Emily’s POV
Kinabukasan... matapos kong magsetup ng manika sa aming classroom, nakakaramdam na ako ng kaunting katuwaan. Dahil ang mga itinuturing ni Emily na mga demonyo ay marunong din palang matakot sa impyerno.
Kagabi, nagsetup na naman ako ng isang mensahe para sa kanila. Mamayang pagpasok nila, may bubungad nang ‘surpresa.’ May mamatay na sa ikaapat na araw ng pagkamatay ni Emily.
Pumasok ako sa isang kwarto, nakalaan lang ang kwarto na iyon para sa kanila. Sa mga plano ko sa kanila. Kinuha ko ang black box at kinuha ko sa loob niyon ang anklet, ibinigay ni Emily ang anklet na ito para sa mga taong pinahahalagahan siya. Pero, ang tanong: pinahalagahan ba nila an tinaggap nila?
Nasa black box ring iyon nakalagay ang litrato ng tatlo sa mga uunahin ko, (sina Darrell, Kuya Emman at Ronan.) kinuha ko ang isa sa litrato at pumunta ako sa banyo.
Tinitigan ko ang litrato niya. Ngumisi ako. “Malas mo lang dahil ikaw ang uunahin ko. Dahil para sa’kin, parang saling-pusa ka na lang dito. Ipapaalam na lang kita sa mga kalase natin.” Sinilaban ko iyon sa pamamagitan ng lighter. Sa palagay ko siya ang dapat na unahin sa kanila.
Sinuot ko ang anklet sa paa ko, matapos kong sunugin ang litrato niya. Papasok pa ako sa eskwelahan dahil may tatrabahuhin pa ako. Isinuot ko rin ang bullcap at jacket dahil rainy day ngayon. Lumabas na ako ng bahay.
Darrell’s POV
Nagbibisikleta ako papasok sa eskwelahan. Nagdala na ako ng dalawang matatalas na balisong dahil ang sabi sa ‘Death Note’ ay kasama ako sa dapat na mag-ingat, nakakatakot man ay tila balewala lang sa’kin. Sa dami na ng patayan na naengkwentro ko, pinagtibay na ako ng mga karanasan ko sa pagpatay. May resbak din ako ng mga ka-frat member. Kaya nakakampante na ako na hindi ako ang mamatay kapag dumating ang araw na may kukunin na si Emily.
Bigla na lang nagpreno ang aking bisikleta at sa sobrang pagkabigla ko ay napasubsob ako sa kalsada. Nakita ko ang harapang gulong ng biskleta ko na sinadyang butasin. Sino ang gagawa niyon?
Nalaman ko na lang ang sagot ng makita ko ang sapatos at ang anklet sa paa nito. Iniangat ko ang tingin ko pero hindi ko siya namukhaan dahil ang liwanag ay nasa likuran niya natatakpan siya ng kanyang bullcap at paying na bitbit niya.
“Sino ka, hayup ka bakit mo binutas ang gulong ko!” nakakasiguro ako na siya ang may gawa dahil kinuha niya ang gamit na pinambutas niya sa gulong ko.
Itinapon niya iyon sa hindi kalayuan. At palapit ng palapit ang mukha niya sa’kin. Kukuhanin ko n asana ang aking balisong pero inunahan niya ako, inilagay niya ang panyo sa ilong ko.
Sobrang tapang ng kemikal na iyon. Sa pagkakaalam ko, ammonia ang ipinaaamoy niya sa’kin. Nakakahilo. Nakakagpapaikot ng paningin. Hindi ko na siya makilala kahit malapitan ko na siyang nakikita. At tuluyan ng nandilim ang aking paningin.
Almira’s POV
Kalahating minuto bago magsimula ang aming klase, marami na kaming nasa loob ng classroom. Naggigitara ang ilan, nagme-make-up naman sina Agatha at ang tropa nito maliban kay Cathy. Dahil si Cathy ay sumama muna kina Ronan na naggigitara. Sina Lawrence, Dino, at Luigi---na medyo late nang dumating---ay tila may sari-sariling mundo sa kani-kanilang upuan. Si Kuya Emman ay kasama ko lang dahil katabi ko siya. Mas nauna lang ako sa kanyang dumating, tutal wala si Wilma kaya siya ang kinakausap ko.
At si Darrell, wala pa rin hanggang ngayon. Laging maaga iyon, paanong nale-late na ito palagi?
Dumating na si Wilma. Ibinugad niya sa’min ang salitang. “'Yung, blackboard linisin na, 'yung buong kwarto, nilinis na ba?”
BINABASA MO ANG
'Death Note'
De Todo"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...