C1. Here Comes The Vengeance

237 2 0
                                    

Almira’s POV

Mabigat ang mga paa ko patungo sa aming eskwelahan. Simula nung naganap ang araw na iyon... parang naiba na ang pakiramdam ko, bumigat, sobrang bigat. Biyernes na, kaya kailangan dumalo sa aming Flag Ceremony. Hindi maaring hindi dumalo sa mga araw ng Biyernes at Lunes, dahil iyon ang mga araw na may Flag Ceremony. Ang sabi naman sa’min ng aming mga guro, kung sinuman ang hindi regular na dumalo sa Flag Ceremony... hindi pipirmahan ang clearance. Marami ang natatakot na baka hindi nga sila pirmahan, ngunit marami ring binalewala lamang ang babala.

Tanda iyon ng paggalang sa paaralan...

Tsss...maniwala. Hindi ako naniniwala na gumagalang ang lahat ng estudyante sa paaralang iyon. Mga walang modo sila. Wala. Dumadalo lamang sila dahil para wala lang masabi ang kanilang guro sa kanila, pero sa loob-loob nila ay wala talagang halaga ang mga iyon.

Nasa tapat na ako ng gate ng school namin. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Simula na ang kalbaryo ko. Sa tuwing nakikita ko siya.parang nakokonsensya ako. Gustong-gusto ko siyang ipagtanggol sa klase namin, pero ano ang magagawa ko? Natatakot akong baka... ako ang pagbuntunan nila.

Nanatili lang akong tahimik. Neutral kumbaga, hindi pansinin at sumasabay sa alon nila. Kapag sumalubong ka... tatangayin ka lang nila palayo.

Katulad na lang ni...

“Emily!!!”

Sigaw iyon ng mga lalaki sa klase namin. Ang mga tropa ni Ronan, pinagtitripan na naman nila ang kaawa-awang si Emily. Ang dating maayos na buhok nito bago pa man ito pumasok ng classroom ay naging gumulo na.

“Nabo-boring ako Emily, sumayaw ka sa harap ko, dalian mo na!” sigaw ni Ronan kay Emily. “Gusto ko 'yung lap dance ang isayaw mo sa’kin” anito pang binabatuk-batukan lang ito.

Nakita ko si Emily na iyak nang iyak. Nagmamakaawa ang kanyang mata na huwag sanang gawin ito sa kanya. “Ayoko!” sabi nito.

“Sayaw Emily, sayaw Emily, sayaw Emily,” Koro pa ng mga katropa nito.

“Dali na, sumayaw ka na bago pa mag-init ang ulo ko at kung ano pa ang magawa ko sa’yong hayup ka!” sigaw muli ni Ronan.

“Ayoko sabi, ba’t ba ang kulit mo, ha!” sigaw ni Emily.

“Wala ka pala eh!” anito pa nila Allen at Travis. Binatukan pa nila ng sunud-sunod ito.

Marahas na hinawakan ni Ronan ang baba nito at nilapit ang mukha niya. “Ah, gano’n. ano’ng mas gusto mo, ang sumayaw ka ng lap dance o ang ingudngod ko ang mukha mo sa pisara?”

Umiling ito, mabilis. Dinuraan ni Emily si Ronan.

“Ahh…” anitong nabigla. Tinulak nito si Emily. “Tarantado ka pala, eh”

Napaawang ako sa tindi ng ginawa nila kay Emily, hindi na sila naawa sa babae. Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Hindi dapat nila ginagawa ang ganoon kay Emily. Wala naman siyang kasalanan, bakit nila ginagano’n siya?

Pero, tulad ng mga naunang pangyayari, nagtimpi ako. Natatakot, na baka ako naman ang itulad nila kay Emily. Hindi ko gusto ang nangyayari sa kanya. Naiinis ako sa nangyayari, sa sarili ko. Ako itong mas may laban ako pa ang mas duwag pa sa duwag na matatawag.

Umangat ang ulo ni Emily mula sa pagkakasubsob sa bakal na Arm Chair at nakita ko na umaagos ang masaganang dugo sa noo nito!

Diyos ko paano nila nagagawa ito?

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon