C4. Life After Tragedy

119 2 0
                                    

Wilma’s POV

Sabado...

Isang araw na mula ng magpakamatay si Emily. Nagtext sa’kin si Precious, binurol na sa bahay si Emily. Ang sabi mag-aambag daw ng pera para sa abuloy namin sa kanya. Tutal, siya naman ang Treasurer sa klase namin kaya siya ang maniningil ng mga ambag.

Sender: Precious

Since na wala na si Emily, ikaw na ang bagong class President. Ikaw na ang bahala kung saang venue tayo magkikita-kita. Lahat ng decisions, sa’yo na manggagaling, we’ll be at your back. Wilma. Goodluck sa bagong position.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar sa pagbati ni Precious sa’kin. Hindi ko kasi gusto ang dating ng text message sa pandinig ko kapag binabasa ko.

At isa pa, natatakot ako sa maaring mangyari sa’kin. Para sa kanila, isang biru-biruan ang nangyaring eleksyon...kaya kung sinu-sino ang hinahalal nila. Maaring ganoon din ang gawin nila sa’kin katulad ng pagtrato nila kay Emily...ang dating class president.

Papasok ako ng hallway nang makita ko sina Ronan na nagtatawanan. At nakita ko rin si Emily na dadaan din ng hallway.

“Psst! Halika nga Miss Freak-sident,” ani Ronan kay Emily. Ikinumpas nito ang kamay na tila gusto siyang palapitin.

Lumingon siya sa paligid. “Ako ba 'yon?” tanong niya saka tinuro ang sarili.

Nagkatawanan pa ang mga ito. “Ikaw nga, sino pa ba ang Freak-sident sa klase natin? 'di ba, ikaw lang 'yon?” sabi ni Darrell.

Mabagal siyang lumapit sa umpukan ng mga lalaki. Halatang nangangatog ang mga tuhod nito. Mahigpit din ang yapos nito sa brown envelope na hawak-hawak nito.

“Putsang kabagal naman. Aba’y dalian mo!” pamamadali nito.

“Tapos na ang klase, bakit pa kayo narito?” tanong niya.

Hinawakan ng marahas ni Travis ang baba niya at inilapit sa mukha nito. “Let me remind you, na class president ka lang. Hindi ka namin nanay para bawalan kami.” Dinuro pa nito ang kanyang sentido.

Mariin akong napapikit, nagtago agad ako sa posteng bato na suporta sa building. Parang hindi ko kaya kapag nasa kalagayan ako ni Emily.

“B-bakit, Ronan?” tanong niya.

“May ipapagawa ako sa’yo.” Sabi ni Ronan.

Marahas ang naging pag-iling niya. “Bakit hindi ikaw ang gumawa. Nariyan naman ang kaibigan ko, sila ang pagawan mo. May kailangan pa akong gawin, kailangan ito sa Faculty Room.” Aalis na sana siya nang tinisod siya ni Ronan. Sumalampak ito sa sahig.

Sinipa-sipa siya ni Darrell. “Hindi porque, ikaw ang presidente… magrereyna-reyanahan ka dito. 'Di ba tungkulin mo ang paglingkuran ang iyong mga kaklase? 'Di ba?” binatukan pa nito siya. “Nakuha mo ang boto namin kaya, utang na loob mo sa amin kung ano ang mayroon ka ngayon.”

Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lang.

Hinablot ni Allen ang envelope na yapus-yapos niya. “Ano ba kasi ang laman nito?” sabi nito habang sinisipat-sipat ng tingin ang Brown envelope na iyon.

“'Wag Allen, mapapagalitan ako ng mga teachers sa Math Department. Please.” Pakiusap niya, ngunit parang walang narinig si Allen.

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon