C5. Black Sunday

110 3 0
                                    

Almira’s POV

Araw na ng linggo, iyon na ang araw na una kong makita si Emily matapos ang kanyang malagim na kamatayan. Umuukilkil sa isipan ko kung bakit naroon si Dino sa bahay nina Emily. Hindi ko na inalam pa dahil umalis na ako kaagad. Baka maghinala ito kung makita pa akong naroon.

t-in-ext ako ni Wilma, after lunch pa daw ang alis namin ng sabay-sabay. Kinukulit ko na siya sa text kung saan ang venue, pero wala itong kareply-reply. Tapos na rin kaming magsimba ng pamilya ko at nananghalian na kami. Masarap at paboritong Chicken Inasal ang ulam at may sinigang pa, masarap na kumbinasyon.

“Anak, bakit mo iniwan si Wilma. Hindi mo naman ipinaalam sa’kin na bibili ka pala sa bookstore, nag-aalala ako tuloy sa’yo.”Sabi ni mama habang nasa hapag kami.

Napatigil ako sa paghigop sa sabaw ng sinigang. “P-pasensya na po, mama. Wala po talaga sa isip ko na bibili pala ako ng gamit sa bookstore, biglaan lang talaga.”

“Sa susunod kasi, magpaalam ng maayos.” Nakaismid na sabi nito.

Napayuko ako. “Opo, mama.” Itinuloy ko na ang aking pagkain. Naunsiyami na naman dahil sa pagtunog ng cellphone ko. “Saglit lang, Mama. Si Wilma.” Nang tumango ito ay sinagot na niya ang tawag. “Bakit ngayon ka lang napatawag, kanina ko pa kinakalikot ang cellphone ko kati-text sa’yo kung saan ang venue.”

“Sorry talaga, Almira. Galing lang kami sa simbahan. Kaya hindi ko naisagot 'yung tawag.”

“O, saan na ba ang venue?”

“Sa labas na lang ng subdivision natin sila maghintay.”

“Sige, pupunta na agad ako kapag nakapag-ayos na ako.” Sabi niya. “Sige, nananghalian pa kasi kami. Paalam na.” Ibinaba na niya ang kanyang cellphone.

Wilma’s POV

Ala-dos na, tirik natirik na ang araw. Ang usapan namin ni Almira, magkikita-kita sa oras na ala-una. Kahit si Almira…wala pa? Argh malas naman… saktong-sakto naman ng iniisip ko siya ay saka ko siya natanaw na naglalakad palabas ng subdivision. Napangiti ako.

“Pasensya, na talaga, Wilma. Madami pa kasing iniutos sa’kin si mama. Pasensya na talaga, ha?”

Ngumiti siya, “Okay lang 'yon, Almira. Buti nga at ikaw ang unang dumating, para naman hindi naman boring kapag naghihintay, 'di ba?” tinapik ko ang balikat niya. “Eh, kung si Agatha ba ang dadating. Baka ma-out-of-place lang ako.”

Tila napakibit-balikat ito. “Oo nga kunsabagay.” Hinintay pa namin ang iba pa naming kaklase, pero wala nang nagsidatingan. Palibhasa nakapagbayad na sila kaya, wala ng nagsipunta.

Sinipat ko ang aking relos. “Naku, alas-tres na. Hindi man lang sila nagsidatingan. Ang sama naman nila.” Paghihimutok ko. halos isang-oras din kaming naghintay ni Almira, wala lang nangyari. Sinong hindi maiinis.

“Tara na Wilma, kung ayaw nilang sumama sa’tin. Tayo na lang pupunta sa burol niya.” Tila naiinis na sabi niya. Nauna pa itong lumakad kaysa sa’kin.

“Teka lang naman Almira. Hintayin mo naman ako!” tumakbo ako at hinabol ko siya. Mabuti naman at nahabol ko naman siya. Hingal na hingal ako.

Nang makarating kami sa mismong burol, ang bahay ni Emily, ay nagtaka kami. Naroon ang van ni Ronan. Bakit naman kaya. Saka ko lang nalaman ang sagot.

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon