C7. Luigi

94 1 0
                                    

Wilma’s POV

Hindi talaga ako pumasok sa aming klase buong maghapon. Ipinapakita ko talaga kay Almira na galit ako sa kanya. Hindi tama na ako, kaibigan niya ay pag-iisipan niya ng masama. Ang sakit niyon sa kalooban ko.

Wala akong ibang ginawa kundi ang tumambay mag-isa sa cafetería, may nasasalubong naman akong mangilan-ngilan na kakilala ko pero ayoko pang umuwi.

Natatawa na lang ako sa aking sarili. Ano pa ba ang ginagawa ko dito sa school? Wala na. Para ba konsensyahin ko si Almira? Napailing ako, wala na akong pakialam sa kanya. Narito pa ako dahil ayokong magsabay kami ni Almira sa pag-uwi at ayoko rin na paghinalaan ako ng nanay ko na hindi ako pumasok ngayong araw.

Sinipat ko ang aking relos, nasa alas-cinco na ng hapon, maghapon kong inaliw ang sarili ko sa kakakain, kakakalikot ng Cellphone at paglililibot ng tingin sa buong cafeteria.

Nakita kong pumasok si Luigi sa cafeteria. Hindi ko pala alam na pumasok na siya today. Alam na niya kaya ang nangyari kay Emily? Siguro, alam ko rin naman na nagkagulo roon sa classroom kanina. Narinig ko kasing nag-uusap sina Agatha at Precious tungkol doon.

Hindi maipinta ang mukha niya. Bumili lang ito ng brown long envelope at plastic cover. Hindi na ito nagtagal pa kaya lumabas na siya ng hindi man lang ako napapansin. Paglabas niya ay inayos ko na muna ang aking mga gamit at saka lumabas, itatanong ko sa kanya kung ano na ang nangyari sa klase kanina habang wala ako.

Luigi’s POV

Ilang oras ko nang alam na patay na si Emily pero hindi iyon mag-sink-in sa isipan ko. Papaano magagawa ng isang Emily ang bagay na iyon? O totoo nga ba ang sinabi ni Agatha sa’kin kanina. Basta magulo.

Ikinuwento niya sa’kin ang lahat ng detalye mula sa unang pagkakatagpo niya sa walang-buhay na si Emily, hanggang sa nangyari kanina bago ako dumating. Sising-sisi ako sa nangyari. Alam ko na may kasalanan din akong nagawa sa kanya, at higit na mas mabigat iyon kaysa sa lahat.

Tinungo ko ang locker room, iyon ang lugar ng nakaraan namin ni Emily. Binuksan ko ang locker ko at naroon pa rin ang pinakahuling bagay na ibinigay niya sa akin. Ang anklet, na ngayon ay hindi ko na sinusuot.

Marahan kong kinuha iyon, isinuot kong muli iyon sa aking paa. Bahagya nang sumikip ang anklet dahil tatlong taon na rin ang lumipas nung huli ko iyon isinuot. And the verdict about that anklet...

Ronan pushed me to love her, to have a relationship with her. Hindi ko siya talaga kaibigan in a first place, halos kami ang naglalaban sa pagiging heartthrob ng school. Actually ay wala akong pakialam sa pinaglalabanan namin, the point is...nayabangan ako sa kanya. Kaya pinatulan ko siya. Nangyari ito three years ago pa...

“Ikaw!” mayabang na pagkakasabi niya sa’kin ng araw na iyon. Pinalapit niya ako.

Hindi ko siya pinansin dahil alam kong walang kwenta ang lumalabas sa bibig niya. Nagtuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko siya kaklase noong araw na iyon basta’t nakilala ko lang siya during try-out ng basketball.

Sinundan niya ako, pero ako, nanatili akong walang imik. Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko. “Kinakausap pa kita, kaya h'wag mo akong tatalikuran.”

“Kung anuman 'yang sasabihin mo, hindi ako interesado,” tumalikod akong muli pero inundayan niya ako ng isang suntok sa mukha.

“Nang dahil sa’yo, nawala ang pinaka-aasam ko na maging myembro ng basketball league. Ano ba’ng nakita sa’yo ng mga coaches na iyon, ha?”

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon