Wilma’s POV
Lunes na naman, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Almira. Siguro kailangan niya lang ng espasyo para sa’ming dalawa. I knew that we will had a misunderstandings and I knew it would heal in just several days.
Hindi niya ako masisisi, minahal ko lang talaga si Darrell. Hindi niya mauunawaan iyon dahil hindi pa niya nararanasang magmahal. Kung minsan, alam kong hindi siya ang lalaking para sa’kin pero ang puso ko talaga ay hindi mapigilang umibig sa isang katulad niya.
Kaya nga pinili kong ilihim ang lahat sa kanila ni Mama dahil alam kong tututol sila sa’kin. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko pero ito talaga ang sigaw ng puso ko, siya lang.
Hindi ko nga alam kung makakalimutan ko pa siya matapos ang nangyari sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin. Ang pagiging maaalalahanin sa tuwing malalaman niya na umuuwi ako ng sobrang gabi dahil sa school work. Natatawa nga ako dahil pinipigilan niya akong maging top sa klase. Ang sabi pa nga niya ay ipaubaya ko na lang ang lahat kay Emily–na nung araw na iyon ay aming second honor kasunod ko–dahil mapapahamak raw ako sa pinaggagagawa ko.
“Natahimik ka yata, Wilma.”
Nagising na lang ako sa kasalukuyan. “Ah, ikaw pala Kuya Emman. Kadarating mo pa lang ba?”
“Oo, kanina pa nga kita hinahanap dito lang pala kita makikita sa cafetería.”
Napangiti ako sa fondness na pinapakita niya sa’kin. Kahit sobrang dagok na ang dinaranas ko ngayon ay narito siya–na dapat ay si Almira ang gumagawa nito. But what do I expected? Galit nga siya sa ginawa kong paglilihim sa kanya. “Alam mo napapansin kita 'kamo.”
Tila natigalgal ito. “A-ano’ng napapansin mo sa’kin? Hindi naman ako papansin ah?”
“Alam ko,” sabi ko sa pagitan ng pagtawa. “Napapansin ko na lang na palagi kang late sa klase natin. Bakit kaya?” sabi ko na kunwa’y nag-iisip.
“Wala, sadyang tamad lang ako kaya palaging huli sa klase. Hayaan mo na ako ganoon lang talaga ako. Hindi na maaalis sa’kin ang maging gano’n,” kamot-ulong sabi nito.
Hindi ako naniniwala sa kanya. “Maniwala ako sa'yo, siguro may kinalolokohan kang babae ano?”
“Paano kung meron?” sabi niya habang inilalapit ang mukha sa mukha ko. nakaramdam ako ng pagkailang sa paglalapit ng aming mga mukha.
“Lumayo ka nga, Kuya Emman. Naiilang ako sa'yo.” Pag-aamin ko sa pagitan ng aking pagtawa.
Inilayo nga niya ang mukha niya sa mukha ko. Nailang na rin ito dahil hindi naman siya bobo kung ano ang indikasyon ng ginawa niya. “S-sorry, hindi ko naman sinasadya.” Umupo na lang siya sa kaibayo ng inuupuan ko kaya magkatapat kami.
Ang maluwag na cafeteria na iyon ay naging isang maliit na espasyo sa pagitan namin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nagiging epekto niya sa’kin sa tuwing maglalapit kami,Masaya ako kapag kasama siya pero lagi akong naiilang sa kanya. Mas lalo na sa mga araw na nang-aasar siya sa’kin na bagay na natural lang kapag magkaibigan–katulad na lang kami ni Almira noon.
Hanggang sa pag-alis namin ay nailang na kami sa isa’t-isa. Hindi kami nagpansinan nang makarating kami sa aming classroom. Nakita na lang naming na nagkakagulo na sa loob n gaming classroom
“Ano’ng nangyayari?” tanong ni Kuya Emman kay Lance na nasa labas ng pintuan at tila nagmamasid lang sa labas, na walang pakialam sa kung anuman ang nangyayari sa loob.
BINABASA MO ANG
'Death Note'
Casuale"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...