Almira’s POV
“Sige, mama. Papasok na po ako.” Walang emosyon na sabi ko. Lunes na naman kaya alas cinco y media pa lang ay kailangan ko nang mag-ayos. Ngayon ay kinse minutos na lang bago mag-ala-sais ng umaga.
Bago ako lumabas ng gate namin ay kinuha ko ang balisong na napulot ko kagabi. Natuyuan na ng dugo iyon. Kumapit na ang dugo sa talim ng balisong. Maingat kong inilagay iyon sa bag ko. Sakto namang dumating si Wilma.
“Ano Almira, tara na?” tanong nito.
Tumango ako. Inakbayan niya ako at sabay na kaming lumakad. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad namin ay kinukwentuhan niya ako ng kung anu-ano---na hindi ko naman maproseso ng utak ko dahil sa gumugulo sa isip ko, dagdagan pa ng sama ng pakiramdam ko.
Medyo malapit na kami sa eskwelahan ng mapuna niya ang panghihina ko. “Teka, may sakit k aba, Almira? Gusto mo ba pumunta tayo sa School Clinic?” sabi niya.
Umiling ako. “Hindi na kailangan, Wilma. Magkaklase ako.”
“Sure ka? Baka naman nagsisinungaling ka.”
Napangiti ako sa concern niya. “Oo, kaya ko naman eh, dali pumasok na tayo at baka mahuli tayo sa Flag Ceremony.” Niyakag ko na siyang pumasok at nagpagiya naman siya.
Pagdating sa aming classroom, ibinaba namin ang aming mga bag sa kanya-kanyang upuan. By alphabetical order kaming nakahilera kaya alam na namin kung saan kami uupo.
Hinintay ko si Wilma sa kung anuman ang ginagawa nito. Inaliw ko ang aking sarili sa paglibot sa hitsura ng classroom. Malinis na ang sahig na noong biyernes ay sobrang umapaw ng dugo. At ang ceiling na pinagsabitan nito ay tuluyan nang nasira. Iyon ang bakas ng pagkamatay ni Emily.
Bukas ang low cabinet sa bandang-dulo ng aming classroom. May nakalabas pa na lubid, siguro iyon ang lubid na pinagsabitan niya. Nakakakilabot. Bakit naroon pa iyon? Dapat ay inalis na nila iyon dito.
Ano pa kaya ang laman ng cabinet na iyon? Nakaka-curious at talagang bahagyang nakabukas ng kaunti, pero hindi kita ang loob. Katulad ng lubid na iyon ng kay Emily. Mabagal ang aking lakad, baka ano’ng lumabas sa cabinet. Weirdo pero kapani-paniwala. At nang malapit na ako sa low cabinet ay iniumang ko ang aking kamay, tanda ng pagtatangka kong pagbukas sa cabinet.
“Hoy! Ano 'yan?” ginulat ako ni Wilma. Hinawakan nito ang aking kanang balikat. Likas pa naman akong magugulatin. Kaya napatalon ako sa aking pagkagulat.
Pinalo ko tuloy ang kanyang balikat. “Ano ka ba Wilma, nanggugulat ka naman eh. 'Wag ka namang ganyan. Muntikan nang lumukso ang puso ko dahil sa’yo.”
Tumawa ito nang nakakaloko. “Ano ka ba, five minutes na lang at magpa-Flag Ceremony na. Kung anu-ano pa ang ginagawa mo.” Sabi niya. “Halika na nga.” Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Para bang sinasabi niya na huwag ko nang pagkaabalahan na tignan pa iyon.
“Teka lang, titignan ko kung ano ang laman ng low cabinet. N-nawawala kasi 'yung notebook ko sa Filipino, mula pa nung Friday eh.”
Tinitigan niya ako nang matalim, hindi ko mawari kung biro ba iyon o...parang totoo. Hindi ko alam kung anuman iyon. “Wala roon ang notebook mo, Almira. Tara na, baka ma-late pa tayo sa Flag Ceremony.” Hinila niya ako mula sa pagkakahawak ng kamay niya sa’kin. Marahas niya akong hinila palabas, madulas pa naman ang tiled na hallway ng aming building kaya madulas-dulas ako.
BINABASA MO ANG
'Death Note'
Diversos"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...