Almira’s POV
Natapos ang aming buong araw na klase, tila ba kay bilis lang lumipas ang araw na iyon. Sa palagay ko ay bitin na bitin akong hindi ko mawari. Buong araw rin akong sinamahan ni Luigi dahil napagkasunduan namin na hindi muna pumasok ngayong araw.
Sobrang saya sa piling niya. hindi ko... maipaliwanag. Masaya rin naman ako kapag si Wilma ang kasama ko pero parang kakaibang-kakaiba ang pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko.
Siguro napaka-strong ng personality nito kaya nadala talaga ako sa company niya. nakaka-entertain siya ng sobra.
Alas-singko ng araw sa relos ko. kinuha na namin ang aming bag na naiwan sa aming classroom. Kanina, kating-kati na akong kuhanin ang bag ko pero pinigilan niya ako. Wala naman daw mawawala roon. Kaya nanahimik na lang ako.
Pagdating namin sa classroom ay naabutan namin si Kuya Emman. Siya ang naglilinis ng classroom.
“Kuya Emman, bakit ikaw lang naglilinis ng classroom? Nasaan na ang mga iba pang kagrupo mo na dapat maglinis d'yan?” tanong ko.
Tumuwid siya ng tayo. “Nagsialisan na kasi sila Travis at Cathy. Kaya ako na lang ang naglinis sa classroom dahil wala namang ibang gagawa niyan kundi ako lang din naman.”
Ang grupo nina Kuya Emman, Travis, Cathy, at Darrell ang maglilinis ngayong araw pero mukhang malas ngayong araw na iyon si Kuya Emman. “Kayo, ano pang gagawin niyo rito? Parang hindi ko kayo nakita kanina?”
“Hindi kami pumasok Kuya Emman. Kumusta nga pala si Wilma. Umuwi n aba siya ng maaga?”
Napaawang ang labi nito. “Oo, kumakaripas nga siya ng takbo… isang subject na lang ang hindi niya pinasukan.”
“Saglit lang, Luigi. Tutulungan ko lang si Kuya Emman na maglinis ng classroom. Nakakaawa dahil wala man lang gustong tumulong sa kagrupo niya.” paalam ko pero inagapan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Para bang kinukuryente ang kamay ko ng kamay niya. Kaya awtomatikong nailayo ang kamay ko sa kamay niya. Nakaramdam tuloy ako ng ilang nangtignan siya. Hindi ko ba alam kung bakit ako nagkakaganito kanina pa.
“Gusto mo, tayong dalawa na ang tumulong sa paglinis ng classroom?” tanong niya sa’kin.
Napangiti ako dahil doon. “Oo naman gustung-gusto ko ang ideyang iyan.” Nagpatiuna ako sa paglalakad pero sa bandang huli ay nauna siya sa pagkuha ng mga gamit panglinis at iniabot na lang niya sa’kin iyon. Nagwalis ako at sinabayan ko na ng pag-aayos ng upuan.
Tahimik lang kaming naglinis ng buong classroom. At Masaya ako sa nagging working environment ko.
Cathy’s POV
Ang araw na ito ang isa sa mga araw na hinding-hindi ko malilimutan sa buhay ko. Parang ang bilis lang nang pangyayari at ganoon lang kabilis na namatay si Darrell sa harapan namin. Talagang kitang-kita ko ang ekspresyon ng mukha niya nang atakihin siya ng sobrang sakit ng ulo.
Parang gusto na niya bayuhin ang ulo niya sa semento dahil sa sobrang sakit. Kami man ay tila walang magawa sa nakakaawang sinapit niya. Totoo nga ang sinasabi ni Agatha sa’kin: ito na nga ang umpisa ng paghihiganti ni Emily sa aming lahat.
Sa katunayan nga ay inamin ko kay Precious–nang nag-uusap kami kanina–na sobra akong nagpakakampante lang sa banta sa’min ni Emily. Hindi ko naman lubus-maisip na totoo pala ang nakasaad sa Death Note na iyon. Kaya kanina lang ay humingi ako ng tawad sa kanya sa harap nina Precious at Mandy.
Pero ang akala ni Mandy ay hindi ko siya nahuli na umirap siya sa aming dalawa–aming pagbabati. Parang hindi niya yata gusto ang pagbabati naming dalawa. Wala ako sa mood na makipag-away dahil sa ginawa niya lang.
BINABASA MO ANG
'Death Note'
Random"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...