita ko ang pagmumukha niyang sobrang nakakasuklam. Kulay-manilaw-nilaw na papunta nang pula ang ilaw ng poste at walang tao. May napapabalita raw kasi sa lugar na iyon na may gumagalang mga taong nakakatira ng droga.
“Alam mo, inuto ka lang ni Almira, eh. Totoy. Hindi talaga siya agent ng pulis,”
Nagkulay-suka naman ang mukha nito.
“Kaklase ko siya na makati lang ang tenga para makasagap ng balita. At naniwala ka naman sa kanya.”
“I-kaw? At ano’ng pinagsasasabi mo?”
“Shit! At nagmamaang-maangan ka pa ngayon. Kung ako sa'yo, kumanta ka na rin lang sa kanya sana sinulit mo na.”
“Kumanta? Wala akong pinagsabihan na kahit sino.”
“'Nak ng puta. Magsisisnungaling pa rin hanggang sa huli. Bisto ka na dahil tumawag sa’kin ang katrabaho mo at umamin sa’kin na kumanta ka sa babae ng mga nalalaman mo tungkol sa’kin.” Napatawa siya. “Napakanta ka dahil natatakot kang mawalan ng trabaho pati ng mga katrabaho mo? Kawawa ka naman, ang mga taong pinagmalasakitan mo na nga para hindi mawalan ng trabaho ay nilaglag ka pa?” hindi ko mapigilang mapatawa, ang nagagawa nga naman ng tadhana. “Poor situation.”
BINABASA MO ANG
'Death Note'
Random"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...