C3. Unanswered Questions

134 2 0
                                    

Dino’s POV

Pagkatapos kong punasan ang aking mga kamay---na puno ng dugo--- ay dumiresto na agad ako sa C.R. ng mga lalaki sa dating guard house. Doon ay walang tao. Ayoko ring makita ang mga pagmumukha ng mgakaklase ko. Hindi na sila naawa kay Emily, kasalanan nila ang lahat ng ito.

Binuksan ko ang gripo sa nag-iisang lababo ng Comfort Room na iyon at binanlawan ang panyong may dugo... dugo ni Emily. Nang sumayad ang tubig sa mismong panyo ay umagos agad sa sink hole nito ang kulay pulang likido.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay tuluyan na akong nanlata at napaupo sa maputik na sahig ng banyo. Umiiyak ako dahil sa kanya, ang sama niya...nila.

Kung tutuusin ay sila ang dapat na mawala sa mundong ito. Wala silang lugar dito. Nagpapapadyak ako at ipinagbabato ang lahat ng gamit na naroon.

Nahuli ako sa Flag Ceremony, kanina lang. Kaya, minabuti ko munang sa classroom ako mamalagi. Pero nabitawan ko ang paper bag na hawak ko dahil bumungad sa’kin ang bangkay ni Emily. Kalunus-lunos ang sinapit nito.

Lumapit ako...dahan-dahan sa kanya. Hinawakan ang makinis na mukha nito, makinis pa rin... kamamatay niya lang at umuugoy pa ang patang katawan nito. Pinatay siya, sigurado ako. Sino ang bumagok sa ulo niya, magulo ang buhok niya at ang kutsilyo…nakatusok pa rin sa dibdib niya. Kalokohan lang na nagpakamatay siya. Kilala ko siya, mahinhin siya at hindi makabasag pinggan. Paano niya magagawa iyon sa kanyang sarili?

Napuna ko ang bag na malapit lang sa kanya, walang laman ang mga iyon. Bakit?

Sino’ng kukuha?

Luminga-linga ako, nakita ko ang I.D na malapit sa pintuan ang classroom. Dali-dali kong kinuha ang I.D at tinignan kung sino siya. Napaawang ang bibig ko... nagulat ako sa may-ari ng Identification Card na ito. Nagngitngit ako sa galit, sabi ko na nga ba at siya iyon. Posibleng siya ang pumatay kay Emily at hindi ko siya hahayaang magtagal dito. Lumapit ako kay Emily at hinawakan ang magkaparehong pisngi nito. “Hayaan mo, Emily. Hindi ka man makakaganti sa kanya. Sige ako na lang.” Pagkatapos ay umalis na ako kaagad-agad.

Walang magagawa ang iyak kong ito. Senyales lang ito ng kahinaan. Hindi naman sila mawawala sa mundo 'pag umiyak lang ako. Pinunasan ko lang ang luha ko at umalis na rin. Itinapon ko na ang puting panyo na hawak-hawak ko kanina, baka kung sino pa ang makakita sa’kin.

Almira’s POV

Tinignan ko ang daang posibleng daan ni Dino, ang nakikita ko lang na daan ay ang patungong lumang Guard House... teka ano’ng gagawin niya sa lumang guard house? Hindi kaya may ginagawa siya na patago sa amin?

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng lumang compound ng Guard House baka marinig ako ni Dino at kung sakali na siya ang killer---huwag naman sana---baka, patayin niya ako. Mahirap na.

Pero sa pagpasok ko sa compound ay wala akong nadatnan ni isang bakas ni Dino, nakatayo pa rin magpahanggang-ngayon ang Guard House na ito. Luma na at tinubuan na ng mga halamang gumagapang. 'Di kaya pumasok siya sa loob?

Wala doon, hindi na ako makatiis sa panghi ng amoy, kaya lumabas na ako. Palabas na ako ng makita ko ang panyong pinaggamitan niya. Basang-basa at naroon pa rin ang dugo---kung hindi ako nagkakamali---na agad ko namang pinulot at ibinalot sa dala kong plastic bag.  Saan na dumaan si Dino.

Kung totoo man na pinatay si Emily, baka siya ang may gawa. 'Di kaya? Mga tanong na gustong-gusto kong malaman ang kasagutan.

Ronan’s POV

Para sa’kin, ito ang araw na hinding-hindi ko malilimutan sa tanang-buhay ko. Parang maraming nangyari. Parang kanina lang ay pinagti-trip-an pa namin siya, ngayon ay patay na siya. Nakakagulat. Kami nga ba ang nag-udyok sa kanya na magpakamatay?

'Death Note'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon