C12. Confrontations

70 0 0
                                    

Almira’s POV

Naiwan akong mag-isa sa lumang compound na iyon. Nag-iisip ng malalim. Bakit kaya nasabi ni Dino na hindi maaring pagkatiwalaan sila? May nalalaman ba siya? Ano kayang bagay ang hindi katiwa-tiwala sa kanila?

At bakit si Luigi ay kasama sa nabanggit niya?

Marami pa rin akong tanong na ang hirap sagutin. Kung tutuusin ay wala pang nasasagot ni isa sa mga tanong ko. Hindi ko pa rin kasi napapatunayan na may kinalaman si Dino sa mga nangyayari.

Umalis na ako sa lugar na iyon. Itinago ko sa aking bulsa ang panyong puti na may dugo. Baka ma-late na ako sa eskwelahan.

Agatha’s POV

Sinadya ko talagang magpahuli sa klase. Hindi na sana ako papasok kinabukasan matapos akong mabugbog kahapon pero nagtext si Ronan sa lahat na magpunta sa library, may kakausap sa’min na hindi ko naman malaman kung sino.

Nahihiya man sa hitsura ko ay pinilit kong pumasok, may benda ang pisngi ko at tadtad ng pasa sa mukha’t katawan. Ang galig ng kung sinuman ang hayup na gumawa nito.

Hindi ko siya nakilala sa kasamaang palad. Pero huwag nahuwag niya lang ipapakita sa’kin ang pagmumukha niya dahil isasama ko siya sa impyernong pinagdalhan niya sa’kin.

Hindi biro ang ginawa niya sa’kin. Inalagaan ko ang mukha ko. kuntodo naka-beauty cream pa 'yan tuwing umaga hanggang gabi. 'tapos ay gugurlisan niya lang ng marking ekis ang pisngi ko?

Maghanda ang babaeng 'yan. Magkamatayan na.

Pumunta ako sa library. Nakita kong wala sila sa lugar na iyon kaya didiretso na ako sa aming classroom. Humanda sa’kin ang hayup na babaeng iyon. Gustung-gusto ko nang tirisin sa sobrang galit ko.

Pagpasok na pagpasok ko ay pinagtinginan ako ng aking mga kaklase. Nakakainsulto sila. gusto ko ng atensyon nila pero hindi sa ganitong paraan. Parang ang tanong nila sa kanilang mga sarili ay kung ano ang nangyari sa’kin.

“Girl, what happen to you? Sino ang may gawa sa’yo n’yan?” tanong sa’kin ni Cathy. Tinapik pa niya ang aking balikat na nagsasabing ayos lang ang nangyari.

Biglang awtomatko na itinabig ko ang kamay niya para mapalis iyon sa aking balikat, nakakairita iyong ginawa niya. “Huwag mo akong hawakan, Cathy. Hindi ako natutuwa na nag-aalala ka sa’kin.”

Tila nabigla ito. “Teka, bakit ba napakainit ng ulo mo. Inaano ba kita?” mataray nitong sabi sa’kin.

“Ang kailangan ko, ay kung sino ang gumawa sa’kin nito kagabi? Sa oras na malaman kong may kinalaman ang isa sa inyo, mananagot kayo sa’kin. Magsalita na kayo bago ko kayo isa-isahin.”

Nanahimik ang lahat. Parang walang gustong magsalita ni isa. “Putangina! Magsalita kayo!”

Tumayo si Mandy na nakaupo sa may likuran ng aming classroom. “Kilala ko kung sino ang may gawa sa'yo niyan.” Matatag na sabi nito.

Napatingin ako sa kanya. Mabuti naman at may nakakaalam dahil talagang iisa-isahin ko sila kapag walang umamin.

“Alam natin na walang aamin sa’tin kapag may ginawa tayong kalokohan kaya ako na ang magsasabi sa kanya kung sino ang may gawa sa kanya niyan.” Pumunta siya sa low cabinet at may kinuha roon. Iniluwa ng low cabinet na iyon ang isang pamilyar na kasuotan.

“Ang Jacket na iyon...” napipilan kong sabi.

Napangisi siya sa’kin. Andami niyang ligoy. Ayaw na lang sabihin kung sino. “Tama ka Agatha, ito 'di ba ang suot ng gumawa sa'yo niyan?”

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon